Hindi rin naman nagtagal nang magpaalam kami ni Siobeh sa isa't-isa. Since magkaiba kami ng way, sa paglabas pa lang namin ng Coffee Brew Project ay nagkahiwalay na kami. Sa kabaitan pa nga ni Trevor ay pareho kaming may dalang take-out. Isang lingon ang iginawad ko sa shop ni Trevor, mula sa loob ay tanaw ko ang pagkaway nito dahilan para kawayan ko ito pabalik. Nangingiti ako habang naglalakad palayo hanggang sa huminto ako sa malapit na bus stop. Doon ay naghintay ako para sa susunod na bus, kalaunan nang makasakay din kaagad ako. Pabagsak pa akong naupo sa dulong bahagi ng bus dahil may mga nauna nang sumakop sa bandang unahang upuan. Hinawi ko ang kurtina sa bintana at saka pa sinimulang pagmasdan ang paglampas namin sa mga nadaraanang gusali. Hindi ganoon katirik ang araw sa pwes

