Chapter Forty PHILIP DESIDIDO na talaga akong magparamdam kay Job kaya naman nang kausapin ako ng kanyang kapatid ay umamin na ako. Ang iingay kasi ng mga mokong kong kaibigan kaya naman hindi namin namalayan na naroon din pala sa canteen ni Aling Bety sina Job at Hazel kasama ang kanyang Kuya. Hindi umiimik si Job nang kausapin ako ng kanyang kapatid at si Hazel naman ay titig na titig sa akin na tila ba ako ay kanyang kinikilatis. Pagkatapos ngang pag-uusap naming iyon ay umuwi na rin sila. Napabuntong hininga na lamang ako nang maalala ko ang pag-aya nila sa akin sa kanilang simbahan. Tang-*na! Paano naman ako pupunta? Baka masunog lang ako doon. "Ano? Anong pinag-usapan niyo ng magiging bayaw mo?" natatawang tanong sa akin ni Alex nang magkita-kita kami sa labas dahil pagkatap

