Ayos!
Aba, ang laki na ng five hundred para sa akin. Mantakin mo, may sahod na nga ako, tapos libre pa ang sabaw na kinahuhumalingan ko.
God is good, really. All the time.
Mabuti nga at malapit lang itong karinderya sa bahay namin. Puwede ko nang lakarin kaya bawas pamasahe na rin. Laking pasalamat ko talaga dahil sa kabila ng kamalasan ko, ay mayroon pa ring mga taong handang tumulong sa akin.
Para makauwi na ay ipinasya ko nang kumain na lang. Nasa kasagsagan na naman ako sa pagkain nang lumapit na naman sa akin ang dalawang mag-asawa. At dahil hindi naman ako masamang tao ay ngumiti ako sa kanila. Okay na rin naman kasi nalamanan na ang tiyan ko.
“Hija?” tawag sa akin ng matandang babae.
Pinunasan ko na muna ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. “Po?” Dahil friendly naman ang mukha nila ay ipinaghila ko sila ng upuan. “Opo po kayo,” imbenta ko sa kanila. Naupo naman sila pero nanatili pa ring nakatingin sa akin.
Kung hindi lang sana ako mukhang yagit at hindi sila mukhang mayaman, siguro ay mapapagkamalan ko silang kidnapper. At ako ang target nila.
“May kailangan po ba kayo?” tanong ko ulit dahil hindi sila nagsalita.
“Ahh, oo.” Ang matandang lalaki ang nagsalita. May accent ang pagta-Tagalog niya. Sabagay, mukha rin kasi talaga siyang foreigner, eh. “Narinig namin na nangangailangan ka ng trabaho, totoo ba?”
Kimi akong ngumiti, tapos ay napakamot ako sa ulo. Nate-tense tuloy ako.
“Opo, eh. Natanggal po kasi ako sa trabaho. Kailangan ko ng trabaho dahil may pamilya po akong umaasa sa akin.”
“Ano ba ang gusto mong trabaho?” Ang matandang babae naman ang nagtanong. Maganda rin sa tainga ang pananalita nito. Plus malumanay pa siya kung magsalita.
“Ahh, kahit ano po. Kahit tagalinis ng kubeta, okay lang sa akin, basta may sahod po.”
Naiisip ko, kapag in-offer-an ako ng mag-asawa ng trabaho, grab ko na kaagad. Aba, magpapatumpik-tumpik pa ba ako, eh, trabaho na ang lumalapit. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangan talaga ng source of income.
Kinuha ko ang baso ng tubig at uminom. Nakaramdam ako ng pagkatuyo ng lalamunan.
“Do you want to become a secretary?” Ang babae ang nagtanong.
Ano raw? Secre—Teka, tama ba ang dinig ko? Secretary talaga?
Gamit ang hinliliit ay kinalikot ko ang tainga ko. Baka kasi nabibingi lang ako, eh.
“A-ano po ulit iyon?”
“Gusto mo bang magtrabaho sa company bilang secretary?”
Napatingin naman ako sa matandang lalaki dahil siya ang nagsalita ngayon. Napakurap-kurap pa ako. Never in my life na umasa ako na makakapagtrabaho ako sa opisina. Hindi naman sa dina-down ko ang sarili ko. Masiyado lang talaga akong totoo sa sarili ko lalo pa at hindi naman talaga ako nakapag-aral. Kaya mahira talaga para sa akin ang makapagtrabo sa opisina.
Pero, heto, may dalawang matanda na ino-offer-an ako ng magandang trabaho na hindi man lang inaalam ang capability at ang education background ko.
Scammers yata ang mga iyan, Rusty, eh. O, baka sindikato na kukunin ang laman-loob mo para ibenta sa black market.
“Ahhh...” Sunod-sunod akong napalunok. Sa sobrang daldal ko ay wala akong masabi sa kanilang dalawa.
“We know that you’re skeptical with what we are offering. We can’t blame you for that lalo pa at maraming nangyayari sa mundo ngayon na krimen. But our intention is all pure. Gusto ka lang namint tulungan, hija,” sabi ng matandang babae na hindi ko pa rin ang pangalan. Sandali na natigilan ang babae tapos kinuha ang maliit niyang bag o purse. May kinuha siya sa loob, at ibinigay iyon sa akin. “Here’s our business card. You can search our name on the web. We’re one hundred percent legit, and we’re a good person.”
Masasabi ko ngang mabait ang dalawa. Sa ngiti pa lang at sa lumanay ng pagsasalita, eh. Pero...
Tumayo ako. Mabuti na ang sigurado.
“Sandali lang po, ha?” Nang tumango ang dalawa ay agad akong pumunta sa counter kung nasaan si Lyka. Sakto naman na medyo busy siya. “Ah, Lyka...”
“Po, Ate?”
“Puwede ko bang mahiram ang cell phone mo? May titingnan lang sana ako, eh?”
“Ah, sige po. Sandali lang, Ate Rusty.” Binigyan niya na muna ang customer ng order nito bago siya pumasok sa loob. Paglabas niya ay hawak niya na ang cell phone na hinihiram ko. Ibinigay niya iyon sa akin.
“Salamat, isasauli ko kaagad. May titingnan lang ako.”
“Sige lang, Ate Rusty, take your time. Hindi ko pa naman ginagamit, eh.”
Ngumiti ako sa kanya at pumunta sa gilid. Tiningnan ko ang business card na ibinigay sa akin ng matanda.
Esmeralda Olivia Rodriguez Salazar.
Agad kong tinipa sa cell phone ang pangalan niya. And viola! Lumabas ang image nilang mag-asawa. Halos malula pa ako nang malaman na sila ang may-ari ng Rodriguez Island!
Grabe! Ang yaman nila!
Dahil sa sayang nararamdaman ko ay agad kong isinauli ang cell phone ko kay Lyka, tapos ay tahimik akong bumalik sa puwesto kung nasaan ang dalawang matanda. Dahan-dahan lang akong naglakad at hindi pinahalata ang tuwa ko.
Ilang hakbang na lang ako sa kanila nang may maalala ako. Ang level ng kasiyahan ko ay biglang bumagsak dahil sa naisip ko. Imposible kasi na makapagtrabo ako bilang secretary sa kanila dahil wala akong alam sa trabaho na iyon. Wala akong ideya kung ano ang dapat gawin kapag nagkataon.
Bagsak ang balikat kong umupo.
“Is there something wrong, hija?” Nahalata yata nilang problemado ako kaya naitanong ng matandang lalaki iyon.
Suminghot ako. Pakiramdaman ko tuloy ay sinisipon ako, kahit hindi naman talaga.
“Ah, ang totoo po niyan ay nag-search ako about sa inyo. Nalaman ko pong legit talaga kayo.”
Dahil sa sinabi ko ay nagliwanag ang mukha nilang dalawa. Para bang doon pa lang sa sinabi ko ay nakarinig na sila ng good news.
Sorry po in advance kung madi-disappoint ko po kayo... piping bulong ko sa sarili ko.
“So, what is your decision? Do you want to take our offer?”
“Gusto ko po sanang tanggapin ang trabaho na inaalok niyo sa akin, pero po kasi, ang problema ay ako. Hanggang first year high school lang ako. Hindi ko pa po natapos ang year na iyon. Kahit nga po sa English ay hirap ako, eh, kaya kahit gusto ko man na magtrabaho sa inyo, ay hindi ko po magagawa dahil hindi ko magagampanan nang maayos ang trabaho na ibibigay ninyo sa akin.”
Malungkot akong ngumiti. Kung nakapagtapos lang sana ako ng high school, hindi sana ako mahihirapan ngayon. Pero wala, eh, ang alam ko lang talagang gawin, bukod sa pagsusulat ng pangalan ko, ay magbilang ng sahod ko. Ang saklap, ‘di ba?
Pero ayokong mag-self pity. Wala iyon sa bokabularyo ko. Aanhin ko pa ang bansag na Rusty Raketera kung hindi ko maa-apply sa buhay ko, ‘di ba?
“Pero salamat pa rin po sa pagmamamalasakit n’yo, malaking tulong na rin po iyon sa sarili ko na kahit papaano, ay may taong tumulong at nagtiwala sa akin...”