KWARENTA Y OTSO AURORA MARASIGAN I DON’T KNOW what happened, but when I woke up, I was already back to the place where I belonged. No one is with me, and I am alone in this big room. When I tried to open the door, it was locked. And I am expecting that, by the way. Pagod akong muling naupo sa kama at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Ilang araw na mula ng maghiwalay kami ni Gio doon sa restaurant at hindi ko na siya nakita pagkatapos noon. Sinubukan kong tumakas at gumawa ng paraan para makaalis sa pagkulong sa akin ni Daddy, but I just end up passing out. At ng magising ako ay nandito na ulit ako sa Ilo-ilo. Wala na akong magawa dahil mas humigpit pa kesa sa dati ang mga bantay na nakapaligid sa akin. “Iha, nandito na ang almusal mo.” Katok ni Yaya Tessa sa pinto ng kwarto ko.

