Patapos na akong maligo nang may kumatok sa pinto ng CR na ginagamit ko. Nasa kwarto ko ang CR kung nasaan ako kaya nagtataka ako kung sino ang kumakatok lalo pa hindi ugali ni Krypton ang pumasok sa kwarto ko. Hanggang pintuan lang talaga siya. “Sino iyan?” tanong ko sabay patay sa shower. 2 weeks na ako rito sa bahay ni Krypton at kahit papaano ay sanay na ako. “Si Krypton ‘to. Are you done?” Kumunot ang noo. “Sandali lang.” Kinuha ko ang bathrobe at isinuot. Kinuha ko rin ang tuwalya para ilagay sa buhok ko, bago ako lumabas. Nang makalabas ako ay nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng bintana ng kwarto. He’s wearing a tuxedo at kahit hindi ko pa makita ang mukha niya ngayon, alam ko kung gaano siya kagwapo sa suot niyang ito ngayon. “Good morning...” kiming bati ko sa kanya.

