THIRD PERSON POV:)
“What?! Seriously? Me? CEO of UPhone? What the heck!” bulalas ni Jayson Clive Sy, ang bunsong anak ni Cedric Sy, matapos marinig ang balitang siya ang magiging bagong tagapagmana ng UPhone Company.
“Indeed. We’ll be flying back to the Philippines tomorrow,” mahinahong sagot ni Diego, ang matagal nang tagapag-alaga niya, habang nanatiling kalmado sa kabila ng inis ni Clive.
“Oh my god, oh my god!” sambit ni Clive, halos di alam kung tatawa ba o iiyak. Tumayo siya mula sa harap ng computer at dumiretso sa ref. “My brother Johnser is older than me. He should be the CEO, not me!” giit niya habang bumubukas ng ref at sumungkit ng malamig na bottled water.
“I don’t understand,” dugtong niya pagkatapos lumagok ng tubig. “Why did my father choose me to replace him? It’s too early for him to sign off!”
Matiim lang siyang tinitigan ni Diego bago ito nagsalita, tila pinipiling himukin siya sa maayos na paraan. “At the very start, Clive, you were meant to be the heir. Your father has his reasons — and maybe someday, you’ll understand them. For now, you must accept it.”
Pagkababa ng bote ng tubig, napabuntong-hininga si Clive. “I’m too young for this! I’m only twenty-two — I have no clue how to run a big company!” Aninag sa boses niya ang halong kaba at takot. Hindi niya talaga pangarap ang uminog ang buhay sa loob ng opisina. Lalo na’t alam niyang mas handa at mas malapit ang kuya niyang si Johnser sa mundo ng business.
“I’m sorry, Clive, but you have to pack all your things tomorrow. Your tutor is waiting in the Philippines — he will help you adjust and teach you how to speak Tagalog fluently.”
“Oh god. Another problem!” reklamo niya, bumagsak ang balikat sa pagod. “You should’ve taught me Tagalog when I was a kid! Now, I’ll just sound stupid when I open my mouth.” Naiinis niyang kinamot ang batok niya habang umaakyat ng hagdan, palayo sa kusina. “Hayst!” naibulong pa niya bago tuluyang umalis sa harap ni Diego.
“Where are you going?” tanong ni Diego, sinundan siya at huminto sa paanan ng hagdan. Nakita niyang diretsong paakyat na naman si Clive papunta sa paborito nitong computer. “Take some breakfast first!” sigaw nito.
“Later! I’ll play computer games first!” matabang tugon ni Clive, hindi man lang lumingon.
“On my count — one! I will tell your father you’re always glued to your computer!” pananakot ni Diego.
“Bleh!” Binelatan lang siya ni Clive habang humahagikhik sa inis. Patuloy siyang umakyat at tumakbo papasok sa kwarto.
“One!” sigaw pa rin ni Diego, pero huli na — maliksi nang na-lock ni Clive ang pinto. Naghahabol ito at kumalabog pa sa pinto habang pilit pinapapalabas ang binata. “Hey, Clive! Show up! You should eat your breakfast!”
Pero sa loob ng kwarto, bigla na lang tumawa si Clive at walang pakialam na bumalik sa harap ng computer niya. Muli na naman niyang binuksan ang Rules of Survival (ROS) — ang tanging mundong alam niyang kayang niyang pagtagumpayan kahit ilang beses siyang matalo.
Napatingin na lang si Clive sa bintana nang mapansin niyang may aninong dumaan doon — ang butler niya, walang iba kundi si Dylan Lorenzo. Sanay na siya na para bang nag-aakyat-bahay ito sa kwarto niya. Minsan nga, feeling niya ninja na ito sa pagpasok at labas kahit sarado ang mga pinto.
“What do you need?” tanong ni Clive, hindi man lang inalis ang mga mata sa monitor ng computer. Tutok na tutok siya sa larong Rules of Survival (ROS) — ayaw niyang maulit ang pagkatalo niya kanina, na kasalanan ng tagapag-alaga niyang si Diego na panay ang kwento.
Tahimik na lumapit si Dylan sa tabi niya. Kalmado at walang emosyon ang mukha nito. “I’m going to the Philippines first,” mahinahon nitong sabi.
“But why?” tanong ni Clive na kunot ang noo pero nanatili ang mata sa game. Dalawang kalaban na ang na-knock out niya, at palagay niya kaya niyang tapusin ito ng solo win.
“My mother experienced a heart attack.” Diretsong tugon ni Dylan, walang bakas ng pagkataranta sa boses.
Si Dylan Lorenzo — ang kababata at butler ni Clive mula pagkabata. Ang pamilya ni Dylan ay matagal nang nagsisilbi sa angkan ng mga Sy. Kwento nga ng matatanda, noong baby pa si Dylan, agad na siyang itinuring na alila ni Clive — parang kapalit daw iyon sa malaking utang na loob na naipon ng pamilya Lorenzo sa pamilya Sy. Kaya kahit sabay silang lumaki sa States, hindi sila lubusang naging magkaibigan — magkaibang mundo kasi sila. Si Clive, nakababad sa gadgets at computer. Si Dylan naman, lumaking tahimik, palaging nakaalalay pero may sariling mundo rin.
“Sure,” tipid na sagot ni Clive, hindi pa rin lumilingon. Sa totoo lang, hindi rin siya sanay makipag-small talk kay Dylan. Ni hindi nga niya alam kung anong mga hilig nito. Basta para sa kanya, si Dylan ay parang background character sa kwento niya — laging nariyan pero bihirang mapansin.
“See you tomorrow in the Philippines, Clive.” Maikli at diretsong paalam ni Dylan bago ito bumalik sa bintana — parang multo lang na lumusot ulit palabas.
Napangisi si Clive at umiling. “Such a weird butler,” bulong niya habang bumalik ang atensyon sa monitor. Bigla siyang napatayo sa upuan nang makita niyang natamaan niya ang kalaban niya sa laro.
“Yes! You’re dead! Boom!” napasigaw siya, sabay tawa at suntok sa hangin. Lima na ang napapatay niya — anim na lang at tiyak na panalo na siya. Para kay Clive, mas madali pang magtagumpay dito sa virtual world kaysa mamuno ng isang buong kumpanya.
Sa kwarto niyang puno ng computer at gadgets, doon palaging umiikot ang mundo ni Clive. Kaya nga hindi pa rin niya matanggap na pagdating sa Pilipinas… wala nang takas. CEO na raw siya. Pero ngayon, wala muna siyang pakialam doon. Sa ROS muna ang laban niya — dito siya ang hari.
JOHNSER SY POV:)
“Kalat na po ang bali-balita sa Uphone Building, Sir. Nalaman na rin ng lahat na magbibitiw si Mr. Cedric Sy — at... kalat din na ang bunsong kapatid mo raw ang papalit sa posisyon ng CEO.”
Mahinang sabi ni Ramon, ang matagal ko nang assistant, habang sabay kaming pumasok sa opisina ko.
Hindi ko na siya sinagot. Dire-diretso akong lumapit sa malaking bintana. Tumanaw ako sa abalang syudad sa ibaba — pero ang nakikita ko, puro bigo, puro galit. Gusto kong sumabog! Akala ko noon, akin na ang lahat — ako na ang bagong CEO ng Uphone. Akala ko ako na ang magiging hari ng kompanyang pinaghirapan kong itayo sa pedestal nito.
Pero hindi. Lahat ng pagod at oras ko, mauuwi lang pala sa wala. Ang lintik kong kapatid na si Clive — yung batang tumatakas-takas noon para lang maglaro ng computer games — siya pa ang pinili ng ama ko! Siya na walang kaalam-alam sa negosyo! Siya ang magmamana ng lahat!
Hindi ko napigilan ang init ng ulo ko. Mariing napakuyom ang kamao ko, sabay harap sa mesa. Sa isang iglap — BRAGG! — sinabunutan ko ang lahat ng gamit sa ibabaw ng lamesa at winasiwas iyon sa sahig. Nagkalat ang mga papeles, may nabasag pang babasaging trophy.
“BULLSHT! BULLSHT!!”
Sigaw ko na parang mauubos ang boses ko. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko sa galit — gusto kong sumabog.
Si Ramon, na noon pa tahimik lang sa tabi, parang gusto nang matunaw sa kinatatayuan niya. Nanlilisik ang mata ko nang mapansin ko siya. Sa totoo lang, alam niyang siya ang una kong binubuntunan ng galit pag sumisikip ang dibdib ko.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa — ang katandaan niya, nasa trenta’y singko na ata — pero para sa akin isa siyang punching bag na may mukha.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, may pilyong ngiti na biglang sumilay sa mukha ko. Alam ko takot siya, lalo na kapag ganito ako.
“Halika rito, Ramon…” Mahinang sambit ko, sabay senyas ng kamay na lumapit siya. Nagdadalawang-isip pa ito pero alam niyang wala siyang pagpipilian. Mabigat ang mga paa niyang lumapit. Halos marinig ko pa ang paglunok niya ng laway.
“Good boy… lapit lang.” Bulong ko habang inaayos ko ang kwelyo ng coat niya — parang inaayos ko ang mamahaling manika bago ko laruin.
“Gusto ko lang makasapak ngayon. Pwede ba?” May pang-uuyam ang tono ko, halos demonyo na kung makangiti.
“S-Sir Johnser…” garalgal ang boses niya. Hindi na niya alam kung tatakbo ba siya o tatanggapin ang kapalaran niya.
Lumapit ako sa tainga niya at bumulong, may halong malamig na pangako, “Isang sampal — ten thousand. Bigyan mo ako ng tatlong sapak. Hmm?”
Nanginginig siyang tumango. Wala na siyang nagawa.
PAK!
Isang malakas na sampal. Tumama ang pisngi niya sa mesa, napaupo siya sa sahig.
PAK!
Pangalawa, halos maramdaman ko ang pwersa ng palad ko sa mukha niya.
PAK!
Pangatlo — kasabay ng dugong pumutok sa gilid ng labi niya, napahandusay siya sa sahig.
Halos mabaliw ako sa tuwa. Nailabas ko lahat ng hinanakit ko — kahit saglit lang, parang gumaan ang dibdib ko. Sa gitna ng kalat at sigaw, bigla akong natawa.
Hinugot ko ang wallet ko. Ipinatong ko sa tabi niya — pero hindi pera ang kinuha ko. ATM card ang inihulog ko sa dibdib niya.
“Iuwi mo na lang sa’kin yan, ha? Withdraw ka kung gusto mo. Ipalinis mo na rin itong office. Bye.”
Wala na akong pakialam kung makakatayo pa siya.
Humakbang ako palabas ng opisina. Iniwan ko siyang duguan, habang ako — dala ko ang bagong galit at mas malalim na plano.
Kung akala ng lahat si Clive na ang CEO — magkamali sila. Hindi ko hahayaang mapunta sa kanya ang lahat. Makukuha ko pa rin ang UPhone… sa paraang ako lang ang may kayang gawin.
ELIZABETH VILLATORTE POV:)
“Beth!”
Napalingon ako mula sa pagpunas ng basang sahig sa CR nang marinig ko ang tawag ni Aling Doya, ang Head Janitress dito sa Uphone Company.
“Po?” tanong ko habang pinipiga ang mop sa timba.
Lumapit siya sa’kin at bahagyang yumuko para makausap ako nang maayos. “Pagkatapos mo d’yan, ikaw na ang maglilinis sa office ni Sir Johnser, anak ni Mr. Cedric Sy,” utos niya habang pinapahiran ang pawis sa noo. “Ako na kasi ang maglilinis sa office ng ama niya.”
“Sige po. Ako na pong bahala, Aling Doya.” Sagot ko agad kahit medyo kaba ang naramdaman ko.
Tumango siya pero may bumuntot na pag-aalala ang titig niya sa akin. “Bilisan mo ha? Ayaw na ayaw ng anak ni Mr. Sy na maabutan kang naglilinis sa office niya. Baka ikaw pa ang mapagbuntunan ng init ng ulo nun. Baka mabugbog ka pa gaya ng mga nauna.”
Napakunot ang noo ko. “H-ha? Bakit po? Ganun ba katakot ‘yun?” Hindi ko maiwasang magtanong.
“Basta. Wala kang dapat malaman. Basta tapusin mo agad.” Napailing siya, saka mabilis nang umalis.
Napabuntong-hininga ako. Ang dami ko tuloy iniisip habang pinipiga ko ulit ang mop. Grabe naman pala ‘yun si Sir Johnser, nakakatakot pala talaga…
Mag-iisang buwan pa lang ako bilang janitress dito sa Uphone Company, pero ramdam ko na kung gaano kalaki at kaganda ang building na ito. Lahat ng tao dito, laging naka-pormal, pabalik-balik ang lakad na parang robot na sinusulit ang oras nila. Ang linis, ang kinis — pati ang sahig kumikintab.
Nakaka-inggit nga minsan. Yung ibang empleyado rito, may kanya-kanyang Uphone na cellphone. Yung magaganda at mamahalin pa. Ako? Wala. Kaya nga nagpapalista ako kay Aling Doya para makabili ng mura — huhulugan ko siya buwan-buwan ng tig-iisang libo. Kahit second-hand, basta Uphone, ayos na sa’kin.
Sabi nila, partner daw ng Uphone ang Sumex Corporation. Mga appliances naman ang product nila — T.V., ref, oven — lahat nandun na. Ang yayaman ng mga may-ari. Ang suwerte ng mga anak nila, pinanganak na may ginto sa kutsara.
Minsan nga naisip ko lang, sana alam ko rin kung sino ang tatay ko. Napapapikit akong napangiti kahit bitin. Si Mama kasi, kung anu-ano ang sinasabi. Lendo? Lando? Lindo? Ewan! Pati apelyido di ko alam. Mama naman oh, paalala mo naman sakin kahit minsan man lang…
Pagkatapos kong maglinis ng CR, inilagay ko na sa cart ang gamit ko at tinulak ito paliko, papunta sa direksyon ng office ni Sir Johnser.
Saktong pagliko ko, muntik na akong mabangga ng isang lalaking pabalik rin ng liko. Saglit kaming nagkatinginan pero dire-diretso lang siya — parang wala siyang nakitang tao. Medyo napahinto ako. Grabe, ang tapang ng aura, di man lang makangiti.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Wala naman akong pakialam kung sino-sino ang mga makakasalubong ko rito. Ang importante lang sa’kin — kumayod para may pambili ako ng pagkain at pambahid ng upa. Saka na ‘yung cellphone, unti-unti ko rin mababayaran ‘yun.
Pagkarating ko sa tapat ng opisina ni Sir Johnser, medyo napaatras ako nang bumukas bigla ang pinto. May lalaking lumabas. Sa gilid ng bibig niya, may bahid ng dugo. Napatingin ako, tapos siya naman, dali-daling tinakpan iyon ng kamay niya.
“Ikaw ba ang maglilinis?” tanong niya sabay tingin sa hawak kong mop at cart.
Napatango ako. “O-opo, Sir.”
Inilingon niya ako, malamig ang tingin. “Bilisan mo. Ayaw ni Sir Johnser ng mabagal.”
Pagkasabi nun, mabilis na siyang naglakad paalis, para bang ayaw pang madagdagan ang tingin ng iba sa kanyang duguang labi.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Anyare dun? Parang biglang gumapang ang kaba ko.
“So… Johnser pala ang pangalan ng anak ni Mr. Sy. Ano kaya itsura nun? Grabe naman kung ganun siya katakot. Sana naman hindi ako ang susunod na may dugong lalabas sa bibig…” Mahinang usal ko sa sarili ko sabay kagat sa labi.
Huminga ako nang malalim at pumasok na ako sa loob. Sinalubong ako ng basag na babasagin, nagkalat na papel, at halos kalat ang mesa — para bang sinabugan ng galit. Diyos ko! Kaya pala takot lahat!
Beth, kaya mo ‘to. Mahinang bulong ko sa sarili ko. Kailangan matapos ‘to bago siya bumalik — baka hindi na baso ang basagin niya sa galit, baka mukha ko na.
*****
Naghahanap na talaga ako ng malilipatang matitirhan. Kahit simpleng bahay lang, basta maayos at ligtas — ayos na sa akin. Hindi naman ako maarte, ang mahalaga may masisilungan ako pag-uwi.
Buti na lang, di rin ako masyadong nahirapan. Isang maliit na kuwarto lang, may kasamang maliit na kusina. CR? Share lang sa iba. Okay lang, kesa naman wala. Ang renta? ₱1,500 kada buwan. Swak sa budget ko bilang janitress sa Uphone Company.
Isang linggo pa lang ako dito pero nagustuhan ko na agad. Malapit sa building na pinagtatrabahuan ko kaya hindi ko na kailangang gumastos para mag-jeep o tricycle. Tipid is life!
Kaya ayun, maaga pa lang, naglalakad na ako papunta sa trabaho. Maliwanag na ang kalangitan pero ako lang ang tao sa kalsadang ito — puro jeep at bus lang ang nagdadaan. Hawak ko lang ang bag na may baon kong tinapay at tubig.
Habang naglalakad, napalingon ako sa isang maliit na kainan sa tabi ng daan. May commotion doon. Nanlaki mata ko nang makita kong may pinagbubugbog na lalaki! Halos hindi na makilala ang mukha niya sa dumi at mga galos.
“Ouch! I’m not a thief! I’m just watching how you cook!” sigaw ng lalaki. Napansin kong ingles siya kung magsalita — at grabe, putikan ang suot niya. Halos pulubi.
“Tarantado ka! Magnanakaw ka!” galit na sigaw ng tindero. Pinagsisipa pa niya ‘yung kawawang lalaki.
Napatakbo ako palapit. “Kuya! Tama na po! Child abuse ka na niyan!” sigaw ko sabay awat.
Biglang nagtago sa likod ko ‘yung maduming lalaki. Para akong naging human shield.
“He wants to kill me!” sumbong niya habang sumisilip mula sa likod ko.
Napangiwi ako. Ano ba ‘to? Bata ba ‘to?
“Kuya naman, maawa ka na. Gutom lang siguro ‘yan.”
“E balak niyang nakawin ang tinda kong pandesal!” reklamo ng tindero, pulang-pula ang pisngi sa galit.
Nilingon ko ‘yung lalaki sa likod ko. Lutang ang mata habang nakatitig sa mga tinapay. Ramdam kong matagal na siyang hindi kumakain.
Humugot ako ng pera sa bulsa. “Kuya, bibili na lang ako. Bigyan mo ako ng sampung piraso ng pandesal. Ako na bahala sa kanya.”
Napabuntong-hininga ang tindero. “Tsk! Basta umalis ‘yang dugyot na ‘yan dito. Nakakasira ng paninda.”
“Opo, opo. Sige na.” Kinuha ko ang supot ng pandesal, binayaran ko agad saka hinila ‘yung pulubi palayo sa kainan.
Pagkalayo namin, saka ko lang siya binitawan. “O ayan, kainin mo na ‘yan.” Abot ko sa kanya ang supot.
Napa-kislap ang mata niya. “Thank you!” ang tuwang-tuwa niyang sabi — in English, syempre. Agad siyang lumuhod sa gilid ng kalsada at kinain ‘yung pandesal na para bang iyon na ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo.
Habang pinapanood ko siya, napatawa ako ng mahina. Ang cute, parang bata!
“Ang sarap?” tanong ko.
“Yummy! Yummy!” Tumatalon-talon pa siya habang kumakain. Parang kulang na lang, magkaron siya ng buntot sa saya.
Napakamot ako sa ulo ko. Parang may kulang sa kanya…
Lumuhod ako sa harap niya. “Hey, what’s your name?” tanong ko.
Bigla siyang tumigil sa pagnguya. “What? What did you say?”
Napailing ako. Ay, Diyos ko. Englishero pala talaga ito.
“I said, what is your name? You. Name?” pinilit ko mag-English kahit putol-putol.
Umangat ang tingin niya, malungkot na. “I don’t know… I don’t know who I am or how I got here.”
“Ha? What?!” Halos mabitawan ko ‘yung supot ng natirang pandesal.
May amnesia siya?!