Chapter Fifty- Seven PHILIP "MAHAL ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan. Hindi mo pa ginagalaw yung pagkain mo. May problema ba?" nag-aalalang tanong ko dahil kanina pa siya hindi umiimik. Parang ang lalim ng kanyang iniisip. "O-okay lang ako," simpleng sagot niya sabay hawak sa kanyang kutsara. "Hindi Mahal eh. Hindi ka okay. Ano ba ang problema? Kanina ka pa ganyan. May iniisip ka ba? May problema ba? Sabihin mo sa akin kung meron para naman alam ko," Kinukulit ko siya ngunit wala talaga. Tanging wala lang ang kanyang sagot ngunit hindi niya maitatago sa akin dahil kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Mahal o-okay lang ako. Huwag ka nang mag-alala," sagot niya sabay subo ng kanyang pagkain. Hindi na lang ako umimik dahil hindi rin naman niya sasabihin. Pagkatapos niy

