Franz's POV
~*~
Kasalukuyan akong andito sa cafeteria at gaya ng nakasanayan, kasama ko ulit yong kambal. Pero ngayon nakiusap ako kay Shun, na bilhan nalang ako ng pagkain.
Samantalang ako naman ang siyang nagpresentang maghahanap ng bakanteng mesa na mapwepwestuhan namin.
Mahirap na rin kasing mawalan kami ng makakainang lugar. Lagi pa namang busy at punuan dito sa cafeteria.
Habang nasa pila sila. Sinimulan ko ng maghanap ng pwesto.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at napangiti ako ng agad makakita ng bakanteng mesa.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at nagmadaling nagtungo sa mismong lugar na yun.
Aba!. Mahirap ng maagawan ng iba.
Ilang minuto na rin ang lumilipas mula ng makahanap ako ng pwesto pero wala pa rin yong dalawa.
Medyo naiinip na nga ako sa pag-aantay. Pakiramdam ko tuloy tutubuan na ako ng ugat sa kakaupo.
Tumingin ako sa dereksyon nila at napangiwi ng makitang sobrang haba pa ng pila.
Bakit kaya 'di pa magdagdag ng iba pang cafeteria ang school namin?.
Siksikan na kasi at inconvenient na sa'ming mga students.
May budget naman siguro para dun 'di ba?.
Sa mahal ba naman ng tuition fee namin.
Hindi naman siguro nakakahiyang sabihin. Na dapat mag-expand na sila.
Andami na kaya namin.
Bahala na nga sila sa issue na ito. Meron naman Student council.
Sana nga lang maisip din nila ang ganitong sitwasyon.
Sa ngayon wala yata kaming magagawa kundi magtiis muna sa crowded na cafeteria.
Honestly, ang boring ng araw nato.
Wala naman masyadong ginawa maliban nalang dun sa mga brief discussion ng mga past lessons namin at pagbibigay ng pre test.
Sabagay papalapit na kasi yong exam. Kaya mga pointers nalang ang binibigay ng teachers.
Pumasok nga pala ako ng napakaaga kanina.
Iniiwasan ko kasi na makita ako ng mga tuko este mga fangirls ko pala.
Dangan naman kasi ang mga yun.
Nasa kabilang side yong building nila pero dumadayo sila dito para lang mangstalk.
Pambihira!.
Alam naman nilang bawal na magpunta sila dito sa area namin.
Dahil nga dapat focus sila dun sa mga gawain nila.
Scholars nga sila ng school at sinadyang ibukod sila.
Pero yun nga, mga pasaway.
Nakakaasar na sila.
Wala bang hot and handsome na kagaya ko sa department nila?.
Di joke lang with mental smirk.
Sabagay mukha kasing mga nerd yong mga guys dun.
Mas gusto yata nila pakasalan yong mga Robots na designs nila.
Eww!
Crazy and Weird!.
And speaking of weird.
Ilang araw ng absent yong si Miss weirda.
Anyari kaya dun?.
Magkatapat lang naman kasi yong upuan namin. Kaya napansin kong wala ulit ito kanina.
Sabagay, lagi naman absent ang isang yun.
Simula ng magtransfer dito sa school namin.
At ni isa sa'min walang nakakaalam. Kung bakit madalas s'yang lumiban sa klase.
Anti social din kasi ang Alona na yun.
Bukod pa dun. Masyado s'yang tahimik.
Super tipid pa nga magsalita.
Tsk!
Basta ang alam ko.
Iiyak ang buong buwan pag hindi s'ya umabsent.
Angels would sing joyously, because of some miracles.
Kung magkakaperfect attendance s'ya sa isang buong buwan.
Hindi naman sa exaggerated lang ako.
Pero totoo talaga yun.
Promise!.
Ganun kadalas wala si Alona.
Buti na nga lang at di yun bumabagsak.
Kahit paano ay kabilang parin s'ya sa Class-A.
Tch!.
Ano ba to?
Bakit ko nga ba s'ya naiisip?.
Paki ko ba kung umabsent ang babaeng yun.
Hindi ko naman s'ya napapansin dati.
Kaya bakit biglang nasisingit s'ya sa utak ko?.
Buong highschool life ko nga s'ya naging kaklase.
At inaamin ko.
Wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.
Maliban sa pangalan niya at fact na isa itong weirda.
Ganon lang.
Tsk!
"Asus! Franz, nagtanong ka pa. Aminin mo na kasi maganda yong mata niya." Biglang singit ng maliit na boses sa utak ko.
Napakunot tuloy ang noo ko.
"Ano naman kung maganda yong mata ni Alona?." Tanong ko dito.
Para tuloy akong tangang nakikipag usap sa sarili ko.
Wow!.
Baliw na ba ako?.
"Wala naman. Feeling ko kasi nagiging curious kana sa kanya." Sagot ulit ng maliit na boses.
"Ayan nga at gumugulo s'ya sa isip mo. Pinapasok mo s'ya sa'kin. Sa utak mo."
Lalo tuloy akong nalito sa sinabi ng subconscious mind ko.
Me?.
Curious kay Alona.
Bakit naman?.
Ano bang pakialam ko. Kung maganda at nakakadistract yong mata niya.
Nang dahil lang dun.
Anlabo kaya nun.
Bakit naman kasi ako magkakaroon ng interest sa weirdang yun.
Porket ba napansin ko lang yong pagiging missing nito nang ilang araw.
Ang babaw naman kasi, kung dahil lang sa maganda niyang mata. Magkakaganito na ako.
Tch!.
"Tumahimik ka nga d'yan!" asik ko tuloy sa intregerong maliit na boses.
Lalo lang ako naguguluhan eh.
Erase!
Erase!
Erase na nga!.
Hindi dapat s'ya ang nasa isip ko.
"Sige deny ka pa!" Singit pa ng munting boses ng utak ko.
Pero binaliwala ko na ito.
Mas makakabuting huwag ng mag-isip. Baka kasi mapunta pa sa kung saan ang usapan.
Tsaka nakakainis kaya ang babaeng yun.
Last Monday tatlong beses lang naman niya akong nabangga.
Tumalsik pa nga ako at naka lips to wall ko yong isang poste sa pasilyo.
Hmp!.
Ni hindi nga nag-sorry yong babaeng yun at gaya ng una, parang hangin lang s'ya dumaan.
Kuh!.
Kaasar!.
Ano ako?.
Pader?.
Hindi tinatablan ng sakit.
Pahamak na weirda.
Gupitin ko kaya yong bangs n'ya. Para Makakita.
Bulag kasi.
"Weh?, di nga?" Pang-aasar ulit nung maliit na tinig.
"Para paraan ka lang Franz. Gusto mo lang makita yong magandang mata niya eh. Bwahahaha!"
Hindi nga eh!.
Tse!
Nakakabwiset tong utak ko.
Grh!.
~*~
BOOM!.
"Ay siraulo!, Este. kabayo!." Nasambit ko habang napahawak sa dibdib ko. Dahil sa pagkagulat.
Kasi naman di ko inaasahan na biglang susulpot si Mia.
Bakit kasi biglang ganito pa ang bungad sa'kin ng babaeng to.
"Anong siraulong kabayong sinasabi mo d'yan Francisco?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Gusto mo tadyakan kita d'yan na parang kabayo. Para naman magising ka."
"Ka-si, ka-si.... Kasi naman nanggugulat ka eh." Nauutal na sagot ko sa kanya.
''So ganon. Ako pa yong sinisisi mo?" Lumalaking butas ng ilong nitong singhal sa'kin.
Paktay!.
"FYI!, FRANCISCO RECAFORT. KANINA KA PA LUTANG D'YAN. ADIK KA BA HUH?. KANINA PA KAMI DITO NI SHUN. SABI KO TABI KAYO. PERO KANINA KA PA TULALA LANG D'YAN!".
Grabe!.
Ang intense talagang magalit nitong si Mia. Kakatakot tuloy. Kasi lumalaki yong singkit niyang mata.
"NA'SAN BA YANG UTAK MO HA?, HELLO?. PARA KAMING TANGA DITO. DUMADAKDAK, EH WALA KA NAMAN SA SARILI MO!"
Whamp!
Pok!
Ouch!.
Ang sakit.
Nakatikim kasi ako sa kanya ng isang kaltok sa ulo.
Binatukan n'ya ako.
Huhu!
Potek!.
Langya naman. May sigaw na nga. Tapos may ganito pa. Napakamot tuloy ako sa nasaktan kong ulo.
"Pag ako naging bobo kasalanan mo to." Nakanguso kong sabi sa kanya.
"Tumahimik ka. Dapat lang yan sayo." Padabog na inilapag pa nito ang dala niyang pagkain.
Buti nalang at hindi natapon yong lamang juice.
"Ah-Eh..." Di ko tuloy alam ang isasagot kay Mia.
Kasalanan kasi to ng absent minded kong utak.
" A-E-I-O-U?. Marunong ako n'yan." sabay ismid nito sakin.
Tapos nagulat ulit ako ng sigawan niya ako.
Magkakaatake yata ako sa puso. Dahil sa kanya at hindi lang yun. Mababasag pa yata eardrums ko.
Kailangan niya ba talaga akong sigawan?.
"TABI D'YAN!, GUTOM NA AKO KANINA PA!. NARINIG MO?, KANINA PA!".
Halata ngang gutom na si Mia.
Mukhang kakainin niya na ako eh.
Creppy!
"Sorry!, Sorry!, ito tatabi na nga." Nataranta tuloy ako bigla. Agad akong tumayo at lumipat ng pwesto.
Mahirap na kasing lalong magalit si Mia. Mukhang nangangagat.
Parang aso.
Nakakatakot talaga s'ya paggutom.
"Sorry ka d'yan hmp!." Sabay irap bago umupo."Next time, umayos ayos ka nga Recafort. Nang hindi ka nagmumukhang tanga."
Awts!
Ansakit magsalita ng babaeng to.
Pero hinayaan ko na at hindi ko na pinatulan.
Tahimik na rin naman kaming kumain pagkatapos.
Sobrang nauhaw nga ako dahil sa nangyari.
Halos nakalahati ko agad yong laman ng pineapple juice.
Phew!
Ang hirap talaga kalabanin ng taong gutom!
Buti nabunutan ako ng tinik.
Pinagpawisan pa naman ako ng malapot dahil dun.
Buti hindi ako kinain ni Mia.
Haha!
#MiaBeastmode