KWARENTA Y SAIS AURORA MARASIGAN KAKABABA ko lang ng kotse ay agad na akong natigilan. Nakatayo sa patio ng bahay ay ang lalaking ayoko pa sanang makita sa ngayon. Marami akong tanong at gustong linawin sa kanya pero hindi ko pa kaya, kaya gusto ko muna sanang ipagpaliban. But seeing him here in front of our house makes me realize that he is still my father, so I can’t avoid him forever. So I didn’t have a choice but to face him and settle what was messing with my head. Nang pumasok ako ng bahay ay nilagpasan ko lang siya at hindi na pinansin. Akala ko ay hahayaan niya na ako dahil hindi naman siya nagkomento sa ginawa ko. Pero namalayan ko na lang ay tahimik na siyang nakasunod sa akin papasok ng bahay. “Let’s talk!” aniya bago ako lagpasan at naupo sa couch. “May dapat ba ta

