Kabanata 4
"DO I NEED to change myself for him to notice me?!" Iyan kaagad ang bungad ni Airin sa bagong dating na si Gail.
"Ha?" clueless na anito.
Tiningnan ni Airin ang mukha sa pocket mirror. She knew she wasn't ugly. But she felt lacking. Parang hindi siya mapapansin ni Les kapag hindi siya nagbago.
Isinaboses niya ang nasa isip.
"Siraulo. Hindi mo kailangang magbago para lang sa lalaki. Hindi ba't mas masarap sa feeling kapag nagustuhan ka ng taong gusto mo sa kung ano ka? It's okay to act cute and to impress him pero hindi sa puntong binago mo na buong pagkatao mo," litanya ni Gail na para bang konting-konti na lang, kukutusan na siya.
Kumalumbaba si Airin. "Sabagay. May point ka. Kaya lang, paano nga niya ako mapapansin na hindi ako nagmumukhang cheap?"
More than a week na rin kasi ang lumipas nang mag-break si Les at Heidi at hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung papaano niya maipapakita kay Les ang existence niya. Kulang na lang ay gumawa ng banner si Airin na may nakalagay na, "Notice me, Senpai."
Hindi naman kasi pwedeng bigla na lang niya itong halikan, 'di ba? Hindi pa naman ganyan kakapal ang mukha ni Airin.
"Patirin mo siya one time."
Ngumuso siya. "Wala kang silbi, bestie."
Ngumisi si Gail. "Bakit hindi mo tanungin si Skye?"
Lalong nagkandahaba ang nguso ni Airin. "Mas lalong walang silbi 'yon. Kontra-bulate 'yon sa love life ko, eh."
"Excuse me, wala kang love life."
"Buwisit."
Nagulat si Airin nang bigla na lang may inabot na libro sa kanya si Gail. "O, basahin mo. Baka sakaling makakuha kang idea d'yan."
"Thank you, ha, bestie."
"Saka siguro dapat bumili ka na rin ng wonderbra," pang-aasar pa ni Gail.
"Wow. Sige, ano pa?" sarkastikong aniya. Bago pa makasagot si Gail ay kumalam ang sikmura ni Airin. "Ay, wait. Hindi pa pala ako kumakain. Bibili lang akong pagkain."
"Okay. Bili mo na rin akong waffle. Thanks."
Inirapan ni Airin ang kaibigan. "Pagkatapos mo akong laitin? Excuse me!"
Tumawa lang si Gail. Saktong malapit na sana sa university cafeteria si Airin nang makita niya ang pigura ni Les at Cloud. Nang makitang papunta sa university gym ang dalawa ay wala sa sariling sinundan niya ang mga ito. Pasimple pa siyang tumingin-tingin sa paligid. Para siyang stalker. Pero research lang 'to!
Hindi naman siya stalker. Gusto lang niyang makita nang malapitan si Les para malaman kung kumusta na ba ito. Gusto lang niyang malaman kung affected ba ito sa break-up nito at ni Heidi.
"How dare her! Argh!"
Boses 'yon ni Les! At nanggagaling 'yon sa gym. Naghanap siya ng lugar kung saan pwede siyang makasilip sa loob. May nakita siyang bintana na abot niya.
Si Les at Cloud lang ang nasa loob ng gym. Wala sigurong practice ang basketball club ngayon. Magkatabing nakaupo sa bench ang dalawa. Parehas pang nakasuot ang mga ito ng tennis uniform. Halatang kagagaling lang sa practice game nila Les dahil hawak-hawak pa ng mga ito ang kanya-kanyang raketa.
"Parang ginagantihan ka talaga, Les," sabi ni Cloud.
"Yeah. She dumped me to be with Charlie? Argh! Annoying!" Halata ang galit sa tinig ni Les lalo pa't sunud-sunod na mura ang pinakawalan nito na kahit ang mga tambay sa kanto ay mahihiya. Pero infairness, sosyal 'tong mag-mura. In English pa.
Tumigil si Airin sa pagsilip kina Les. Mahirap na at mahuli siya ng mga ito. Sabihan pa siyang stalker. O baka madamay siya sa init ng ulo nito. Umupo siya sa sahig at nanatiling nakikinig sa dalawa.
"'Wag mong sabihing affected ka dahil mahal mo?"
"Hindi 'yon ang issue, Cloud. She dumped me! She dumped me then what? Bigla niyang sasagutin si Charlie? My mortal enemy? Kung hindi ba naman nananadya!"
So tama nga ang bali-balita sa SVU na si Heidi ang nakipag-break kay Les. At totoo rin pala na sinagot na ni Heidi si Charlie—which was kinda fishy dahil ito nga ang mortanl nemesis ni Les. Sa pagkakaalam niya (based on her research), matagal na ang alitan sa pagitan ni Les at Charlie. Hindi naman lihim 'yon sa campus pero walang nakakaalam ng dahilan kung bakit. Pero ang hula ni Airin, baka insecure si Charlie kay Les. Aba, sino ba ang hindi mai-insecure? Masyadong perfect si Les.
"Why not get even?" mahinang wika ni Airin na para bang kausap at kaharap niya si Les.
"Why not get even?" sabi ni Cloud kay Les.
Wow! Parang narinig ako ni Cloud, ah? Nice one, Cloud! aniya sa isip.
"How?"
"Ipakita mong hindi ka affected! Maghanap ka rin ng bagong girlfriend!" mahinang sabi ni Airin nang walang nagsalita sa loob. Weird talaga siya, para bang naririnig siya nila Les, 'no?
Natuwa si Airin nang malaman na hindi talaga minahal ni Les si Heidi. Aba, sinong nilalang ang nasa tamang katinuan ang paghihigantihan ang taong mahal niya, 'di ba? At isa pa, napansin niya base sa pag-uusap ng dalawa na mas concern pa ni Les sa pagsagot ni Heidi kay Charlie kaysa sa mismong break-up ng dalawa.
"I don't know," narinig ni Airin na sagot ni Cloud.
Ay, tanga! Ka-simple-simple hindi pa maisip, aniya ulit sa isip.
"What are you doing there, Miss?"
"Patay," mahinang usal ni Airin saka tiningnan ang nagsalita.
Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng captain-s***h-coach ng tennis club na si Lawrenzo Guttierez. Sa dinami-dami nang puwedeng makahuli sa kanyang nag-i-eavesdrop, bakit ito pang terror na 'to? Bakit ito pang si Enzo na nakakatakot at parang mangangain ng tao? Airin was dead, truly.
"I'm asking you a question, Miss," untag ni Enzo sa pananahimik niya.
"A-ah... Uhm... Err..." What to say? What to do?
"Wala ka pa bang naiisip, Cloud?" pumailanlang ang tinig na iyon ni Les. Hindi siguro narinig ng dalawa ang pagdating ni Enzo kaya patuloy pa rin ang mga ito sa pag-uusap. Sabagay, malayo naman kasi ang puwesto niya sa mga ito.
"You're eavesdropping." It was not a question from Enzo but a statement.
"Hindi po!" tanggi ni Airin na sinabayan ng todo-todong pag-iling. As if aamin siya. Ano siya, tange? "I was just passing by and then—"
"Passing by? And yet, nakaupo ka d'yan sa sahig," nakataas ang kilay na putol nito sa sinasabi niya, or rather, sa alibi niya. Wala siyang mabasang anumang emosyon sa mukha ni Enzo.
"Ah, kasi po... Eh..." Napakamot na lang si Airin ng batok at tiningnan nang alanganin ang kaharap. Napabuntong-hininga siya nang mapansin na halata namang hindi maniniwala sa kanya ang kaharap niya kahit ano'ng sabihin niya. "Okay, fine. Sorry na. Hindi ko naman gustong makinig. May hinahanap lang ako tapos narinig ko silang nag-uusap kaya napahinto ako dito... at nakinig."
Matiim na nakatingin sa kanya si Enzo. Sa pagkagulat ni Airin ay bigla na lang nitong hinawakan ang braso niya saka siya hinila patayo. "Huwag ka sa 'kin mag-sorry. Sa kanila."
"Ha?"
Muntik nang mapatili si Airin nang bigla na lang siyang binuhat ni Enzo na parang isang sako ng bigas. Alam niyang maliit siyang babae kumpara kay Enzo pero hindi naman siya siguro ganoon kagaan para mabuhat nito nang walang kahirap-hirap!
"Sir, promise po! Hindi ko na uulitin ang ginawa ko! Huwag mo lang akong iharap kay Les. Parang awa mo na. Hindi pa po ako ready!" pagmamakaawa ni Airin kay Enzo na dire-diretso sa paglalakad papasok sa gym.
"I can feel that you like Les so this is your chance. Grab it."
"What? Come again?"
"Nothing."
"But—"
"Alessandro, may napulot akong kuting sa labas."
Agad siyang nanigas nang marinig ang sinabing iyon ni Enzo. Dahil sa sobrang pagkatutok niya para pigilan si Enzo, hindi niya namalayang nakapasok na pala sila sa gym. Shet. Nandito si Les! At ganito ang hitsura niya! Ano na lang ang iisipin nito?!
"Anong pauso 'yan, Enzo?" narinig niyang tanong ni Cloud.
Hindi pa rin binababa ni Enzo si Airin kaya ang siste, nakatalikod pa rin siya kina Les at Cloud. Really, hindi ba nabibigatan ang isang ito sa kanya?
"Kuting? Sa pagkakatanda ko, Coach, tao 'yan," wika naman ni Les.
Oh, my God! Hindi pa po ako ready na harapin si Les. Makapal po ang mukha ko pero pagdating sa kanya, tiklop ako! Shocks! What will I do? kausap ni Airin sa sarili niya.
Once Enzo let you go, run! wika ng kabilang bahagi ng utak niya.
Players ang mga 'yan! Mahahabol at mahahabol nila ako at lalong magsususpetya si Les kapag tumakbo ako! wika naman ng kabila niyang utak.
Then mag-isip ka na ng magandang palusot.
Why was she having a debate inside her mind?!
"Argh!" hindi niya napigilang bulalas.
Naramdaman na lang ni Airin ang paglapag ni Enzo sa kanya sa sahig. Agad siyang yumuko dahil hindi niya kayang tingnan nang diretso si Les. Nahihiya pa rin siya saka baka kung ano ang isipin nito patungkol sa kanya. Idagdag pa na namumula ang magkabila niyang pisngi dahil sa ganap.
"Napadaan siya sa gilid ng gym dahil may hinahanap siya at narinig niya ang pag-uusap ninyong dalawa," paliwanag ni Enzo nang marahil ay napansin ang pagtataka sa mukha ni Les at Cloud.
Mulagat na napatitig si Airin kay Enzo. Pinagtatakpan ba siya nito kina Les at Cloud o sadyang naniwala ito sa alibi niya?! Whatever it was, she was glad.
"Awtsu. Deads ka, p're. May nakarinig sa lihim mo," natatawang ani Cloud dahilan nang pagtingin niya dito.
"May suggestion siya para sa 'yo, Les," singit ni Enzo.
Nagtatanong ang mga matang tumingin si Airin kay Enzo. Siya, may suggestion? Wala naman—oh. Yes, meron nga. Narinig siguro ni Enzo ang "ibinulong" niya kanina. The find-another-girlfriend thing.
"Talaga, Miss? May isa-suggest ka sa 'kin?" si Les 'yon.
Inilipat ni Airin ang tingin kay Les at dagling nakaramdaman ng pagkadismaya nang makitang hindi siya nito nakilala. Ano pa ba ang ine-expect niya? It was just a short encounter three months ago. Of course he would not remember her.
Agad na inayos ni Airin ang ekspresyon sa mukha at kiming nginitian si Les. "Hindi ko gustong makinig pero kasi..."
LES WAS getting pissed off. Hindi siya nasaktan nang malaman na si Charlie ang bagong boyfriend ni Heidi. He wasn't in denial. He was telling the truth. When he heard the news about Heidi and Charlie, Les almost broke his tennis racket. Keyword: almost. Mas importante pa rin ang raketa niya, syempre.
Hindi naniniwala si Les na coincidence lang ito. He believed Charlie was the person behind this. Gusto nitong malamangan siya. Gusto nitong ipahiya siya sa buong SVU. Because honestly, sa dinami-dami ng lalaki sa SVU, ilang percent ang chance na si Charlie na mortal nemesis niya ang magiging next boyfriend ni Heidi, right?
This was planned and Les could not help but feel agitated towards those two.
Les knew it was either Heidi or Charlie who planned this. Siguro ay nagtutulungan ang dalawa. Ito siguro ang paraan ni Heidi para gumanti sa kanya at kasabay niyon ay tinutulungan ito ni Charlie na mapabagsak siya.
As if he would let this ruin him. Hah!
Les did not like the word revenge. But this time, he was determined to get even. Gusto niyang ipakita kina Charlie at Heidi na maling tao ang kinalaban ng mga ito. Pride at ego na niya ang nakasalalay dito. Aba, halos siya ang usap-usapan ngayon sa SVU dahil kay Heidi at Charlie. Para bang awang-awa sa kanya ang mga estudyante ng SVU. What the f**k?
Kaya nga handa siyang pakinggan ang suhestiyon ng babaeng kaharap.
Come to think of it, the girl in front of Les was familiar. He just could not place where he had seen her. Of course he knew she was a student here at SVU but it wasn't all that. Basta, pamilyar ito sa kanya.
Siguro ay nakasalubong niya ito minsan. Sa dinami-dami ba naman ng estudyante sa SVU, maaalala niya ito? Pero nang makita niya ang pagdaan ng pagkadismaya sa mukha nito, pakiramdam ni Les ay parang may biglang pumisil sa puso niya.
Weird.
"Hindi ko gustong makinig pero kasi..."
Something clicked inside Les's mind when he heard her voice. He remembered her. Ito 'yong babaeng nakabangga niya dati. Ito 'yong dinala niya sa clinic at ginamot.
"I remember you. You're Airin, right? Iyong babaeng takot sa alcohol?"
Lumiwanag ang mukha ni Airin pero mayamaya'y napangiwi rin. "Yeah. Not a good first impression, huh?"
"Yeah. The girl who's afraid of alcohol. The girl who became a tiger because of rubbing alcohol," natatawang ani Les dahilan nang pamumula ng pisngi ni Airin—which he found cute.
Weird again.
"Les, mamaya na ang pakikipagbolahan. Pakinggan mo muna ang suhestiyon ng bata," singit ni Cloud. Si Enzo naman ay tahimik lang na pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Airin.
Les did not like the glint he caught in Enzo's eyes.
"Hindi na ako bata!" nakangusong ani Airin kay Cloud.
Nagulat silang tatlo dahil sa pag-angil nito kay Cloud.
"Okay, hindi na bata. Nene na lang," nakangising ani Cloud.
"Ikaw naman totoy!" sagot ni Airin. Halatang nawala na ang hiyang nararamdaman.
"Children!" matigas na pagitna ni Enzo saka pumito.
"Siya po kasi, eh," parang batang sumbong ni Airin saka humalukipkip.
Itinakip ni Les ang palad sa bibig para takpan ang ngiti.
"Pagpasensyahan mo na si Cloud. Kinulang lang 'yan sa ligo. Anyway, let's hear your suggestion," sabi ni Enzo.
Yumuko si Airin at tinitigan ang mga kamay na para bang may interesante itong makikita doon. Nag-e-enjoy si Les na tingnan ito dahil para itong bata kung kumilos.
"Narinig ko kasi na ipinagpalit ka daw ni Heidi sa mortal enemy mo. And I thought that you should get even," panimula ni Airin.
Napatingin si Les kay Cloud dahil iyon din ang suhestiyon nito kanina.
"How? I mean, paano ako makakaganti kay Heidi at kay Charlie?"
"Ipakita mo sa kanya na hindi ka affected kahit na sila na ni Charlie, gano'n."
"Hindi naman ako affected," defensive na aniya.
"What I mean is... Uhh... Paano ko ba 'to ie-explain? Ipakita mo na hindi ka affected by having a new girlfriend. Na kung nagawa ni Heidi, kaya mo din, 'di ba?"
"Hey! I like that! Siguradong mayayanig ang mundo ni Heidi kapag nalamang may girlfriend ka na, Les. At si Charlie, ha! Nakikini-kinita ko na ang hitsura niya," ani Cloud at binalingan si Airin. "Nice suggestion, Nene!"
Naningkit ang mga singkit na mata ni Airin saka inirapan si Cloud. Si Les naman ay napaisip. Maganda nga ang suggestion ni Airin. Pero sino naman ang puwede niyang pagpanggapin na girlfriend niya? Right, pretend girlfriend. Ayaw niya na manloko ng babae para lang makapaghiganti siya.
"Ayokong manligaw just for the sake of revenge," sabi niya.
"Hire a pretend girlfriend," singit ni Enzo sa labis niyang pagkagulat. May alam din pala sa mga ganito si Enzo.
"Sino naman ang puwede kong pagpanggapin na girlfriend ko? Baka kapag basta-basta na lang akong kumuha, biglang seryosohin. O kaya, sabihin kina Heidi at Charlie."
"I nominate Airin!" nakangising sigaw ni Cloud at parang batang itinaas pa ang kamay.
"What?!" magkapanabay na wika nila ni Airin.
"O, bakit? Magkakilala naman kayo, 'di ba? Saka alam ni Airin ang sitwasyon mo kaya maiintindihan ka niya. And look at this Les, mas mayayanig ang mundo ni Heidi kapag nakita at nalaman niyang si Airin ang bago mong girlfriend," mahabang paliwanag ni Cloud.
"Is that an insult, totoy?!" angil ni Airin kay Cloud.
Itinaas ni Cloud ang dalawang kamay para pigilan ang iba pang sasabihin ni Airin. "Let me explain first, okay? Ibang-iba ka kasi sa mga naging girlfriend or ex-girlfriend ni Les. Iisipin nila Heidi and Charlie na mahal na mahal ka talaga ni Les kaya ka niya niligawan. Gano'n!"
"For the first time, I agree with Cloud," wika naman ni Enzo.
Tiningnan ni Les si Airin na tulalang nakatitig kay Cloud. Mukhang na-shock ang babae sa suggestion ni Cloud. Hindi naman niya ito masisisi dahil siya man ay nagulat din. Pero may punto naman si Cloud. Paniguradong magsisintir si Heidi kapag nakita si Airin. Not that Airin wasn't beautiful. In fact, she was pretty. Inosenteng ganda. Iyong gandang hindi nakakasawang tingnan. Refreshing.
And from the short period of time Les was able to talk to Airin, he knew she was a good girl.
"Will you be my girlfriend, Airin?" nagsusumamong wika ni Les na sinabayan pa ng pagluhod para may effect.
Laking pagkagulat nilang lahat nang bigla na lang itong hinimatay.