Alam ko na sinusundan ako ng tingin ni Krypton kahit saan ako magpunta. Pero hindi dahil nagagandahan siya sa akin, kundi dahil nababadtrip siya sa akin. Alam kong asar ang isang ito sa akin pero hindi ako iyong tipo ng babae na susuko na lang dahil ganoon ang nararamdaman sa akin ng ibang tao. Mas mahalaga kasi sa akin ang kumita ng pera para may maibigay ako sa pamilya ko. Pakiramdaman ko kasi, itatakwil nila ako kapag hindi ko sila nabigyan ng pera. Mahirap ang buhay namin at sa akin lang umaasa ang pamilya ko. Ang kapatid ko kasing babae ay nag-aaral pa kaya okay lang sa akin ang ganoon. Masaya na rin ako kapag masaya sila. Hindi ako iyong tipo ng babae na nag-iisip nang masama sa pamilya ko dahil kahit walang araw na hindi ako pinapagalitan ni Nanay ay hindi naman nila ako binubu

