Bago pa man din siya mapigilan ng pagnanasa niya ay kaagad din itong nagpaalam upang tuluyang makaalis na. Nakatanaw lang din ako sa papalayo nitong kotse hanggang sa mawala iyon sa paningin ko. "Nakaalis na po ba siya, Ma'am Jacky?" untag ni Donna na halos ikalundag ng kaluluwa ko. "Hays, mabuti naman at nakakapagod pagtaguan si Doc. Gab. Grabe 'yung kaba ko, mga bente." Wala sa sarili nang malingunan ko si Donna na siyang kalalabas lang ng pinto, pasilip-silip pa ito sa kaninang dinaanan ni Gabby kung kaya ay napangiti ako habang namamangha siyang pinagmamasdan. Saan naman kaya ito nagsususuot at talagang ngayon lang siya nagpakita? Gaano man ako nabitin kagabi ay hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang pagkainis ko sa kaniya, bagkus ay natutuwa pa ako. Wala lang, ang saya la

