Chapter 5

1427 Words
Alona's POV ~*~ Napakaganda ng bughaw na langit. Maaliwalas ang panahon at hindi na masakit sa balat ang tama ng sikat ng araw. Kasalukuyang nakaupo ako sa gilid ng gutter dito sa Roof Top. Ang sekretong lugar ko sa buong school. Habang nakatingala ako sa langit ay naaaliw akong pagmasdan ang iba't ibang hugis ng puting ulap. Naiimagine ko kasi na kawangis nila ang iba't ibang hayop tulad ng tigre, dolphin, elepante at iba pa. Syempre naiisip ko din na may kahugis nila Timmy at Mickey. Mga butiki sa langit. Hehe!. Ang cute talaga nila. I really love my gecko pets . They are my lovely babies. Kinakausap ko nga sila palagi. Kahit hindi naman nila ako sinasagot. Feeling ko kasi naiintindihan nila ako. Kahit sa totoo lang nakakatitig lang sila sakin. Habang nagsasalita ako. Ang weird lang pero gumagaan ang pakiramdam ko, kapag ginagawa ko yun. Sa tuwing gusto ko mapag-isa at gusto kong takasan ang maingay na mundo ng school ay dito talaga ako pumupunta. I really found peace of mind in this place. Here, I'm free to think everything without any distractions. Wala din mga matang titingin sakin, na parang nang uuri sa bawat kilos ko. Habang ninanamnam ko ang katahimikan ay hindi ko mapigilang mahulog sa malalim na pag-iisip. Nabubuksan ulit ang tunay kong nararamdaman. Mga bagay na madalas gusto kong takasan at ibaon nalang sa pinakailaliman ng aking puso. Ngunit pilit na bumabalik sa tuwing ako ay nag-iisa. Maraming taon na rin ang lumipas. Ngunit bakit sadyang napakasakit parin sa'kin ng lahat. Na tila ba kahapon lang nangyari. Ang matagal ng naganap. It's been ten years to be exact. But Still... I missed him so much. So much, that it felt like dying. It's been, that long since the last time I saw my dear brother. I can still remember his radiant smile. His beautiful laughter. His loving arms around me. Everytime I needed him. Everything's seems perfect for me. I can't wish for anything anymore. My brother was all I need. Pero sabi nga nila. Walang perpekto sa mundong ito. How I wish that... It was just a bad dream. A nightmare Pero masakit kasi totoo. My brother was already gone. Even though I missed his smile, everytime we're together. He will never be back. All I just can, is to reminisce the good times we had. Tinatawanan niya lang ako kapag nakakagawa ako ng mga kalokuhan. Kapag malungkot ako. Kinakarga n'ya ako o kaya pinapatong sa balikat n'ya. Lagi niya akong pinapasaya. He always patted my head and whispered "It's okey sweety". I loved and respected him so much. Not just because he is My big brother But because... He is My role model. He taught alot of things to me, that sometimes I thought he's more than a brother to me. He's more like a father caring his daughter. Though we had our father. Our biological father. Kaya lang hindi ko siya maramdaman. Kahit kailan ay 'di man lang ako tinapunan ng isang tingin ni Papa. Minsan nga tinanong ko pa si kuya noon. Kung bakit ganon si Papa. Ang sabi niya lang, intindihin namin si Papa. Kasi busy s'ya sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Mahal na mahal daw ako ni Papa. Naniwala naman ako noon. Kasi sabi n'ya. Tsaka masyado na akong masaya at kontento sa piling ni kuya. Super spoiled nga ako sakanya. Kaya ganito siguro ako ngayon kalungkot. Bakit ganun kuya?. Andaya daya mo. Sabi mo sakin mahal mo ako. Na nandito ka lang para sa'kin. Sabi mo. Kahit kailan di mo ako iiwan. Pero... Nasan ka na ngayon?. Di ba wala ka na? Iniwan mo rin pala ako. Alam mo bang lagi nalang ako nalulungkot. Buti kapa siguro d'yan. Nakangiti kasama ng mga anghel sa langit. Pero ako?. Heto umiiyak. Kapag walang nakakakita. Nagprepretend na walang pakialam sa mundo at nagtatago sa isang huwad na maskara. Pero ang totoo. Sobrang nalulungkot ako. Pakiramdam ko lagi may kulang sa pagkatao ko. Sabi mo sa'kin mahal tayo ni Papa. Mahal ako ni Papa. Pero bakit hanggang ngayon balewala pa rin ako sa kanya?. Busy parin s'ya sa kompanya at mas lalo pa yatang lumala ang lahat ng mawala ka. Sana... Sana pala ako nalang yong nawala at hindi ikaw. Baka sakaling sumaya pa si Papa. Hindi n'ya naman ako mahal eh. Invisible nga ako para sa kanya. Hindi nga yata ako kailanman nag-exist sa mundo n'ya. Pero ikaw... Alam kong nadurog ang puso ni Papa ng mawala ka. Noong gumaling ako. Nakita ko ang labis na lungkot at pagdadalamhati sa mata n'ya. Gusto ko siyang lapitan noon. Pero natatakot ako sa kanya. Ano bang magagawa ng batang katulad ko?. Alam kong hindi dapat. Pero nakaramdam ako ng inggit sayo kuya. Buti ka pa mahalaga at mahal ni Papa. Pero ako?. Hanggang ngayon kinamumuhian niya. Gaya ng dati. Hindi ko mapigil ang pag iyak ko. Bumabagsak ulit ang munting butil ng luha na mula sa mata ko. Mapait akong napangiti habang pinupunasan ng aking palad ang mga luhang naglandas saking pisnge. Minumulto parin ako lagi ng nakaraan at patuloy na nasasaktan. Sobrang tagal na nun. Pero masakit pa rin. Sobrang sakit!. Lalo na at nag iwan pa ito ng marka saking pagkatao. Isang palatandaang hindi ko mabubura at maiiwasan ng tuluyan ang nakaraaan. Hindi ko namalayan, kung gaano ako katagal nanatili sa aking kinalalagyan. Pagtingin ko, sa relo ko. May limang minuto nalang at magsisimula na ang next subject. Dali dali na akong naglakad at saka lang napansin na medyo makulimlim ang paligid. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang button papuntang third floor. Habang nasa loob ako ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Bigla nalang kasi bumigat ang pakiramdam ko. Agad akong lumabas ng elevator matapos huminto nito at bumukas ang pinto. Naglakad ako sa kahabaan ng pasilyo. Kanina okey at normal naman ang araw ko. Hindi ko napapansin ang anuman sa palagid. Pero ngayon nag-iba yata ang lahat. "Blagg! ." May nabangga ulit ako pero 'di na ako nag-abalang tingnan kung sino. ~*~ Naging busy ulit kami sa klase. Hindi ako masyadong nakapagfocus sa lessons. Biglang sumakit yong ulo ko sa last subject namin. Physics time. Isa din sa ayaw kong school subject. I don't understand anything at the moment. So I decided to sleep. Hindi naman magagalit si Mam. Okey lang naman matulog sa klase, kaysa mag-ingay. Wala din pakialam si mam kung may natutulog sa klase niya. Basta ba siguraduhin mo lang na makakapasa ka sa exams. Everything will be okey. Cool teacher right?. Absent minded ako at natulog nalang. Nagising lang ako ng maramdaman ko ang marahang pagyugyog sa akin. Alona! Alona! Wake-up!. Narinig kong sambit ng taong gumigising sa akin. Napamulat ako at medyo kinusot ang aking mata. Inaantok parin ang diwa ko. Pero nakita ko si Thea "Madaldal" pala ang gumising sa akin. "Uwian na!." sabi niya pa sakin ng nakangiti. Tumango ako sa kanya at nahihiyang nagpasalamat. Hindi rin naman kami close ni Thea. Alright!. Wala naman talaga akong kaclose na kahit sinong classmate ko. Pero I liked her. Bubbly kasi ang personality ni Thea. Kahit hindi mo sya kausapin. Okey lang dadaldal pa rin s'ya sayo. "Welcome!." sabi n'ya. Tapos nagpaalam na s'ya sa'kin at naunang lumabas ng room. Iniligpit ko muna ang gamit ko bago tumayo at lumabas. Akala ko mawawala sa pagtulog ang sakit ng ulo ko. Pero mukhang mas sumasakit ito. Kaya naman mas binilisan ko ng maglakad. Bogssshhhh! May nabangga ulit ako at mukhang tumalsik pa s'ya.Pero hindi ko ulit inintindi kung sino. Masama na ang pakiramdam ko, para intindihin pa ang ibang bagay. Patuloy lang akong naglakad hanggang makarating sa may bungad ng building. Medyo kumunot pa ang noo ko nang mapansin na umuulan na pala ng malakas sa labas. Iniwasan kong tingnan ang paligid. Parang nakakatakot kasi. Kinuha ko nalang ang cellphone sa bulsa ko at nagdial ng numero. Tinawagan ko si Mang Mario. Ang driver ko. Inutusan ko siyang sunduin ako at dalhin nalang ang kotse sa tapat ng building. " Yes po, Lady Alona, pupunta na po ako d'yan." Maagap na sagot nito sa kabilang linya. Maya maya pa ay pumarada na ang kotse sa tapat ko. Bumababa si Mang Mario na may dalang payong at binuksan ang pinto ng kotse. Dali dali naman akong sumakay. Ang nasa isip ko lang ay gusto ko ng umuwi at makapagpahinga na sa malambot kong kama. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Ngunit wala pa rin akong pakialam. "Rain..Rain.. Go away...Little Alona wants to play."  P.S. I don't like the Rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD