KWARENTA Y SYETE AURORA MARASIGAN ISANG LINGGO na mula ng bakuran ako ng mga gwardiya ni Daddy. Kahit saan ako magpunta ay lagi silang nakasunod sa akin. Hindi ko na magawang mag-inom dahil hindi sila nawawala sa paningin ko. Kahit sa trabaho ko ay nakasunod sila at dahil din sa kanila ay hindi ko naiisip si Gio, Dad or even Aj. No one is bothering me, and it helps me forget my worries for a bit. “Trexie, bilisan mo gutom na ako!” “Miss Rara, may dragon ba ang tiyan mo at lagi kang gutom ngayon?” kunot noong tanong ni Trixie na nagmamadali pang lumabas ng powder room dahil kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya. “Bakit hindi na ba ako pwedeng magutom, Trixie?” “Wala akong sinabi. Hindi lang ako sanay na lagi kang gutom,” sagot niya pa habang papasok kami ng elevator. Hindi n

