"Yan ang sinasabi ko sa'yo ngayon anong gagawin mo? hindi mo na kayang gamitin ang mga bata kay Arrow ngayon. Paano ang mga utang mo huh! Sapat lang ang ibinibigay ni Arrow sa'yo na allowance para sa mga bata. Kung di ka naman kasi tang a," sigaw ni Aurelia sa kapatid na iiyak-iyak ngayon dahil sa dami ng subpoena na dumadating sa bahay nila dahil sa mga pinag kakautangan niya. Mga notice na galing sa banko dahil sa mga bounce cheque na inissue niya sa mga tao, wala na ang mga luxy bags niya na binawi ng ibang binilihan niya na hindi niya nabayaran at ang iba naman ay kinuha para gawin pang bayad utang. Ganun din ang mga alas niya na wala ng natira at anytime soon pati bahay na regalo sa kanila sa kasal na nakuha niya ng solo dahil ipinaubaya na sa kanya ni Arrow after ng annulment nila.

