Chapter Four

3386 Words
Chapter Four PHILIP PAGKA-ALIS NA PAGKA-ALIS ni Anica ay nagpatuloy na rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating nga ako sa loob ng aming classroom. At dahil naboboring ako ay lumabas din ako kaagad saka tumambay sa lilim ng punong mangga na nasa side ng aming department. Mag-aalas nuwebe y medya na nang mapagpasyahan kong magtungo na sa Educ. Department para sa aking susunod na subject. PAGKAPASOK ko sa loob ay nakita ko kaagad si Job na nakaupo sa pinakagilid kaya tinungo ko ang kinaroroonan niya at umupo sa upuang nasa kanyang tabi. Hindi niya ako pinapansin hanggang sa dumating na nga si Prof. Catigbak at nagsimulang magsalita. Nagkakaroon daw kami ng reporting at dala-dalawa raw sa isang topic. Bali magka-partner kami ni Job dahil kami ang in-assign ni Prof. Catigbak na tumalakay sa isang topic. Kinakausap ko si Job ngunit hindi niya pa rin ako pinapansin. “Ikaw na lang ang mag-overnight. Aralin mo yung dapat aralin sa topic natin. Ako na ang gagawa sa powerpoint tapos ikaw na lang ang magdiscuss sa class,” sagot niya nang i-suggest kong mag-overnight kami. Putcha! Hindi nga talaga siya ganung babae. Pero aaminin ko, nagagandan ako sa kanya. “Naku po! Anong ako? Ako na lang ang gagawa ng powerpoint tapos ikaw na ang magdiscuss,” “Okay, pagandahin mo lang yung presentation,” kaagad na sagot niya. Patay ka ngayon Philip! Anong alam ko sa paggawa ng lintik na powerpoint na yan. Bagsak kung bagsak, wala na akong pakialam. NANG MATAPOS ang subject na iyon ay hindi ko na kinulit si Job. Dahil nagugutom na ako ay nagtungo na rin ako sa canteen pagkatapos ay nagpunta ako sa aming department para sa aming susunod na subject. “Wala daw si Prof. Gumabao,” rinig kong saad ng aming Class-Chairman. Kaya niyaya ko kaagad si Alex na lumabas na dahil nakakabagot tingnan yung mga kaklase naming aral lang nang aral ang inaatupag. Dahil katabi ng aming department ang Educ park ay napagpasyahan naming tumambay muna doon. Nakita ko naman si Job na naka-upo sa may bench habang nakalagay ang kanyang earphones sa kanyang tenga. Kahit sa malayo ay napakasimple niya. Ibang-iba siya sa mga babaeng umaaligid dito sa campus. Putcha! Napakagwapo ko naman. “Ano tol? In-love ka na ba?” biglang tanong ni Alex saka ako siniko. “Tarantado! Hindi uso sa akin yun,” “Eh bakit titig na titig ka doon sa Educ. student na natapunan mo ng toyo noong isang araw? Umamin ka nga,” “Gago, hindi. Classmate ko siya sa Rizal subject ko at tang-*na dahil ako ang gagawa sa report namin,” “Huwaw! Change is coming boy. Congrats!” saad niya saka pa siya pumalakpak. “Gag* hindi. Ikaw na lang ang gagawa sa powerpoint ha. Babayaran na lang kita,” “Daming-pera ah. Pinadalhan ka na naman siguro ng lola mo,” Nagpapadala sa akin si lola at binibigyan din ako ni Mama kaya wala akong problema pagdating sa pera. “Sige na. Iinom tayo kapag nagawa mo,” “Hindi ko kailangan ng pera mo. Mag-overnight ka na lang sa bahay, tutulungan na lang kita,” aniya. Ito ang gusto ko sa mga kaibigan ko dahil kapag may hihilingin ako sa kanila ay ginagawa nila ng walang hinihinging kapalit. “Bilhan nga muna natin ng meryenda si Job. Mukhang nagugutom na. Hinahawakan niya kasi yung kanyang tiyan,” saad ko. “Naks, in-love na nga yata ang gago dahip nagkaroon na ng paki-alam sa iba,” sabi ni Alex kaya siy naman ang siniko ko. Nagmamagandang loob lang ako dahil kasama ko siya sa reporting kaya bibilhan ko na lang siya ng kanyang makakain. “ANO bang gusto ng isang yun? Pati kasi ako ay dinadamay mo,” naiinis na tanong ni Alex. Ilang minuto na kasi kaming namimili ngunit hindi ko alam ang bibilhin ko. “Hindi ko nga alam. Alam ko ba ang kinakain nun?” “Alam mo, may nagbago sa 'yo tol. Hindi ka naman ganyan sa ibang mga babae ah. Bakit sa Job na yun ibang-iba ka? Natamaan ka na ba?” curious na tanong ng kaibigan ko. Bakit nga ba? “Sira-ulo! Na-guguilty lang ako dahil sa nagawa ko. Mali ako nang iniisip dahil iba pala siya sa mga babaeng nakikilala ko. Pastor pala ang tatay nun tol. Tang-*na. Pero ang lambot ng kanyang mga labi nang bigla ko siyang halikan noon,” “Ayuuuuun! Mukhang meron na nga tol. Bumili ka na nga lang ng Siomai at saka Shanghai. Iyan lang naman yung nakita natin na kinakain niya noong mabangga mo siya,” Dahil sa suhestiyon niyang iyon ay bumili nga kami ng tig-limang pirasong Siomai at Shanghai saka ako nagtungo ulit sa park at kaagad akong lumapit sa kanyang pwesto. AT DAHIL nakikinig siya sa kanyang cellphone ay hindi niya napansin ang pagdating ko. Ipinatong ko kaagad a mesa ang dala-dala kong meryenda. “Kainin mo na muna yan bes,” natatawang saad ko dahil napagkamalan niyang ako ang kanyang kaibigan. Nabigla siya dahil hindi niya inaakalang ako ang magdadala ng mga iyon sa kanya. Nang hindi niya ginagalaw iyon ay umikot ako saka umupo sa harapan niya. Akala siguro nito ay nilagyan ko ng lason ang pagkaing ibinibigay ko kaya ako na ang unang tumikim. Napatigil ako nang marinig kong may tumunog. Paniguradong hindi ko iyon tiyan dahil nakakain na ako ng pananghalian. Alam kong siya iyon dahil hindi siya nakatiis na kainin iyon. “Ano masarap ba? O baka mas masarap ako?” pagbibiro ko kaya napatigil siya sa pagnguya saka inilabas ang kanyang tumbler. Dahil sa sinabi kong iyon ay tumayo na siya at halatang nainis dahil iniwan niya akong naka-upo don. Nakalimutan kong bawal pala siyang biruin ng mga ganung bagay. “Ano na naman ba ang sinabi mo sa kanya? Bakit bigla na lang siyang umalis?” tanobg kaagad ni Alex nang makarating siya sa kinauupuan ko. “Biniro ko pa kasi siya,” “Ano na namang sinabi mo?” “Nagtanong lang naman ako kung masarap ba yung kinakain niya o baka mas masarap ako,” “Gag*! Bakit mo kasi tinanong yun? Ikaw na nga rin yung nagsabi na iba siya sa mga babaeng nakilala mo tapos bibiruin mo ng ganun? Kung ako din naman yun, talagang iiwasan kita. Nag-iisip ka ba tol?” talak sa akin ni Alex. Teka nga muna? Bakit ko ba ginagawang problema iyon? Wala na akong paki-alam doon. “Hayaan mo na yun,” “T*nga! Ikaw na rin ang nagsabi na pastor yung tatay nun. Ikaw ang bahala, baka balang araw, hindi tayo magkita sa langit dahil wala ka pala doon,” pagbibiro niya kaya binatukan ko siya. “Masamang d**o 'to tol kaya matagal pa bago ko lisanin ang mundo,” “Ewan ko sa 'yo tol. Hindi nga talaga uso sa 'yo ang pagbabago,” Umiling-iling ako sa sinabing iyon ni Alex. Bakit nga ba ganito ang buhay ko? Hindi ko rin alam. Basta simula nang mawala ang tatay ko ay parang wala na akong pakialam sa ibang mga tao. Ang gulo. Ang gulo ng buhay ko. “Uy tol, si Anica at yung babaeng hinalikan mo noon dito, parang nagkakainitan malapit sa kainan,” biglang sabad ni Renz na kararating lang kasama si Enzo. “Naku po! Mukhang alam ko na kung sinong pinag-aawayan nila,” ani Alex. “Mga ug*k! Hindi pa kayo nasanay. Ganyan naman yang mga babaeng yan kapag hinihiwalayan ko. Wala na akong paki-alam sa kanila,” “Nga naman tol. Ako, sanay na ako sa mga ganyan,” singit ni Enzo. “Mabuti sana kung nagdaan sa buhay mo itong babaeng taga Educ. Department, eh hindi naman. Binigyan mo lang siya ng kahihiyan dito,” talak ni Alex. Palibhasa kasi, seryoso ang isang 'to pagdating sa pag-ibig. “Baka nga nagsasabunutan na ang mga yun,” natatawang wika ulit ni Renz. “Hay naku tol, may isang buhay na naman ang masisira dahil sa kagagawan mo. Baka kapag nagsabunutan ang mga iyon ay ma-guidance pa sila,” talak ulit ni Alex. Dahil sa sinabi niyang iyon ay may konting konsensiya na naman akong naramdaman. Si Anica lang naman ang naging nobya ko at ordinaryong estudyante lang si Job na kahit kailan ay hindi ko nakalandian. Ginamit ko lang siya para kumawala na kay Anica. “Baka maging kawawa yung taga kabilang department dahil kasama ni Anica ang kanya…,” Hindi ko na pinatapos si Renz dahil patakbo na akong nagtungo sa sinabi niyang kinaroroonan ni Anica at ni Job. EKSAKTONG pagkarating ko roon ay nakahanda na ang kamay ni Anica sa pagsampal o pagsabunot kay Job. “ANICA!” sigaw ko bago pa man makadapo ang kamay niyang iyon sa walang kalaban-labang si Job kaya palingon sila sa akin pati na ang mga taong nanonood sa kanila. Dahil sa sigaw kong iyon ay ibinaba ni Anica ang kanyang mga kamay. “Anong problema niyo?” tanong ko pagkalapit ko sa kinaroroonan nila. Pati ang mga taong nanonood kanina ay nagsipag-alisan na. “Eh kasi yang babaeng yan! Inagaw ka niya sa akin,” sigaw ni Anica sabay duro kay Job. “Pwede ba Anica tumigil ka na. Walang tayo hindi ba? Kaya tantanan mo na yang sinasabi mo na inagaw ako ni Job sa 'yo! At kayong mga alipores nitong si Anica, puwede ba tumigil na rin kayo dahil oras na pinagka-isahan niyo na naman si Job, malalagot kayo sa akin kahit mga babae pa kayo,” “So inaamin mo nga na inagaw ka niya sa akin dahil prinoprotektahan mo siya?” “Anica wala ka ng paki-alam doon dahil unang-una, hindi kita nobya kaya wala kang kahit na anong pakialam kung ano man ang gawin ko,” “No! May paki-alam ako dahil mahal kita. Please Philip,” “Hindi kita mahal. Alam mong landian lang ang meron tayo. Wala pa akong minamahal na babaeng nakalandian ko,” “E..excuse me lang ha,” singit ni Job saka kami tinalikuran at nang matapos kaming mag-usap ni Anica ay hinabol ko siya at hinawakan ko ang kanyang kamay. “Job, sorry. Promise na hindi ka na nila pakikialaman. Hindi ko naman alam na ganito pala ang kahihitnan ng nagawa ko sa 'yo,” saad ko ngunit hindi siya nagsalita at tinanggal ang aking kamay sa pagkakawak ko sa kanya saka niya ako tinalikuran. Tang-*na! Bakit ako ganito sa kanya? Naiwan akong parang tangang nakatayo doon. Iniisip kung paano ko susuyuin si Job bukod sa ako ang dahilan kung bakit inaaway siya ni Anica, partner ko pa siya sa Rizal na subject ko. “Tol, ayos ka lang ba? May pahawak-hawak pa ng kamay kay Job ah,” sambit ni Alex. “Nagu-guilty kasi ako sa pinaggagagawa sa kanya ni Anica,” “Nagu-guilty ka o baka naman nahulog ka na sa kanya?” “Tatlong araw pa lang kaming magkakilala tapos nahulog na kaagad? Ang bilis naman yata kung ganun?” “Malay ko ba sa 'yo. Iba nga kasi yang galaw mo pagdating kay Job. Hindi kaya na-love at first sight ka Tol?” natatawang saad niya saka tinapik ang aking balikat. “Uso pa ba yun? Alam mo namang hindi ako nagseseryoso sa mga ganyan. Tama na sa akin yung may kahalikan paminsan-minsan. Hindi uso sa akin ang relasyong pangmatagalan,” “Eh bakit ganyan ka nga umasta pagdating sa Job na yun? May nakita ka bang kung ano sa kanya? O baka naman pinagdasal ka niya? O baka ginayuma ka niya?” “Sa tanda mong yan naniniwala ka pa rin sa gayu-gayuma na yan? Palibhasa kasi sobrang in-love ka sa nobya mo,” “Oo naman. Ikaw kung gusto mong tumanda ng walang nag-aalaga sa 'yo pero sa tingin ko meron, baka si Job na yun. Malay mo tol siya pala yung magpapabago sa 'yo. Iba ka eh,” Bakit nga ba ganito ako sa Job na yun? Tatlong araw pa lang kaming magkakilala, imposible namang in-love ako sa kanya. Letche! Kadiri ang salitang yun. DAHIL hindi ako makapagconcentrate sa klase ay hindi na ako tumuloy sa mga susunod ko pang subjects. Putcha! Si Job ang naiisip ko. “Mauuna na ako sa inyo mga tol,” paalam ko sa mga kaibigan ko. “Nagbago na talaga ang gag*. Kailan pa yan tol?” singit ni Andrei. “Mga ulol! Masama pakiramdam ko kaya mauuna na ako sa inyo. Bukas na lang ulit,” saad ko saka ako tumalikod sa kanila at naglakad palabas ng university. NANG MAKARATING ako sa labas ay natanaw ko si Job na kasasakay pa lang sa sasakyang Montero na kulay Itim at nang isara niy ang pinto ay nagtama ang aming mga mata. Ngumiti ako ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Bukas ko na lamang siya kakausapin dahil magkaklase naman kami. “ANAK magmeryenda ka na muna. Bumili kami ng Pizza sa bayan. Baka gusto mo?” alok ni Mama nang makapasoka ko sa bahay. “Sige lang po,” simpleng sagot ko saka ko tinungo ang aking silid. Inihagis ko sa kama ang aking bag saka ko kinuha ang aking gitarang nasa tabi ng aking kabinet saka ko iyon nilaro. Natigil lang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon mula sa bag ko at nakita ko sa screen nito na si Alex ang tumatawag. “Tol, magpapatulong ka ba sa powerpoint mo o ano?” “Huwag na muna ngayon tol. Hindi ko pa alam yung tatalakayin namin ni Job,” “Naku! Bilis-bilisan mo at baka maging busy na rin ako. Kung kunin mo na lang kaya yung number niya? I-chat ko na lang yung kaibigan niya dahil kaibigan ko naman yun sa f******k,” “Naku! Hindi ka pala loyal sa nobya mo. Gag* ka!” “Tang*! Kaibigan lang sa f******k tapos hindi na loyal? Seryoso ako sa nobya ko tol hindi gaya sa 'yo,” “Sige na. Kakausapin ko na lang siya bukas,” saad ko saka ko pinatay ang tawag. Nang maramdaman ko ang gutom ko ay lumabas ako ng kwarto para kumain. Pagkatapos ay naligo na ako saka nagtungo ulit sa aking silid para makatulog na. NAGISING ako ng mga bandang alas syete na ng umaga. Kaagad akong naligo at nagbihis saka lumabas ng bahay. Sa university na lang ako kakain. PAGKARATING ko sa campus ay nagtungo agad ako sa unang subject ko. Full ang schedule ko ngayon kaya pumasok ako nang maaga at para makausap na rin si Job para sa report namin. MAAGA pa sa alas nuwebe y medya ay nagtungo na ako sa Educ. Department para sa Rizal subject ko. Pagdating ko roon ay wala pang mga tao kaya umupo muna ako sa gilid sa pinakalikod na upuan saka ako naglaro ng Mobile Legend, ang kinaaadikan ng nakararami. Natigil lang ako nang pumasok na ang mga kaklase ko at tumabi sa akin ang isang bakla. “Dito na lang ako uupo, pwede ba Philip?” tanong niya sa akin. Nabaling naman ang aking paningin sa gawi ni Job. Dahil nasa kabilang silid kami ay kulang ang upuan na nasa loob nito. “Si Job na lang dito, pag-uusapan kasi namin yung tungkol sa report,” sagot ko kaya sumimangot siyang umalis. “Job, dito ka na lang,” tawag ko sa kanya ngunit lumabas siya. Pagkabalik niya ay may bitbit na siyang upuan. Ipinuwesto niya iyon sa pinakagilid sa tabi ng bintana. Dahil sa tatlong rows ng upuan ang pagitan namin, ay tinitingnan ko lamang siya Ano ba naman 'to? Putcha! “Classmates, may meeting daw ang faculty members ngayon, so binilin ako ni Prof. Catigbak na pag-usapan daw ng magkapartner yung topic nila because we will start the reporting on Monday,” saad ng isa pa naming kaklase sa subject na iyon. Ayos na yun at nang makausap ko na yung pares ko. “Puwede bang sa labas na lang kami mag-usap ng partner ko?” tanong ng isang babaeng kulay Brown ang buhok. “Puwede yan sis,” sagot naman ng baklang kanina ay nasa tabi ko. Nagsimula na ngang lumabas ang mga kaklase namin at nakita kong pati si Job ay lalabas na. Dalawang hilerang pahalang ng upuan ang aming pagitan kaya mabilis ko siyang hinabol. Naku naman. Mabilis pa sa hangin ah. JOB HINDI NGA naituloy ni Anica ang pagsampal niya sa mukha ko dahil sinigawan siya ni Philip na kaagad ko namang nilingon. Sa sandaling iyon, parang natakaot ako sa sigaw ni Philip. Nakakatakot ang mga tingin niya sa gawi namin. Unang beses ko siyang makikita sa ganung hitsura ng isang sikat na PHILIP JOHN JACINTO. Nang makalapit siya sa amin ay yumuko na lamang ako. Ayaw ko siyang titigan dahil parang nagbabaga ang kanyang mga mata. Nagsimula na nga silang magsagutan ni Anica. Hindi ko maintindihan kung bakit dinadamay nila ako sa problema nila. Nang maramdaman kong walang magpapatalo sa kanila ay nag-excuse na ako. Hindi ako sanay sa mga ganung sitwasyon. Ayaw ko sa gulo. Ayaw ko sa magulong buhay estudyante. HABANG naglalakad ako ay may humila sa aking kamay na dahilan nang pagkakaroon ng kung anong kuryente sa aking katawan. Nilingon ko siya at nagulat ako dahil nakita kong si Philip ang nakahawak sa aking kamay. “Job, sorry. Promise na hindi ka na nila pakikialaman. Hindi ko naman alam na ganito pala ang kahihitnan ng nagawa ko sa 'yo,” aniya. Hindi ko mawari kung seryoso ba siya sa kanyang pinagsasasabi o ano. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata ng tatlong segundo saka ko tinanggal ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at iniwan ko siya doon sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko deserve ang ganito dahil una sa lahat, isang ordinaryong estudyante lang ako na gusto ng ordinaryong buhay dito sa University ngunit simula ng nakilala ko si Philip, nagbago na iyon dahil sa kagagawan niya. HANGGANG sa pag-uwi ko ay tulala ako. Iniisip ko kung paano ako iiwas sa sitwasyong kinaroroonan ko ngayon, ang ma-involve kay Philip. At hindi ko pa nakakalilimutan ang ginawa niyang pagnakaw sa aking unang halik. Dahil wala kaming praktis sa church ay hindi na ako nagtungo doon. “Tahimik ka yata bunso? May nangyari ba sa school?” tanong ni kuya habang nakasakay kami sa kanyang sasakyan dahil pauwi na kami sa bahay. “Wala naman kuya. Namomroblema lang ako sa report namin sa Rizal,” sagot ko. “Bakit? Kailan ka pa namroblema sa studies mo?” Nagpakawala na lang ako ng isang buntong hininga dahil hindi ko pa masabi sa kanya ang rason though mapagsasabihan naman talaga siya ng problema. PAGKARATING sa bahay ay hindi na rin niya ako tinanong ulit. Nagmano ako kay Mama na nasa labas dahil nag-aayos siya ng kanyang mga halaman saka ako dumiretso sa aking kwarto. Si Papa kasi ay nasa church pa kaya mag-isa lang si Mama kanina dito sa bahay. Habang nagpapalit ako ng damit ay tumunog ang aking cellphone. Tiningnan ko kaagad iyon at nakita ko sa screen ang pangalan ni Hazel. “Bes, what happened kanina? Hindi na kita napuntahan kanina dahil nagmeeting kami sa may library,” bungad niya. College Student Government officer kasi siya kaya minsa ay sobrang busy nila. “Ayun, sinugod na naman ako ni Anica at yung kanyang mga alipores,” “Si Philip na naman ba ang dahilan?” “Ano pa nga ba. Ang akala kasi nila ay inaagaw ko sa kanila yung Philip na yun eh hindi naman. Wala naman akong gusto dun,” “Naku! Makakatikim sa akin ang Anica na yun. Hindi ka ba nila sinaktan?” “Hindi, muntikan lang,” “Makakatikim sa akin ang babaeng yun. Igu-guidance office ko sila bukas,” nanggagalaiting saad niya. “Bes huwag na. Hayaan mo na. Ako na lang ang iiwas. Ayaw ko na kasing pag-usapan ako ng ibang tao. Hayaan mo na lang sila na ijudge ako as long as alam natin na wala akong ginagawa sa kanila,” “Naku! Hindi pwede. Hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka nila nasasaktan,” “Haze, hayaan na lang natin bes. Okay? Kumalma ka na. Hindi ka superhero,” natatawang wika ko. “Hay naku po. Oo na sige na. Basta kapag inaway ka ulit nila ay sabihan mo ako. Love you,” Aww, sweet. “Yes ma'am. Sige na bes, aayusin ko lang yung mga gamit ko. Hemwa, love you. Bye bye,” paalam.ko saka ko pinatay ang tawag. ALAS OTSO na ng gabi nang matapos kaming kumain ng dinner. Wala naman na akong ibang ginawa kaya natulog na ako. NAGISING ako ng mga bandang alas singko dahil mag-aayos pa ako ng sarili ko. Habang nagkukusot ako ng aking mata ay tumunog ang aking cellphone. Nakita ko sa screen nito ang bagong numerong may message sa akin. Inopen ko iyon at nagulat ako sa kanyang text. Shocks! Sira ulo ba 'tong nagtext sa akin? Wala na yatang magawang matino ang taong ganito. Bakit niya sasabihin iyon? End of Chapter Four
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD