Napakunot ang noo si Railey na isusubo na sana ang kutsara na may laman na pagkain ng biglang makarinig ng music na sabay-sabay nilang ikinalingon sa may pinto. "May manghaharana nanaman ba?" tanong pa ni Railey na nakatingin sa mga anak nanaroon na tangin si Maggy at Mika lang ang kasama nilang anak ngayon sa hapunan wala ang kanyang mga lalaki at busy sa kanilang mga buhay-buhay. "May nanliligaw ba sa'yo Mik-mik?" tanong naman ng ina sa bunsong anak. "Wala po," sagot ng bunsong anak kaya sabay-sabay naman na napatingin kay Maggy na mata lang ang gumalaw na napatingin sa mga magulang. "Bakit sa akin po kayo nakatingin." tanong naman ni Maggy na busy sa lang kain ng cheesy butter tahong na niluto ng ama para sa hapunan. "Don't tell me meron kang suitors na malakas ang loob na nanligaw

