Kapapahinga ko lang. Hindi naman ako pagod kasi mas marami pa ang ginagawa ko sa bahay namin kaysa rito sa bahay ni Krypton. Wala siya rito, nasa opisina niya. Tapos ko nang gawin ang mga gawain sa bahay, nakapagluto na rin ako kaya relax na. Hindi ako abusado. Sadyang kailangan ko lang talagang i-unwind ang sarili ko lalo pa at inaantok ako. Wala pa akong masiyadong tulog. Pero imbis na makapagpahinga ang utak ko ay nahulog ako sa matinding pag-iisip. Napabuntonghininga ako. Kapag ganitong wala akong ginagawa ay naalala ko ang mga problema ko sa buhay. Ang mga frustrations ko. Ang mga bagay na gusto kong matupad pero hindi ko naman magawa. Gusto kong makapag-aral, pero hindi ko magawa. Alam n’yo kung bakit? Kasi wala akong pera. Oo, may trabaho ako pero sapat lang sa amin iyo

