Chapter Fifty- Eight PHILIP ISANG LINGGO nang malamig ang pakikitungo sa akin ni Job. Hindi ko alam kung anong rason. Sa tuwing tinatanong ko siya kung anong problema namin lagi siyang walang sagot. Pero iniintindi ko na lamang dahil may pinagdadaanan ang kanyang pamilya. Nalaman ko na rin na may malubhang sakit ang kanyang ama kaya naman kahit minsan ayaw niya akong kasama ay nagpupunta pa rin ako para may kasama siya. Alam kong napapagod na siya ngunit kinakaya niya para sa kanyang ina. Naaawa na nga ako sa kanya minsan dahil hindi na siya nakakakain nang maayos. Hindi na rin siya nakakapag-aral nang mabuti dahil lagi siyang puyat kaya kahit gusto niyang layuan ko siya ay hindi ko ginagawa. Mahalaga sa akin si Job at alam kong kailangan na kailangan niya ako ngayon. "Mahal, pinagl

