"YOU have a very fast and good recovery, Mr. Samara. Kapag nagpatuloy na maayos ang lagay mo hanggang bukas ng umaga ay puwede ka ng makalabas," wika ng Doctor ni Rashid. Tumango-tango si Rashid. "Salamat po, Doc." "Walang anuman. Nang una kang dalhin rito, akala ko ay magtatagal ka. You looked so bad. Pero iba talaga ang epekto ng kisspirin at yakapsul 'no?" Tumingin pa ang Doctor kay Yaminah saka ngumiti. Namula si Yaminah at natawa naman si Rashid sa joke ng Doctor. "Presence pa lang ng babaeng ito, sapat na para gumaling ako, Doc." "That's good. Let's just meet tomorrow then. Have a nice day, Mr. Samara," wika ng Doctor saka nagpaalam na. Nakahinga nang maluwag si Yaminah nang makaalis ang Doctor. Pero nawala rin ang relief na nararamdaman niya nang makitang parang nalungkot si Ra

