I have nothing against Mr. Villareal, sadyang natatakot lang din ako na matulad ako kay Venice at ipakasal kay Brandon. Ayokong mangyari iyon na sa pangalawang pagkakataon ay naikasal ako sa taong hindi ko mahal. Although yes, napamahal na rin sa akin si Brandon, pero alam naming pareho na hanggang kaibigan lang. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang mag-ama ngunit iyong pagtanaw ko ay may limitasyon. Sana lang din na huwag kaming humantong sa ganoon at baka mawalan na naman ako ng chance na makapili. Nang makapasok sa kwarto ay nagpakawala ako nang malalim at marahas na buntong hininga. Ngayon na naayos ko na ang divorce paper ay kailangan ko namang paghandaan ang pagbalik ko ng Pilipinas. Hindi ko alam kung anong mangyayari at kung ano ang mga posibleng kahinatnan, but I'm hoping na

