Chapter One

3111 Words
Chapter One JOB “Magandang umaga po pero ofcourse mas maganda ako sa umaga,” wika ko sa mga tao sa bahay pagkababa ko ng hagdan. Alas singko y medya na ng umaga at dahil may pasok ako, kasi nga Monday ngayon, maaga akong gumising because it is the first day of school year 2015-2016. Finally, I am now a third year BSE student sa University of San Gabriel. “Naku po! Nagbubuhat na naman ng sariling upunan ang bunso,” natatawang sabad ni kuya na nakaupo na sa harap ng hapag kainan kaya inirapan ko siya kunwari. “Talaga kayong dalawa. Magbibiruan na naman kayo tapos mamaya may magtatampo na naman,” ani Mama na naglalapag ng pagkain sa mesa. “Si Kuya kasi Ma. Nagsisimula na naman,” sumbong ko na parang bata saka umupo harap ng mesa. “Aysus! Ang kapatid ko talaga. Sige ka, walang burger at ice cream mamayang hapon,” “Syempre char lang. Sobrang bait kaya ng kuya ko. Lab you,” malambing kong wika saka lumapit sa kanya at niyakap para may ice cream at burger later. “Ayun! Kuha ko na,” aniya. “Tawagin niyo na ang Papa niyo at kakain na tayo dahil may aayusin pa siya sa simbahan,” sabi ni Mama at eksakto namang papunta na si Papa. Si Papa ay isang pastor at siya ang namamahala sa simbahan na malapit sa aming bahay, ang Church of Praise na simbahan naming mga Born Again. Dito rin kami nagsisimba at inialay ang buong buhay namin sa Diyos. Hindi lamang likas na faith- oriented ang aming pamilya dahil pamilya rin kami ng singers and musicians. Song leader ako sa church namin at si kuya naman ay pianist. Marunong din akong tumugtog ng piano dahil sa kanya. Hindi rin kami madalas maniwala sa mga signs na walang basehan sa bibliya. Iyon ang turo ng aming mga magulang. Pagkakain namin ay nagmadali na akong naligo dahil sasabay ako kay kuya since madadaanan naman niya ang USG. Civil Engineer kasi si kuya at nagtatrabaho siya ngayon sa isang kumpanya sa City at kulang kulang isang oras lang ang kanyang biyahe mula sa bahay kaya madalas na siya ang taga hatid at sundo ko. “Ma, Pa alis na po kami,” rinig kong sabi ni kuya habang nasa kusina ako kaya nagmadali akong lumabas. “Ang ganda naman ng aking anak,” puri ni Mama sa akin. Suot ko kasi ang uniform namin na long sleeves na blouse na color white at checkered na skirt na three inches below my knees saka isinuot ang aking two and a half heels na Black shoes. Naglagay lang ako ng konting liptint at cheek tint para hindi naman ako magmukhang stress. Saka ko inilugay ang straight kong buhok na apat na inches na lang ang ihahaba ay nasa bewang ko na. “Syempre Ma, mana ako sa inyo,” sagot ko saka ko sila hinalikan ni Papa saka nagtungo sa sasakyan ni kuya. Dahil anak ako ng isang pastor, kailangan maging mahinhin ako at alam kong iyon ang inaasahan ng mga tao, pero hindi eh dahil hindi ako pinepressure ng mga magulang ko. Huwag ko raw kalilimutan na laging nandyan ang Panginoon. Lagi nilang sinasabi na umakto raw akong natural basta walang matatapakang tao dahil ang nakikita ng Diyos ay kung ano ang nilalaman at sinasabi ng aking puso na aking gagawin at susundin sa aking buhay. “Kuya yung promise mo ah, dapa nandito na mamaya sa kotse mo,” sabi ko saka naglagay ng seatbelt. “Oo na. Matitiis ba naman kita,” nakangiting aniya saka pinaandar ang kanyang kotse. ALAS syete na kaya dumiretso na ako sa department namin para tingnan ang schedule and assigned room namin saka tinext si Hazel, ang best friend ko na church mate ko rin. Hindi kami parehas ng schedule dahil Social Science major siya at ako naman ay English. “Bes, kanina ka pa ba?” tanong niya pagkarating niya sa pwesto ko. “Sakto lang bes. Napicturan ko na yung schedule nating dalawa. Ipasa ko na lang sa 'yo para hindi ka na makipagsiksikan,” “Aww, so kind talaga ever since,” “Naman, kaya nga best friends tayo eh. Pero eait bes mukhang gusto kong kumain ng siomai. Parehas naman tayong walng first subject eh,” nakangiting wika ko saka itinaas baba pa ang aking kilay. “Naku po. Alam ko na yan. You did it on purpose,” natatawang sabi niya sabay turo sa akin saka naman ako nagpuppy eyes. “Sige na. Tara na. Nine o'clock pa naman ang pasok ko,” saad niya kaya dumiretso na kami sa canteen ni Aling Bety na nasa loob din nitong school. “Bes ikaw na ang umorder ha,” utos sa akin ng kaibigan ko kaya umoo na lang ako dahil gusto ko talagang makakain ng siomai. Pagkakuha ko ng order ko ay kaagad na akong bumalik sa table. “Bes yung toyo at suka pa,” utos na naman niya sa akin kaya bumalik ulit ako at nilagyan ang isang disposable cup. Pabalik na ako nang may makabunggo sa akin kaya natapon sa palda ko ang toyo at suka. “Hala ka tol. Basa na si Miss,” saad ng siguro ay kaibigan niya, ngunit hindi man lang siya nagsorry. Kilala ko itong nakabunggo sa akin. Isa siyang heartthrob sa aming campus at taga College of Criminal Justice Education sila dahip sa kanilang tindig at gupit na rin ngunit wala akong pakialam dahil bali balita na masama raw ang ugali niya. “Hindi ka man lang po ba magsosorry?” mahinahing tanong ko. “Bakit naman ako magsosorry eh ikaw nga ang nakabunggo sa akin,” sagot niya. Aba! So ako pa ang may kasalanan ngayon? “Ah okay sorry. Kasalanan ko pala,” sarcastic kong sabi saka ko siya tinalikuran at bumalik sa kinaroroonan ni Hazel. Inilapag ko sa mesa ang sauce at saka ako umupo. “Bes, first day na first day natapunan ka na ng sauce,” litanya ni Hazel saka inilabas ang wet tissue mula sa kanyang bag at pinunas ko naman ang toyo na nasa aking kamay. Habang nakayukonako at pinupunasan ang aking skirt, kaagad ko namang ikinagulat ang biglang paglapag ng panyo sa harap ko kaya tiningala ko kung sino ang nagbigay. “Miss, pinabibigay ni tol Philip. Mukhang wala ka daw kasing panyo,” sabi ng lalaking nakaupo sa side ko. Ang Philip na tinutukoy niya ay yung sinasabi kong heartthrob sa campus pero may angking kayabangan. “Pakisabi na lang may dala ako. Salamat,” simpleng sagot ko saka inilabas ang panyo mula sa aking bag. Konti lang naman ang natapon kaya ayos lang. “Hayaan mo na kung ayaw niya. Baka nag iinarte lang yan,” rinig kong saad niya dahil malapit lang ang kinauupuan namin sa kanila. Hinayaan ko na lang kahit naiinis na rin ako dahil sa sinabi niya. Ako nag iinarte? Hindi naman ah. “Okay lang ba sa 'yo yan?” tanong sa akin ni Hazel kaya tumango na lang ako bilang sagot saka kami kumain. Mag aalas nuwebe na nang mapagpasyahan naming bumalik na sa aming department dahil may klase na siya. Ako naman ay alas nuwebe y medya pa kaya tumambay muna ako sa mga bench na nasa gilid ng department namin habang nagcecellphone. “Oyy tol, diba yun yung babae kanina sa canteen ni Aling Bety?” rinig kong tanong ng lalaki. Alam kong ako ang tinutukoy niya ngunit hindi ko sila nilingon. “Pakialam ko diyan. Hindi naman ako interesado,” rinig kong sagot niya. As if namang interesado ako sa 'yo. Asa ka boy. Hindi mga ganung lalaki ang tipo dahil base sa mga ikinikilos niya ay may hindi siya magandang ugali. Ang gusto ko ay sasamahan ako sa pananampalataya ko sa Diyos. “Sayang tol. Maganda pa naman. ,” Eh ano naman ngayon kung Education student ako. Hindi ko naman sila inaano. At saka bakit ba dito sila tumatambay eh may pwesto naman doon sa department nila. Alas nuwebe y trenta na kaya pumasok na ako sa loob at hinanap ang room na nakaassign sa aking first subject na General Education, ang Life and Works of Jose Rizal. Room 04 ang nakita ko sa schedule kaya kaagad akong pumasok sa loob nang makita ko ito at nasa sampu na ang nakaupo. Naupo ako sa pinakagilid na upuan sa unahang row na malapit sa bintana. Wala pa naman ang teacher namin kaya kinalikot ko muna ang cellphone ko para tingnan ang susunod na schedule ko. Makalipas ang ilang sandali ay dumadami na kami sa aming room. Hindi ko alam kung madadagdagan ba ang klase namin ngayong taon o mababawasan dahil sa naganap na screening. Nang marinig ko ang boses ng aming teacher ay itinago ko na ang aking phone. Su Prof. Edna Catigbak ang aming teacher kaya siguradong hindi boring ang subject na ito para sa akin. “Good morning third year English class and welcome to my subject,” “Good morning Ma'am,” sagot naman namin. “Si you are 31 today. 30 English majors and an irregular student from the College of Criminal Justice Education. Makiki-sit in siya dahil ito lang ang schedule na pwede siya. Mr Jacinto, kindly introduce yourself infront,” ani Mrs. Catigbak. Naaki naman ang aking mata nang makita konkung sino ang tinawag niya. Ang mayabang na heartthrob na si Philip. But wait? Irregular student siya? Why? Kaagad naman siyang tumayo nang tawagin siya ng aming professor. Napakasiga. Akala mo naman kung sino. “Hi classmates. Salamat sa pagwelcome sa akin dito sa department niyo. Absent kasi ako noong ituro ang subject na ito kaya bagsak,” natatawang aniya kaya naman hindi na napigilang tumawa nang bahagya ang aking classmates. At may lakas ng loob pa siyang sabihin iyon. “Okay lang. Ako na lang ang magtuturo sa 'yo,” malanding saad ng isa kong kaklaseng bading, si Austin kaya nagtawanan ang klase pati na ang aming professor. Ang mga iba naman ay ngiting ngiti na para bang nakakita ng artista. “Ako nga pala si Philip John Jacinto, Criminology student. Biro ko lang yung absent ako nun baka maniwala kayo pero makakasama niyo naman ako sa buong sem,” aniya sabay kindat pa saka bumalik sa kanyang upuan sa likod kaya naman ang mga bakla ay nagtiliian. “Yayain mo na lang ako sa bahay niyo. Tuturuan kita,” sabad naman ng isa ko pang classmate na bakla. Masaya kapag may mga bakla sa klase dahil nakakawala sila ng stress. “Thank you Mr. Jacinto. I hope you will enjoy being here in the Education Department. Magpakilala naman kayo para malaman din niya ang mga pangalan niyo,” suhestiyon pa ni Ma'am. “Ay bet ko itis Ma'am para add add na sa face book,” masayang talak pa ng isa kong kaklase. “Okay, so let us start with Ms. Mendoza,” wika ng ni Mrs. Catigbak. What?? Bakit ako pa ang nauna? “Ms. Mendoza, introduce yourself,” My gosh? Third year college na kami tapos may ganito pa. “Ma'am, huwag niyo na pong pilitin kung nag iinarte,” biglang sabad ni Philip kaya naman nag init ang mukha ko dahil sa inis kay tumayo ako at nagpakilala. “My name is Job Mendoza,” simpleng saad ko saka naupo ulit. Nakakainis ah. Ang yabang yabang niya. Nang matapos nang magpakilala ang lahat ay inorient lang kami ni Mrs. Catigbak saka pinapasa ng aming classcard tapos nagbigay ng syllabus. Usually ganun naman kapag first day ng klase. Pagkatapos ng klase namin kay Mrs. Catigbak ay lumabas na ako ng department para hintayin si Hazel sa labas dahil hanggang alas onse pa siya. Nagtungo ako sa upuan na nasa lilim sa gilid ng department namin. Umupo ako saka inilabas ang aking cellphone para aralin ang kakantahin namin sa Sunday. “Tigilan mo yan at baka umulan,” rinig kong sabi ng lalaki kaya napatigil ako sa pagkanta saka ko siya nilingon. Si Philip iyon. Nakaupo siya sa kabilang bench na malapit lang sa kinaroroonan ko. Nang aasar ba siya? “Pakialam mo ba. Hindi naman kita pinapakialaman,” masungit na saad ko. Hindi ko na napigilan dahil sobra na akong naiinis sa kanya. Akala mo naman kung sino. “Mabuti sana kung ikaw lang ang mababasa kapag umulan eh hindi naman,” sabad niya. “Alam mo ikaw. Hindi na nga kita pinapansin, nagpapapansin ka pa. Palibhasa kasi napakayabang mo. Akala mo lahat ng babae mauuto mo,” “Huwag ka ngang feeler diyan. Hindi naman kita type no,” “Ah talaga ba? Mas lalo naman ako. Hindi kita type lalo na yang pag uugali mo. Porket binansagan kang heartthrob dito sa campus kung umasta ka parang napakagwapo mo na,” sagot ko. Hindi ko na talaga nacocontrol ang inis ko. “Aisos. Akala mo naman hindi ka kinikilig tuwing intrams,” saad niya sabay kindat pa. “Talagang hindi dahil hindi naman kita kilala. At saka, ano lang kung sikat ka? Well, hindi lahat ng tao dito sa campus ay kailangang hangaan ka,” talak ko. Totoo naman. Hindi ko naman siya kinakakiligan. Hindi naman siya artista. “Ikaw lang yung babaeng ganyan ah. Hindi ka ba nagwapuhan sa akin?” Aba! Napakayabang naman. Medyo napapalakas na ang bangayan namin kaya pinagtitinginan na rin kami ng ibang mga estudyante. “Hindi at wala akong pakialam sa 'yo,” matigas na wika ko. “Oh di hindi. Akala mo naman ang ganda ganda mo. Palibhasa kasi, hindi ka sikat,” “Ano ang pakialam mo kung hindi ako sikat? Hindi ko ine-aim ang popularity no. And wait lang ha, para kang babae na putak nang putak. Bakla ka ba?” sabi ko at kaagad ko namang ikinagulat ang ginawa niya. Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ko saka niya inilagay ang kanyang mga kamay sa mesang nasa harap ko. “Ano yung sinabi mo? Ulitin mo nga,” “Ang sabi ko bakla ka dahil pinapatulan mo ang isang babaeng tulad ko. Type mo ba yung lip tint ko? Gusto mo ibigay ko na lang sa 'yo?” tanong ko. Akmang ilalabas ko na iyon ngunit hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. Hindi ko namamalayang nasa gilid ko na pala siya at nakaupo na rin siya sa kinauupuan ko. “Ako bakla? Baka gusto mo ang makipaglaro sa akin ngayon dito,” bulong niya sa tenga ko saka naman ako biglang kinilabutan. Mabilis kong tinabig ang kanyang kamay para makawala. At nang magawa ko iyon ay agad kong hinampas sa kanya ang aking hand bag. “Ohhhhhhhh,” kantyaw ng mga taong nakatingin sa amin. “Huwag ako Philip Jacinto. Nagkakamali ka nang minamanyak,” saka ako umalis at sakto namang nakita ko na si Hazel kaya kaagad ko na siyang tinawag para magtungo sa canteen dahil lunch time na. Napakayabang tapos may pagkamanyakis siya. Nakakaasar talaga. Well, mali siya ng taong pinili dahil hindi ko siya papatulan. PHILIP UNANG araw pa lang ng pasukan pero parang tinatamad na ako kaagad. Mabuti na lang at good influence na ang mga kaibigan ko, dahil kapag hindi, malamang natutulog pa ako sa bahay. Pagkarating ko sa school ay chineck ko na kaagad ang schedule ku. Putcha! May back subject pala akong isa, Rizal pa. Nakakaantok na subject iyon. Bagsak ko kasi iyon noong nakaraang semester kaya ito, kailangan kong balikan para sa susunod na sem ay regular student na ako. Walang nakalagay na schedule at assigned room sa tapat ng subject na iyon kaya dumiretso ako sa dean's office para magtanong. Walang offer na Rizal subject sa College of Criminal Justice Education kaya kailangan kong maghanap sa ibang Colleges. “Tol, saang department ang may offer na Rizal? Wala sa department natin eh,” tanong ko sa kaibigan kong si Alex. “Subukan mo sa College of Teacher Education tol baka meron. Samahan na kita,” suhestiyon niya saka kami nagtungo sa dean's office ng CTE. Mabuti na lang at meron kaya para masettle ay pinuntahan ko si Professor Edna Catigbak para malaman kung anong oras ang pagtuturo niya sa subject na iyon. “9:30 to 10:30 ang klase ko mamaya. English majors ang students ko. Kung free time mo iyon, pwede kang makiseat- in,” ani Prof. Catigbak. Kaagad ko namang tiningnan sa schedule ko ang Monday at nakita kong wala akong schedule sa umaga kaya umoo na ako para matapos na. Pagkatapos nun ay nagyaya si Alex sa canteen dahil hindi pa raw siya nag aalmusal kaya sumama na lang ako. Naroon na rin siguro ang ilan naming mga barkada dahil hapon pa naman ang schedule namin. Pagkarating namin doon ay kumaway ang mga kaibigan namin kaya nagmadali kaming pumunta sa kinaroroonan nila. Sa paglalakad ko ay hindi ko napansin ang isang babae kaya nabunggo ko siya at natapunan ng toyo ang kanyang palda. Naku talaga. Hindi ako nagsorry dahil kasalanan din niya. Hindi niya tinitingnan ang kanyang dinaraanan. Maganda siya pero parang hindi ko type. At hindi ko alam kung taga saang department siya. Mahinahon siyang magsalita. Mukhang mabait kaya naguilty ako bigla na hindi ako nagsorry. Nang makabalik siya sa kinaroroonan ng kasama niya ay inutusan ko si Alex na ibigay ang panyo dahil tissue ang pinampupunas niya. Tinanggihan niya iyon at inilabas ang kanyang panyo. Bahala siya. Ang arte arte. Nang matapos kaming kumain ay dumiretao na ako sa CTE. Nakita ko naman yung babae kanina sa canteen. Education student pala siya. “Pakialam ko diyan. Hindi naman ako interesado,” sagot ko kay Alex. Tumayo yung babae at pumasok na sa loob ng department nila. Umalis na rin si Alex at ako naman ay hinanap na ang room kung saan ako ang klase ko. Room 04 ang nakita ko kaya kaagad kong hinanap ngunit bago ako pumasok ay nagtungo muna akonsa CR. Mula sa hallway ay naririnig ko ang impit na tili ng mga kababaihan. Naku po. Mukhang delikado rito. Pagkatapos ko ay kaagad na rin akong pumasok at medyo kompleto na sila at saka akonumupo sa pinakalikod. Pumasok na rin ang professor namin at nagsimula na siyang magsalita saka niya ako sinabing magpakilala. Sinabi rin niya sa mga English majors na magpakilala sila para naman malaman ko ang kanilang mga pangalan in case na magpapatulong ako. Nagulat ako nang tawagin ni Prof. ang unang magpapakilala. Yung babae kanina. Kaklase ko siya? Ano kaya ang pangalan niya? “Ma'am, huwag niyo na pong pilitin kung nag iinarte,” sabad ko. Kanina pa kasi siya tinatawag tapos hindi naman tumatayo. Pagkasabi ko iyon ay parang galit siya at biglang tumayo. “My name is Job Mendoza,” maikling saad niya saka umupo. Job Mendoza pala ha. Tingnan ko lang kung umubra yang kasungitan mo sa akin. Pagkatapos ng klase namin ay tumambay muna ako sa mga upuan na nasa side ng CTE. Ilang sandali pa ay may narinig akong kumakanta. Kaya hinanap ko kung sino iyon at nakitanko si Job na nakaupo sa ibang bench. “Tigilan mo yan at baka umulan,” sabi ko. Maganda ang boses niya, malamig sa tenga pero gusto ko lang siyang asarin. “Pakialam mo ba. Hindi naman kita pinapakialaman,” sagot niya. Aba at masungit nga ang isang ito. Siya lang ang nakilala kong sobrang tapang. Hindi ba siya nagagwapuhan sa akin? Nagkapalitan pa kami ng ilang salita ngunit nang tawagin niya akong bakla ay kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya. Pinaulit ko ang sinabi niya baka sakaling matakot na siya pero hindi eh. Talagang inulit niya. Kakaiba itong isang ito. Kung ibang babae wala na. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya saka umupo sa kanyang tabi. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at saka ako bumulong. “Ako bakla? Baka gusto mo ang makipaglaro sa akin ngayon dito,” mahinang tugon ko ngunit tinabig niya ang aking kamay. Ikinagulat ko naman nang husto ang ginawa niya dahil inihampas niya sa aking mukha ang kanyang bag. Tan***a! Masakit yun ah. “Huwag ako Philip Jacinto. Nagkakamali ka nang minamanyak,” talak niya saka umalis. Naiwan naman akong tulala dahil sa lakas ng pagkakahampas niya sa kanyang bag. Siya lang ang nakagawa nang ganun sa akin. Humanda sa akin ang Job Mendoza na iyan. End of Chapter One.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD