TRENTA Y OTSO AURORA MARASIGAN UNEXPECTED person, unexpected moment and unexpected feelings. That’s what Gio made me feel ever since the day I met him and nothing’s changed on that part even though we already separated for months. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga kamay naming magkasalikop na halos ayaw niyang bitawan sa buong oras na magkasama kami. Halos hindi na nga rin siya umalis sa tabi ko habang nasa trabaho kaming dalawa. Mabuti na lang at hindi ako umalis ng opisina ko kaya walang nakapansin sa pagiging possessive ng lalaking ito. “So tayo na?” tanong niya ulit sa pang-ilang beses. Gusto kong matawa sa kakaibang mga kislap na nakikita ko sa mga mata niya. At ang mga ngiti na kahit ilang beses niyang pigilan ay pilit pa ring lumalabas. “Makakatanggi pa ba ako?” ingos ko

