23

974 Words

HINDI dahil gusto mo, makukuha mo. Naintindihan at napagdaanan na ni Yaminah iyon. Prinsesa siya sa titulo pero hindi sa lahat ng bagay. Hindi siya perpekto at ang buhay niya. Hindi umiikot sa kanya ang mundo. Kaya gustuhin man niya na uminom ng buko juice ay kailangan niyang magtiis. Wala siyang tauhan sa lugar para kumuha ng buko na kanina pa niya tinitignan sa puno. Sa kasalukuyan ay nasa isang pribadong island siya na pagmamay-ari ni Rashid at ng kapatid nitong si Rocco. Kasama niya roon ang asawa. Ayon kay Rashid, mahilig daw mag-invest sa bagay na may tubig ang kapatid. Sa katunayan, puro resort ang mga business na pagmamay-ari nito sa Pilipinas. Ang ilan sa mga iyon ay kasosyo nito si Rashid. Kahit nakalabas na ng ospital ay pinayuhan pa rin si Rashid ng Doctor na magpahinga. Nag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD