Chapter Thirty- Nine JOB NANATILI ako sa loob ng comfort room hanggang sa tawagan na nga ako ni Hazel. "Bes nasaan ka na?" bungad niya sa akin sa phone. "Ah nandito ako sa comfort room bes. Bakit? Uuwi na ba tayo?" tanong ko habang pinupunasan ko ang aking noo dahil pinagpapawisan na ako. "Oo, mag-aalas-singko na at kanina pa kita hinihintay. Akala ko nasa Educ Park ka pero wala naman. Nagpunta na rin ako sa classroom niyo pero wala ka pa rin," Gosh! Ilang oras na ba akong nasa CR? Isang oras mahigit? "Si-sige bes. Nasaan ka ba?" "Nandito ako sa harap ng department. Pumunta ka na lang dito. Naghihintay na rin si Kuya Christian," Mabilis akong lumabas nang sabihin niya iyon dahil baka pagalitan na naman ako ni Kuya mamaya. NANG makarating ako doon ay magkatabi sina Hazel at Kuya s

