Maya’s POV
"Ano po ba ang mga dapat bilhin?" nakangiti kong tanong sa lola ko.
"Alam mo ba ang pasikot-sikot papunta roon, anak?"
"Nah, parang hindi naman ako rito lumaki." Hinawakan ko siya sa balikat. "Nandoon din naman si Kuya Iyo, hindi ba?"
"Oo. Tawagan mo na lang para may kasama ka pag-uwi."
"Saan ka pupunta, hija?" Mula sa likuran ay narinig ko ang boses ng lolo ko.
"Sa kabilamg bayan po."
"Isama mo si May." Tukoy ni lolo sa pinsan ko.
"Huwag na po. Ayos lang po ako."
"Ganoon ba? O siya, sige. Basta mag-iingat ka na lang."
“Ah, La, nandito pa ba ang mag-anak ng kalaro ko noon?” tanong ko bago umalis.
“Sila Rusty ba? Naku, matagal nang wala ang pamilya nila rito. Nasa Tondo na. Akala ko nga ay nagkikita kayong dalawa.”
Tumango ako bago umalis. Alam ko ang sikreto ng pamilya ni Rusty. At alam ko na rin ang gagawin lalo pa at alam ko kung sino ang lalapitan upang matulungan si Rusty.
Ang mga Salazar.
Nginitian ko na lang sila bago ako pumunta sa sasakyan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid bago ako sumakay sa sasakyan.
"Parang walang pinagbago ang lugar na ito, bukod sa kuryente," bulong ko sa sarili ko.
Ten years ago when I left this barrio. I was 12 years old then. Kinuha ako ni papa at laking pasalamat ko na ginawa niya iyon dahil kung hindi ay hindi sana ako nakapagtapos. Malapit ako sa grandmother ko. Lahat ng magagandang ala-ala ko ay siya ang kasama ko noong bata pa ako. Tanda ko pa lahat ng sakripisyo niya; ang mga pinagdaanan naming gutom kasama pa ang ibang pinsan ko dahil wala kaming pambili ng makakain. Mahigit sampu kaming iniwan ng mga magulang namin noon sa lola namin pero itinaguyod kami ni lola kahit pa walang padala ang mga anak niya sa kanya.
Sa lolo ko naman, masasabi ko talagang takot ako sa kanya noon-, no, erase that, kaming lahat pala ng mga apo niya ay takot sa kanya. Matapang at istrikto siya kaya naman ganoon na lang ang ingat naming makagawa ng kasalanan para hindi kami mapagalitan. Pero ngayong malaki na ako, nagpapasalamat ako dahil sa ganoon nila kami pinalaki. I became responsible. Nagawa kong ayusin ang buhay ko. Hindi man ako sobrang yaman tulad ng ibang tao, masasabi ko namang may pera na rin ako. I can travel abroad kung gugustohin ko. May mga sasakyan na rin ako-luxurious cars, house and everything I want.
Napangiti ako habang binabaybay ang daan papunta sa karatig bayan. Alas singko na ng umaga kaya may mga taong naglalakad na rin akong nakikita.
Kaya ako nagpumilit na mamili ng mga rekados para sa gaganaping piyesta sa susunod na linggo ay gusto kong magliwaliw at bukod doon ay gusto kong sorpresahin ang first and long time boyfriend kong si Edrian. Hindi niya alam na kagabi ang uwi ko. Nakaramdam din kasi ako ng guilt dahil aminado akong nawalan ako ng oras sa kanya. May kinailangan akong asikasuhin sa trabaho ko at sa personal business ko kaya naging madalang ang naging pag-uusap namin. Mag-iisang taon na rin ang huling beses na nagkita kami. Sa Maynila kasi ako nahtatrabaho at siya ay dito sa probinsya namin.
Eksakto alas siyete ay narating ko ang distinasyon ko na kung tutuusin ay kayang marating na kalahating oras lang. Bukod sa mabagal kong pagmamaneho ay humihinto rin ako sa mga may magagandang views.
Napangiti ako nang makita ang mga banderitas na nakasabit sa kung saan-saan. Basta talaga buwan ng Abril hanggang Mayo; asahan mo ang sunod-sunod na pyestahan sa mga barangay.
Inihimpil ko ang sasakyan ko sa labas ng kulay puting kawayang bakod.
"Tao po! Tao po!" tawag pansin ko sa kung sino mang nasa loob ng bahay.
"Sino 'yan?" Lumabas ang isang ginang. Napangiti pa ako dahil alam kong hindi niya ako nakilala. "Bakit?" tanong niya ng makalapit sa akin.
"Nandiyan po ba si kuya Cris?" nakangiti kong tanong. Sinipat-sipat niya pa ang paningin sa mukha ko na tila binibistihan kong sino talaga ako.
Mayamaya ay nakita ko ang pagkunot-noo ni tiya Fely hanggang sa mapalitan iyon ng panlalaki ng mg mata niya. "Maya?!" Ngumiti ako. "Ikaw na nga 'yan! Halika, pasok, pasok! Kelan ka pa dumating?"
"Kagabi lang po." Iginiya niya ako papasok sa loob. "Nandiyan po ba si Kuya?"
"Oo, ayon nga at nagkakape sila ni Ian." Tukoy niya sa anak niyang binatang kaedaran ni kuya Cris. "Halika at magkape ka. Buti at nakauwi ka. Naabutan mo ang pyesta rito sa amin."
"Isa rin po talaga sa dahilan kung bakit ngayong buwan napiling umuwi para maranasan ko uli ang kapistahan dito sa atin."
"Ikaw ba'y nobyo pa rin ba iyomg binata ng mga Reyes?" pag-uusisa pa ni tiya habang paakyat kami ng hagdan.
"Opo," sagot at tipid na ngumiti. Hindi nakatakas sa akin ang pag-ismid ni tiya Fely. "Bakit po?"
"Hindi sa sinisiraan ko ang nobyo pero bukod sa matataas ang ihi ng pamilya niya ay babae rin."
Hindi na lingid sa kaalaman ko ang ugali ng pamilya ni Edrian. Sa katunayan noong una ay ayaw nila sa akin dahil nga mahirap lang ang pinagmulan kong pamilya. Pero noong malaman nila na may pag-aari akong restaurant na may apat na branches na sa iba't-ibang parte ng lugar sa Pilipinas ay natanggap nila ako. Wala lang naman sa akin iyon dahil alam ko sa sarili kong mahal ako ni Edrian at ganoon din ako sa kanya. Hindi ko rin sila masisisi dahil ang mga Reyes ang may kayang angkan sa buong Munisipalidad namin noon. Oo, noon sapagkat sa paglipas ng taon ay may mga nakaahon sa hirap at mga mga dumating na mayayaman kesa sa kanila. Kung may hindi man nagbago ay ang ugaling mapagmataas ng mga Reyes. But as always they say, Love is blind.
Fucking blind...
"Pasenya na at nakialam pa ako sa-"
Hinawakan ko sa braso si tiya. "Alam ko lang pong nag-aalala kayo sa akin kaya maraming salamat po. Huwag po kayong mag-alala dahil pag-iisipan ko ang mga bagay-bagay." Nginitian ko siya.
"O, sige. Halika at nang makapagkape at agahan ka na rin."
Dumeretso kami sa kusina at tulad ng inaasahan ko ay nagulat sila.
"Kailan ka pa dumating?" si kuya Cris. May mga tilamsik pa ng dugo sa kulay puti niyang damit. Engineer siya at dito sa probinsya nakabase.
"Kagabi lang-wow! Dinuguan?" Agad akong dumulog sa hapag nang makita ko ang umuusok pang dinuguan.
"Buti at naisipan mong pumunta rito nang ganito kaaga." Mula sa kusina ay may dala pang inihaw na Pakol si tiyo Iloy. Isa iyong uri ng isda na sobrang tigas at makapal ang balat kaya inihaw lang ang pwedeng paraan ng pagluluto niyon.
"Buti nga po, tiyo. Ayaw pa naman sana akong payagan ni Nanay." Tukoy ko sa lola ko. We used to call her Nanay.
"Ate!!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng dalagang anak nila na si Fely ann. "OMG! Ang ganda mo!"
"Naku! Iyang ganyang pmbobola mo, alam ko na iyan. Pasalubong ang gusto mo , no?" biro ko pa.
"Hehehe. Meron ba, te?" Umupo siya sa tabi ko. Pahaba ang lamesang kahoy at gawa rin lang ang bangkong kahoy na ipinantay ang haba sa sukat ng lamesa.
"Oo naman. Kumain ka na muna at nasa sasakyan pa ang mga dala ko. Saan ka nga pala galing?"
"Sa trabaho. Papunta rito ay may madadaanan kang hotel, napansin mo?" Tumango ako. "Doon ako nagtatrabaho. Buti nga at mabait ang may-ari kaya kahit hindi ako nakapagtapos ng high school ay may trabaho ako. May chika pala ako sa iyo mamaya, 'te."
"Ano 'yon?"
"Mamaya na lang at baka mawalan ka ng ganang kumain." Nalukot ang mukha nito at natahimik naman ang mga kasama ko.
Ewan ko ba pero parang alam ko na ang sasabihin niya pero pinili ko na lang na manahimik. Ramdam ko rin naman ang pananahimik nila kaya naging awkward ang sitwasyon.
"Maglilitson po ba kayo, tiyo?" I asked to break the silence.
"A-ahh, oo. Mamayang pagkatapos kumain nila Ian ay lulutuin na nila ang litson. Magtatagal ka ba rito?"
"May mga bibilhin lang po ako."
"Wahh! Gusto ko sanang sumama kaso inaantok ako, ate. Ang dami pa namang pwedeng bilhin sa mga bargain." Tukoy niya sa mga kubol na nagbebenta ng kahit na ano.
"Mamayang hapon ko pa balak umuwi. Gusto ko pang kumain ng balat ng litson. Nakaka-miss kumain ng ganoon."
"Tamang-tama, bago mananghalian ay dapat nandito ka na," sabat ni tiya Fely. "Marami ka bang bibilhin?"
"Hindi naman , tiya."
"May mga nabili na rin kasi si Nanay." si kuya Cris. "Balik ka mamaya at isama mo ang kambal at si May para mag-disco tayo."
"Sige."
Matapos kumain ay hinila agad ako ni Fely Ann sa kwarto niya. Seryoso siya at mas nakadagdag sa akin ng kaba.
"May sinasabi naman sila sa iyo, hindi ba?"
"Sino?"
Bumuntong-hininga siya na tila ba doon kukuha ng lakas ng loob para masabi sa akin ang gusto niyang sabahin.
"Hindi naman sa sinisiraan ko si Edrian, ate, pero kasi hindi rin namin tanggap na niloloko ka lang niya." Derederetso ang pananalita niya habang nakatingin sa akin.
Ang kaba ko kanina ay dumadagungdong na ngayon. Hinawakan ko ang braso ko para maiwasan ang panginginig niyon.
I knew it!
I cleared my throat. "K-kelan pa?"
"Mag-iisang taon na, te..."
Hindi ko alam kung bakit nagugulat pa ako sa nalaman ko dahil kung tutuusin ay may ideya na ako sa bagay na sinasabi niya sa akin. Noong huling pagkikita namin ni Edrian ay nagkaroon kami ng matinding pagtatalo but it was not the first time. Dahil halos sa tatlong taon naming mag-on ay gusto niyang may mangyari sa amin pero matigas ang paninindigan ko. Pero nito ngang huli ay halos maghiwalay kami pero naayos din naman namin. Ang totoo ay hindi lang si Fely Ann ang nagsabi sa akin ng pambabae ni Edrian. Maging ang mga pinsan kong babae ay sinabi na rin sa akin.
"T-taga saan ang b-babae niya?"
"Iba-iba, ate. Pero madalas siya roon sa Hotel Avenue. Hindi niya rin naman alam na roon ako nagtatrabaho dahil napapakiusapan ko naman ang boss ko na hindi ako magpakita kay Edrian."
"Nan-nandoon ba siya ngayon?"
"Ate..."
Ngumiti ako sa kanya. "Don't worry dahil hindi naman ako makikipag-away sa kahit sino roon. Gusto ko lang talagang malaman at makita ng harap-harapan para may d-dahilan akong m-makipaghiwalay sa kanya." Halos pumiyok ako dahil sa huling sinabi ko.
"Wait lang, ate," paalam niya bago tumayo at kinuha ang cellphone niya. "Love, nandiyan ba si Edrian? Ha, oo, iyon nga. Ahh, ilang oras. Ahh, sige, sige." Lumingon siya sa akin. "Nandoon daw, te. Mamayang hanggang alas cuatro."
Tumayo na ako at ngumiti sa kanya. "Salamat. Una na ako, babalik ako mamayang tanghali dahil dito ako manananghalian." Ngumiti pa ako sa kanya.
Ibinigay ko na muna sa kanila ang mga pasalubong ko sa kanila bago nagpaalam at nangakong babalik bago manghalian.
Mabigat ang pakiramdam ko habang nagmamaneho pero hindi ko magawang umiyak o mas tamang sabihin na sanay na rin naman akong masaktan dahil sa iisang tao lang.
Nang malapit na ako sa centro ay nag-park na ako sa tabi ng kalsada at siniguradong hindi magiging sagabal ang sasakyan ko. Isinuot ko ang hood ng sweater ko at nag-cap para kung may nakakakilala man sa akin ay hindi ako mapansin. Ayaw ko na munang makarating kay Edrian na nandito ako. I want to surprise him. Iyong sorpresa na hindi siya makakapagsalita dahil sa gulat.
Naglibot at namili lang ako ng mga kailangan sa bahay. May mga laruan din akong nabili para sa mga pamangkin ko. Tulad ng naipangako ay bumalik ako bago mananghalian. Plano ko na sanang umuwi kaso bumuhos naman ang malakas na ulan kaya natulog na rin muna ako sa bahay nila tiya Fely.
Halos tikatik na lang ang ulan nang magising ako pero madilim pa rin ang paligid.
"Mornaks, 'te," nakangitimg bati sa akin ni Fely Ann. "Kapag maganda talaga, no, kahit kagigising lang ay maganda talaga," biro niya pa sa akin.
Nginitian ko siya bago sinipat ang kabuuan niya. Suot niya na ang binili ko sa kanyang damit at maong. "May lakad ka?" Bumangon na rin ako.
"Oo, sasamahan kita, hindi ba?"
"Ha?"
"Kailangan mo ng sidekick kung susugod ka roon."
"Eh?" Napakamot ako sa ulo ko. "Hindu naman ako makikipag-away roon, eh."
"Ikaw ay hindi. Eh, paano kumg sugurin ka noong higad na iyon?"
Ngumiwi ako at dumeretso sa bag ko at kinuha ang toothbrush ko. "May toothpaste ka?"
"Yes, naroon sa c.r.. Pasok lang doon."
Matapos ayusin ang sarili ko ay umalis na kami ni Fely Ann. Hinatid pa ako ng nag-aalalang tingin ng mga magulang ni Fely Ann pero sinigurado kong hindi ako makikipag-away.
Tanaw ko ang walong palapag na hotel. Maganda at maaliwalas tingnan sa labas.
"Pasok na tayo, 'te. Lesgow!" Bumuga ako ng hangin unintentionally. "Naks! Ang deep noon, ha?" Tinapik niya ako sa balikat. "Magiging masama man akong pinsan pero magiging masaya ako kapag naghiwalay kayo ng feeling pogi mong boyfriend."
Natawa ako hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa expression ng mukha niya.
Nasa entrance pa lang kami ay nagdadadakdak na naman si Fely Ann kaya naagaw namin ang atensyon mg iilan.
"'Wag mo munang sabihin kahit sa boss mo ang dahilan kung bakit tayo narito, ha?" bulong ko sa kanya bago kami makalapit sa reception area.
"Matik na iyan, te."
"Good afternoon, ma'am..." tipid ang ngiting bati sa akin ng isang lalaki. "Ohh, Fely Ann?"
"Ahh, sir-"
"Babayaran ko ang bawat segundong ilalagi ko sa hotel na ito. Tell it to your boss." Hindi ko alam kung bakit nasabi ko ang mga salitang iyon.
Ngumisi lang ang lalaking bumati sa amin which also the receptionist. Tumitig siya sa akin habang nakangisi pa rin kaya ganoon din ang ginawa ko sa kanya.
You can't intimidate me by doing that, Mister!
"I'm the boss and the owner of this hotel, Miss." Walang pagmamayabang na sabi niya.
Nagulat man ay hindi ko na iyon ipinahalata. "So, how much?"
"I don't need your money, Miss."
"So, what do you want then?"
Tinitigan niya ako sa mukha at naglakbay ng mga mata niya hanggang sa dibdib ko at doon huminto ng paningin niya. "You don't wanna know."
Gusto ko sana siyang bulyawan pero mas pinili ko ang kumalma at tinalikuran siya. Sumandal ako sa pader may kalayuan sa hagdan at elevator. Magkakrus ang braso't binti ko habang hinihintay ang pakay ko sa lugar na ito.
Hindi nga nagtagal ay nakita ko ang bulto ni Edrian na hindi man lang ako napansin dahil sa babaeng kasama niya.
Makinis at sobrang puti at makikita iyon sa nakalantad nitong hita. Hindi ko masasabing mataba dahil magkasing braso lang kami pero pumuputok ang suot nito dahil sa bilugang puwet at malusog na dibdib. Maliit lang ang babae kaya cute tingnan. Mahaba ang buhok at umaalingasaw naman talaga ang bango.
Tumagilid ako paharap sa kanila habang magkakrus pa rin mga braso ko. Kakatwang wala man lang akong maramdaman sa oras na 'to.
"So, you preferred boobs over brain now, huh?"
Parang slowmo pa ang naging pagharap nila sa akin hanggang sa rumihestro ang gulat sa mukha ni Edrian.
"Maya?!"
Maya your ass!