Halos marinig ko ang pagkaskas ng gulong ng kotse ko nang pumreno ako upang i-park iyon sa gilid ng kalsada. Isang sapak naman sa likod ang natanggap ko dahilan para mapangiwi ako, saka ito nilingon sa rear view mirror. "Tangina ka, Gabriel! Kung mababangga man tayo ay malamang na nauna na akong namatay dahil sa nerbyos!" sigaw ni Paul Shin kung saan ay kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. "Ako, willing akong mamatay," pagsingit ni Melvin na hindi ko napansing naroon pa pala sa passenger's seat. Sa kaninang pananahimik niya ay akala kong tumalsik na ito palabas ng kotse. Nagulat pa ako sa sinabi nito, kaya ambang babatukan ko siya nang pigilan ko rin ang sarili. Kung wala lang siyang brain tumor ay baka nabatukan ko na ito. Inungasan ko na lang ito bago tinanggal ang seatbelt ko,

