Chapter Three

3746 Words
Chapter Three JOB “HUWAG kang sisigaw,” mahinang aniya. Hindi ko mawari kung sino ang lalaking humila sa akin sa loob ng isang classroom at isinandal ako sa pader habang nakatakip ang kamay niya sa aking bibig. Nakasuot siya ng face mask na Black at sumberong kulay Itim din. Naka-jacket din siya ng kulay Itim kaya hindi ko masukat ang hugis ng kanyang katawan. Jusko! Ano kaya ang gagawin niya sa akin? Sa mga TV ko lang napapanood ang ganito bakit nangyayari na sa totoong buhay? “Si..sino ka?” nauutal na saad ko dahil sobra na akong natatakot. Dahil abot na abot niya ang pintuan ay isinara niya iyon nang dahan-dahan ngunit nakatakip pa rin siya ang kanyang kamay sa aking bibig. “A..ano pong kailangan niyo sa akin?” wika ko. Tinanggal niya ang kanyang mask at nabigla ako dahil si Philip pala iyon kaya ko siya itinulak. “Ano bang problema mo!” sigaw ko. “Gusto ko lang sanang magsorry dahil sa nangyari kanina,” aniya. “Sana inisip mo muna yan bago mo ako ipinahamak. Alam mo bang magagalit sa akin ang mga magulang ko kapag nagkaroon ako ng issue dito. Pastor ang tatay ko,” “Kaya nga nagsosorry na ako diba?” “Hindi mo na mababawi yun. Pinapaalala ko lang sa 'yo Mr. Mayabang, hindi kasi lahat ng mga babae ay kaya mong paikutin sa mga kamay mo. Kaya please lang,” Imbes na lumayo siya ay mas lalo pa siyang dumikit na labis kong ikinakaba. Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin. “Matigas ka rin eh no? Ikaw lang yung babaeng may lakas ng loob na sagut- sagutin ako ng ganyan,” parang galit na aniya sabay hawak sa aking bewang na dumagdag sa kabang nararamdaman ko. Nagpupumiglas ako ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawaka niya sa akin. Sa mga oras na ito ay pumikit na lamang ako at saka nagdasal. “May tao pa ba diyan? Isasara ko na itong department,” rinig kong sigaw ng caretaker. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para sumigaw. Mabuti na lamang at hindi na ako pinigilan ni Philip. Nagmadali akong nagtungo sa may pintuhan. “Pasensiya na po Mang Ador. Umihi po kasi ako kanina tapos ang hirap buksan ng pinto,” pagsisinungaling ko nang sa ganun ay makaiwas ako sa issue. Patawarin ako ng Diyos dahil ayaw kong masira ang aking pangalan dito sa university. “Kasama mo rin ba siya?” tanong ni Mang Ador saka may itinuro sa bandang likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita ko si Philip na nakangisi na ngayon ay wala ng suot na facemask, sumbrero at jacket dahil nakauniporme na siya at nakasuot pa sa kanyang leeg ang kanyang school ID. “Hi..hindi po. Galing po siguro sa men's comfort room,” paliwanag ko. Bago pa makapagsalita si Philip ay nagmadali na akong naglakad palabas. “Girl, bakit ang tagal mo? Ang dami na anming napagkwentuhan ni Kuya Christian at bakit pinagpapawisan ka?” tanong ni Hazel pagkasakay ko sa sasakyan. “Oo nga bunso. Saan ka ba galing?” “Nag-banyo lang ako,” simpleng sagot ko. Hindi na rin sila nagtanong ulit dahil alam naman nila na wala akong ginagawang masama. NANG MAIDAAN namin si Hazel ay dumiretso na kami sa Church para makapag-practice ng kanta. “Late yata kayo brother Christian?” tanong ni Paul, ang aming lead guitarist. “Ang tagal kasi nitong si bunso. Halos kalahating oras na nagbanyo,” “Kuya hindi naman,” pagtanggi ko. “Siya nga pala Job, binilhan kita ng Donut. Magmeryenda ka muna,” ani Paul. “Sana all naman,” singit ni John Ray, ang aming drummer. Mabait lang talaga si Paul and hindi ko alam kung nanliligaw na rin ba siya sa akin o ano. Wala naman kasi siyang sinasabi pero base sa mga galaw niya, may ipinararamdam siya ngunit ayaw kong mag-assume. Hindi naman ako pinagbabawalan ni Papa na magpaligaw as long as matino yung manliligaw na gaya ni Paul. “Thank you Paul. Kakainin namin ito ni Hazel mamaya after practice,” saad ko saka ko siya nginitian. “Okay na. Tama na muna ang lambingan na yan. Let's practice na para makarami tayo,” sabad ni Kuya. PAGKATAPOS ng aming practice ay umuwi na rin kami ni Kuya. Nadatnan namin si Papa na nakaupo sa sala habang nagbabasa sa kanyang Bible. Nagmano kami ni kuya saka ako nagtungo sa kusina para magmano din kay Mama. “Job, anak halika,” rinig kong tawag sa akin ni Papa kaya bumalik ako sa sala. Si kuya naman ay dumiretso sa kanyang kwarto pagkagaling niya sa kusina. “Ano po yun Pa?” tanong ko saka ako umupo sa sofa. “Nagpaalam sa akin si Paul. Tinanong niya ako kung pwede ka raw ba niyang ligawan. Ang sabi ko naman ay oo dahil wala namang masama basta alam niyo lang ang limitasyon niyo. Wala munang mag-aasawa hangga't hindi pa nakakapagtapos. Mabuti ng si Paul ang makatuluyan mo balang araw dahil kilalang-kilala na namin ng Mama mo ang mga magulang niya at mabuting bata iyon. Pero, ikaw pa rin ang magdedesisyon,” dire-diretsong aniya na ikinabigla ko. “Pa..pag-iisipan ko po Pa,” sagot ko. Though medyo crush ko si Paul, ayaw ko naman yung bigla-bigla na lang magpapaligaw kahit pa pumayag na yung Papa ko. Dalagang Pilipina pa rin ako. “Sige anak. Kahit magkaroon ka ng nobyo basta si Paul lang dahil alam kong siya ang nakakabuti para sa 'yo,” Ngumiti na lang ako bilang reaksyon sa sinabing iyon ng aking ama. KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil baka magdiscuss yung mga Professor namin pero parang wala akong tulog dahil iniisip ko yung ginawa ng Philip na yun. Hindi ko makalimutan dahil unang dampi iyon ng labi ng isang lalaki. Gosh! Wala na yung first kiss ko. “Ang aga mo yata bunso?” ani Kuya na kalalabas lang mula sa kanyang kwarto. Ako kasi ay nakaligo na pero hindi pa ako nakapagpalit. “Baka kasi magdiscuss yung professors namin kuya. Ayaw ko namang malate,” paliwanag ko. “Baka naman may nanliligaw na sa 'yo doon,” nakangiting aniya. “Anong ligaw-ligaw yang sinasabi mo Christian? Walang ibang pwedeng manligaw diyan kundi si Paul lang,” sabad ni Papa kaya natahimik kaming dalawa. So at this point, iisang lalaki lamg talaga ang pwedeng manligaw sa akin. EXACTLY SEVEN-THIRTY ng umaga nang makapagbihis na kaming pareho ni Kuya. Nauna na siya sa sasakyan kaya nagmadali na rin akong nagpaalam sa mga magulang namin. “MAY ipabibili ka na naman ba?” tanong ni Kuya bago ako bumaba mula sa kotse. Nakarating na kasi kami dito sa University of San Gabriel. “Fries na lang kuya tapos Milk Tea,” sagot ko. Spoiled kasi ako sa kapatid kong 'to. “Noted,” “Sige na. Drive safely brother,” paalam ko saka ko isinara ang pintuan ng sasakyan. Pumitada muna siya bago tuluyang umalis. Habang naglalakad ako ay kinokontak ko si Hazel. Nasa loob na pala siya ng kanilang classroom kaya dumiretso na rin ako sa classroom namin. Ngunit habang naglalakad ako ay pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko. Sabi ko na nga ba eh, issue na ito. Hindi ko na lang sila pinansin at pagkarating ko sa room ay umupo ako kaagad. Ang first subject ko ngayong Tuesday ay major tapos Rizal and then major subject ulit. Monday, Tuesday and Wednesday ang schedule ko sa Rizal subject kaya tatlong beses ko ring makikita yung mayabang na lalaking iyon. Nagdiscuss lang nang kaunti yung Teacher namin sa Linguistics kaya Eight-forty five ay tapos na kami. Tumambay lang muna ako sa library habang hinihintay ang susunod kong subject. Nang magring ang alarm ko sa cellphone ay nagtungo na ako sa classroom namin at saka ako umupo sa pinakagilid sa first row. “Oppa Philip, dito ka na lang umupo sa tabi ko,” saad ng classmate naming bakla, si Andrei. Hindi ako lumingon sa gawi nila dahil naiinis pa rin ako. “Gusto ko sana pero parang mas gusto ko dun kay Ms. Masungit,” rinig kong aniya. Ilang segundo lang ay may umupo na sa tabi ko. Paglingon ko sa ay si Philip pala. “Hi Job,” nakangiting saad niya ngunit hindi ko siya sinagot. “Job, palit na lang tayo,” singit ni bakla. “Huwag na. Next time ka na lang,” sabad naman ng mayabang na lalaking nasa tabi ko. “Okay,” simpleng sagot naman ng classmate ko. “Good morning everyone,” bati ni Mrs. Catigbak kaya bumati rin kaming lahat sa kanya. “I have decided na mag-assign ng topic sa inyo and you will be the one to discuss it in this class. We will do the reporting,” sabi ng aming Professor. Okay lang yun para naman mabuild yung self-confidence namin. “I will assign Two persons in One topic,” “Start counting,” sabad ng isa naming classmate. “No, no, I will be the one to assign,” singit ni Mrs. Catigbak. Habang hinihintay kong mabanggit ang aking pangalan ay binubuklat ko muna ang libro ko sa Rizal. “Job Mendoza and Philip John Jacinto,” rinig kong sabi ni Prof. Catigbak. What? Bakit siya pa? Sa dinami-dami ng pwede kong makaparehas siya pa. “Noted Prof,” masiglang ani Philip habang nakatingin sa akin. “Prof, pwede po bang sila na lang po ni Andrei ang magkasama tapos kami na lang po ni Xandra?” suhestiyon ko. “Bet ko yan sis. Baka naman pwede Prof?” pangsang-ayon sa akin ni Andrei. “No, this is final. Choose your leader and I will give your topic,” My gosh! Baka mabagsak ako sa subject na ito. “Ayaw mo ba akong kagrupo?” mahinang tanong ni Philip pero hindi ako sumagot. “Now, I will give you time to discuss it with your partner. I will leave you muna dahil may aasikasuhin kami sa faculty room,” wika ni Prof. Catigbak. God, give me patience para sa subject kong ito. Nang makaalis na si Prof. Catigbak ay humarap sa akin si Philip. “Idiscuss mo na partner,” nakangiting aniya. Hindi ko alam kung paano ko ididiscuss sa kanya ito. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan dahil naiilang na ako sa kanya dahil sa pagnakaw niya sa akinnmg first kiss. “Okay ka lang Job?” Feeling close ang isang 'to. Oo, nagkakatawagan na kami by name kahit hindi pa naman kami nagpapakilala sa isa't isa. Well, hindi ko naman kailangang magpakilala sa kanya. “Ano naman sa 'yo kung hindi ako okay?” pabulong kong sagot. “Ito naman ang sungit-sungit. Hindi mo bagay kaya tantanan mo yan,” “Hindi ba sinabi mo sa akin kahapon na Paator ang tatay mo? Bakit naoakasungit mo yata? Hindi ka ba nagmana sa kanya?” At chismoso pa pala siya. “Paano tayo makakapagreport nang maayos kung hindi tayo nagkakausap?” Wala na akong nagawa dahil partner kami sa subject ni Prof. Catigbak kaya idiniscuss ko na sa kanya ngunit hindi ako masyadong makapagsalita dahil nakatitig lang siya sa akin. My Gosh! Sa tagal ko ng nasa college, ngayon lang 'to nangyari. Ordinary student lang ako na gusto din ng ordinaryong buhay sa school. Ayaw ko yung masyadong marami ang inaasikaso. “Mag-overnight na kaya tayo?” nakangiting suhestiyon niya. Anong overnight ang sinasabi ng isang 'to? Hindi naman ako nag-oovernight kapag lalaki ang kasama. Ayaw ko ng ganun. “Ikaw na lang ang mag-overnight. Aralin mo yung dapat aralin sa topic natin. Ako na ang gagawa sa powerpoint tapos ikaw na lang ang magdiscuss sa class,” sagot ko. “Naku po! Anong ako? Ako na lang ang gagawa ng powerpoint tapos ikaw na ang magdiscuss,” “Okay, pagandahin mo lang yung presentation,” “Noted Ma'am,” aniya. NANG MATAPOS ang oras ng aming subject kay Prof. Catigbak ay hinintay namin ang aming next subject. Ayaw pang umalis ni Philip dahil ididiscuss pa daw namin yung aming topic sa Rizal. Mabuti na lang at pinaalis siya ni Dr. Bautista, ang professor namin sa major subject. Pagkatapos ng lahat ng subjects ko sa umaga ay hinintay ko muna si Hazel sa education park. Habang nakaupo ako ay pinakikinggan ko ang kakantahin namin sa service gamit ang aking earphones at cellphone. Naririnig ko na rin ang pagtunog ng aking tiyan. Gutom na ako. Nabigla at natigil ako nang may kumalabit sa balikat ko sabay patong sa mesa ang dalawang disposable cups na may lamang Siomai at Shanghai. Nakakatakam dahil ang sarap-sarap ng kanyang amoy tapos mainit-init pa. Tinanggal ko muna ang earphones ko dahil saktong-sakto ang pagdating nito dahil nagugutom na talaga ako. “Bes salamat ha. Ang tagal mo, nagugutom na ako,” saad ko sabay tanggal sa plastic na takip ng disposable cups. Wala naman kasing ibang magbibigay sa akin ng ganito kundi si Hazel lang. “Kainin mo na muna yan bes,” rinig kong sagot niya. Base sa boses niya ay hindi si Hazel iyon kaya dahan-dahan ko siyang nilingon sapagkat naroon siya sa aking likuran. “Walang lason yan kaya kainin mo na. Mukhang gutom ka na pero wala pa rin yung kaibigan mo,” wika niya saka umupo sa harapan ko. “Salamat na lang. Kakain na rin naman kami mamaya,” pagtanggi ko. “Natatakot ka ba na baka may lason yan? Sige ako na muna ang kakain,” sabi niya saka dumampot ng isang Shanghai at kinagat ito. Napahawak ako sa tiyan ko dahil tumunog iyon. Nakakahiya kapag maririnig niya. “Sige na Job. Promise walang lason yan,” pag-iinsist pa rin niya at dahil nagugutom na talaga ako ay kumuha ako ng Siomai. “Ano masarap ba? O baka mas masarap ako?” biglang wika niya kaya natigil ako sa pagnguya at halos mabulunan na. Mabuti na lang at may dala-dala akong baunan ng tubig kaya uminom ako mula doon. “Okay ka lang? Biro lang naman yun,” “Sa 'yo na lang yan. Salamat na lang,” Sa inis ko ay tumayo ako saka umalis. Nagsalita pa siya ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa. Sa paglalakad ko patungong canteen ni Aling Bety ay maraming mga mata ang nakatingin sa akin na para bang sobrang laki ng aking pagkakasala. Mabuti na lang at medyo malayo sa department namin kaya yung mga dumadaan lang ang lumilingon sa akin. At mabuti na lang dahil nasa gitna pa lang ako, hindi pa ako nakararating doon sa canteen. Nang marating ko ang punong madadaanan kapag pupunta ng canteen ay hinarang ako ng mga babae. “Wait lang girl,” ani Anica. Oo natandaan ko ang pangalan niya dahil hindi ko makakalimutan ang kanyang nagawa. Ang taong nagkasala ay kayang patawarin ngunit ang nagawa niya ay hindi makakalimutan. Hinarang nila ako kasama ang tatlo niyang mga alipores. Hindi ko alm kung taga saang department ang mga babaeng 'to. “Masarap ba si Philip?” tanong niya. “Excuse me,” saad ko saka akmang lalagpasan ko na sila nang bigla nilang hatakin ang aking kamay. Umiiwas lang ako dahil wala akong alam sa pinagsasasabi nila. Ano bang pakialam ko kung masarap o hindi yung Philip na yun? Pagkain ba siya? Ang sama talaga ng utak ng mga babaeng nahuhumaling sa lalaking iyon. “Huwag ka na ngang magmamaang-maangan pa girl dahil alam ko namang may nangyari na sa inyo,” Yung sinabi niyang iyon ang nagpainit sa ulo ko ngunit ayaw ko siyang patulan. Bahala na si Lord na humusga sa kanilang pagkakasala. “Girl pipi yata ang babaeng 'to?” singit ng isa niya kasama. Dahan-dahan akong lumingon sa paligid at nakita kong may mga estudyanteng nakatingin na sa amin. “Ano ba ang mga posisyong ginagawa niyo ni Philip? Nakakailang rounds kayo? Hindi ko ma-gets eh kung bakit niya ako ipinagpalit sa isang jejemon na kagaya mo. Balita ko anak ka raw ng isang pastor?” Ini-stalk niya ba ako? Nagresearch pa ba siya para malaman ang buo kong pagkatao? Iba din. Bakit ganito ang attitude ng mga babaeng nagkakagusto sa lalaking iyon? “I wonder girls kung paano mag-moan ang isang mahinhin na babaeng ito. Mahinhin nga ba?” “Wait lang girls. Tanungin nga muna natin siya kung virgin pa siya nang makuha siya ni Philip. Feeling ko kasi ay hindi na. May hidden attitude ang mga ganyang klaseng babae,” Hindi na ko nakapagtimpi pa dahil sumusobra na sil sa kanilang mga pinagsasasabi. “Excuse me lang ha! Wala akong alam sa mga pinagsasasabi niyo at lalong wala kaming relasyon ng Philip na iyon. Pwede ba tantanan niyo na ako dahil hindi ako pumapatol sa mga katulad niyo,” naiinis na saad ko. “Maang-maangan ka pa. Ano yung halikan niyo kahapon? Wala lang ba yun? Hindi mo ba alam na nag-break kami dahil sa isang malanding kagaya mo? Kung hindi ka sana nakipaglandian sa kanya e di sana ay kami pa rin diba?” talak niya sabay duro sa akin. Hindi ako marunong pumatol kapag konting bagay lang pero kapag ganito? Patawarin na lang ako ng nasa itaas ngunit kailangan ko ring ipagtanggol ang aking sarili, kahit minsan lang. “Bakit niyo ba pinagpipilitan yan ha? Alam niyo, kung gusto niyong makuha si Philip, hindi ko kayo pipigilan dahil walang kami. Kung gusto niyong makasama siya, wala akong pakialam. Kung gusto niyong makipaglandian sa kanya, lalong wala akong pakialam. So ano ngayon kung anak ako ng isang pastor? Sa tingin niyo ba may itinatago ako? Sa tingin niyo ba tama yang mga binibintang niyo sa akin? Bakit? Diyos ba kayo para kayo ang humusga sa pagkatao ko?” “Talaga ba? So ibig sabihin matino kang babae? Na kami ay hindi? Ang kapal din ng mukha mo ha. Kitang-kita na nga na nakikipaglandian ka sa kanya tapos todo deny ka pang babae ka,” “Alam mo, hindi mo buhay ito kaya wala kayong karapatang husgahan ako. Hindi naman kasi ako ganung babae. Kaya please, hayaan niyo na ako. Ayaw ko ng gulo,” “Wait girl, hindi pa kami tapos sa 'yo,” sabad ng isang babae sabay hila ulit sa akin. Nakakainis na ang mga babaeng 'to. “Ayusin mo yang pananalita mo!” “Kayo ang umayos ng pananalita. Wala akong ginagawa pero patuloy niyo akong inaabal. And besides, hindi ko kayo kilala at wala akong balak na kilalanin kayo,” palaban na sagot ko. This time, mas madami nang napapahinto para manood sa sagutan namin. “Talaga ba? Eh ahas ka, paanong wala kang ginagawang masama?” ani Anica sabay taas pa sa kaliwang kilay niya. “Ahas? Wala akong inaahas. Kung si Philip man ang tinutukoy mo, wala akong pakialam kahit isaksak mo siya sa baga mo. Excuse me,” Relax lang ako dahil ayaw na ayaw ko talaga ang nakikipag-away. Wala naman akong ginagawang masama. Patawarin na lang ako ng may likha dahil sa mga nasabi ko. Kung mananatili ka kasing mahinhin at tatahi-tahimik, tatapak-tapakan ka lang nila. Hinila niya ako saka akmang sasampalin na niya ang aking pisngi ngunit hindi niya itinuloy. “Subukan mo lang Miss. Hindi na ako papayag na dumapo muli sa pisngi ko ang kamay mong 'yan. Kaya kung ayaw mong kamay ko din ang dumapo sa pisngi mo, dumistansiya ka na,” saad ko habang nakatitig sa kanya. “Ang kapal ng mukha mo. Hindi mo ako kaya!” galit na aniya saka niya inihanda ang kamay niya para sa ikalawang pagkakataon. Hinayaan ko na lamang siya at hinintay ko na lang na dumapo iyon sa aking pisngi. “ANICA!” rinig kong sigaw mula sa aking likuran. PHILIP NOONG ARAW ding iyon ay kinantyawan ako ng mga kaibigan ko dahil sa nagawa ko. Putcha! Hindi pala ganung babae si Job. Akala ko parehas lang siya ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Pero ang lambot ng mga labi niya. Wala pa kaya siyang nagiging unang halik? Nalaman ko din kay Alex na Pastor pala ang Papa ni Job kaya siguro ganun siya kung kumilos. Dahil naguilty ako ay hinanap ko siya para humingi ng pasensiya sa nagawa ko. Naglagay ako ng mask at saka nagsumbrero. Isinuot ko din ang aking kulay itim na jacket. At dahil hapon na, wala na rin masyadong tao sa kanilang department. Dumaan ako sa likod dahil paniguradong hindi ako papapasukin ng nagbabantay doon kapag nakita niya akong ganito ang ayos ko. Dumaan ako doon sa likod dahil nakabukas pa ang pinto nito. Maging ang mga comfort room ay hindi pa naisasara. Tang-*na! Para na akong holdapper dahil sa suot ko. Nang nasa CR ako ay narinig ko ang boses ni Job sa kabilang banyo. Kahit isang line lang ang kanyang kinanta ay alam kong boses niya iyon. Nagmadali akong lumabas para makausap ko siya bago umuwi. Nasa harapan ko na siya at medyo mabilis na ang kanyang lakad kaya binilisan ko rin. Patakbo akong lumapit sa kanya saka ako nagdahan-dahang hinila siya papasok sa isang classroom. Kinakabahan ako dahil baka mahuli kami at sabihin na naman nilang may ginagawa kaming hindi maganda. Teka? Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa mga bagay na ito? Tsk! Hindi niya ako nakilala dahil sa suot kong mask at sumbrero. Kaya nang tanggalin ko ang mga iyo nabigla siya. Nagkasagutan pa kami kaya hinaaakan ko siya nang mahigpit para hindi makaalis. Ilang sandali lang ay tumunog ang kanyang cellphone kaya sinamantala niya iyon para makalabas. Bukod doon ay narinig pa namin ang tawag ng taga bantay sa Education Department. Palaban pala ang babaeng iyon. Hindi ako makakapayag na ganun ang iaasta niya. Siya lang ang babaeng ganun. PAGKAUWI ko sa bahay ay nadatnan ko na naman ang kabit ni Mama habang kumakain sa kusina. Sarap buhay ah. “Kain,” aniya habang ngumunguya. Hindi ko siya pinansin at wala akong balak na pansinin siya kung kaya nagtungo ako sa aking silid para makapagpalit. Saka lang ako lumabas ng mga bandang alas nuwebe na ng gabi para kumain saka ako bumalik ulit sa aking silid para matulog na. KINABUKASAN ay maaga akong pumasok at nang sa ganun ay hindi ko makita ang pagmumukha ng kabit ni Mama. Hanggang sa ngayon ay sinisisi ko sila sa pagkamatay ng aking ama. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang kanyang paglisan. NANG makarating ako sa university ay nagtungo ako agad sa aming department. Habang naglalakad ako ay sumalubong sa akin si Anica. “Ano na namang kailangan mo? At bakit ka nandito sa department namin?” tanong ko. Si Anica ay taga College of Information and Computing Sciences ngunit hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya sa CCJE. “I just want to talk to you Philip,” aniya. “Wala na tayong dapat pag-usapan dahil tapos na ang landian nating dalawa. Puwede ba Anica tantanan mo na ako,” “How dare you! Landian lang ba ang tingin mo dun?” “Ano pa nga ba? Ayaw ko ng label label na yan kaya hayaan mo na ako. Maghanap ka na lang ng iba,” “Ang kapal ng mukha mo! Tingnan lang natin kung sasaya ka sa piling ng babaeng yun! She will suffer. I will make sure!” saad niya saka umalis. Sino ang tinutukoy niya? Si Job ba? Wala akong pakialam. Bahala na silang magrambulan. End of Chapter Three
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD