Kabanata 3
NAPANSIN ni Airin na parang kanina pa may "fiesta" sa SVU. Ang daming nagbubulungan, 'yong hindi na sa normal na paraan.
"Gino, ano'ng ganap?" pigil niya sa lalaking nakasalubong.
"Ah. Masaya lang 'yong ibang girls. Break na kasi si Les saka si Heidi," sagot ni Gino.
"Ah. 'Yon lang pala—what?" Nanlaki ang mga mata ni Airin. "Teka, tama ba ang narinig ko?! Break na sila Les at Heidi?"
"Yeah. Sige, bye, Airin."
Naiwang tulala si Airin. Nagtanong-tanong pa siya sa ilang kakilala at tama nga ang balita ni Gino! Break na si Les at Heidi! Hindi niya lubos maisip na magkakatotoo ang sinabi niya kay Skye before. Maybe luck was really on her side, huh.
Kalat na kalat sa Campus na kaya nakipag-break si Heidi kay Les ay dahil nawawalan na daw ng time si Les sa girlfriend nito (ex-girlfriend, FYI). Napuno na raw si Heidi na ito ang naging resulta, break-up. Yes!
Parang naglalakad sa ulap si Airin habang papunta sa library. Walang makakabura sa magandang araw niya.
"Gail, narinig mo na ba ang balita? The super, duper good news? Brea—"
"Break na si Heidi the flirt at Les your loves? Oo, alam ko na. Kalat na kaya 'yan sa buong campus. Nakakaumay na nga," ani Gail na nakatuon pa rin ang pansin sa hawak-hawak nitong libro.
Pasalampak na umupo si Airin sa bakanteng silya sa tabi ni Gail saka inilapag ang mga bitbit sa mesa. "My gahd. This is it, Gail! Dapat na yata akong gumawa ng move para mapansin ako ni Les."
"Sige. Nandito lang ako para suportahan ka sa kahibangan mo," walang buhay na sagot nito.
"Alam mo, parehas kayong KJ ni Skye, eh. Dapat talaga kayong dalawa ang magsama," nakasimangot na ani Airin pero mayamaya'y napangiti na rin nang maalala ang magandang balita. Hindi talaga mabubura ang good vibes niya. "Break na sila, break na sila. So happy, me," pakanta-kanta pang aniya.
"Hindi nga halatang masaya ka, Airin. Pero hinay-hinay lang, girl. Baka mamaya, masaktan ka pa. I don't want to see you hurting. Baka hindi ko matantya 'yang Alessandro na 'yan. Naku!"
Natatawang niyakap niya ang kaibigan. "Bait talaga ni bestie, oh. Kaya love na love ka ni Mico, eh," pang-aasar niya.
Namula si Gail at sa pagkagulat ni Airin ay bigla itong tumayo. Halos matumba na nga ang upuan nito. Pabagsak nitong inilapag sa mesa ang hawak nitong libro. "Punta lang akong restroom," anito.
Naiiling na napakamot na lang ng kilay si Airin habang nakatingin sa papalayong pigura ni Gail. Parang binibiro lang naman niya 'to, ah? May nangyayari bang kababalaghan dito at sa new found friend nitong si Mico?
Si Gail ang isa pa niyang kaibigan bukod kay Skye. Magkakaklase silang tatlo dati. Silang dalawa ni Gail ang naiwan sa Accountancy dahil nag-shift nga si Skye.
Anyway, saka na niya iisipin ang "love life" ni Gail. Syempre uunahin muna niya ang sarili niya. Kailangang makaisip muna siya ng paraan kung papaano siya makakalapit kay Les. Syempre dapat in a subtle way. Ayaw naman niya kasing magmukhang cheap katulad ng ilang nagkakagusto kay Les na walang ibang ginagawa kundi magpa-cute at magpapansin sa lalaki.
Though she admired those girls tenacity.
Kaya dapat makaisip na si Airin nang paraan na magsisilbing tulay para magkalapit sila ni Les in a demure way. Para maturuan niya 'tong mahalin siya. Oh, 'di ba?
"I CAN'T believe it, Cloud. This was the first time I've been dumped by a girl!" pagsisintir ni Les saka nanggigigil na inisang lagok ang hawak na bote ng softdrink. Nasa vicinity pa kasi sila ng SVU kaya bawal ang alak, kaya tiis muna siya sa softdrink. Pero sa totoo lang, mas gusto niyang magpakalunod muna sa alak dahil sa nangyari sa kanila ni Heidi, his latest girlfriend—or should he say, his latest ex-girlfriend.
Marahas na hinagod ni Les ang buhok niya. Hindi naman siya nasaktan sa nangyaring break-up. Ang nasaktan sa kanya ay ang pride niya. Hindi naman mapagmataas na tao si Les. Sadya lang kasi na nadaling ni Heidi ang pride niya sa ginawa nitong pakikipag-break.
"Okay na 'yon, pare, kesa naman lalaki mang-dump sa 'yo," nakangising pang-aasar sa kanya ni Cloud.
Katatapos lang ng practice game nila. Silang dalawa ni Cloud ang naglaban. Ganito naman sila kahit na Doubles game ang forte nila. Hindi nila nili-limit sa Doubles game ang paglalaro. Sinusubukan din nila ang Singles game.
Nandito silang dalawa sa locker room at nagpapalipas ng oras. Hinihintay na lang nila ang pagdating ng iba pa nilang kaibigan.
"Shut up. Hindi ito ang oras para asarin mo ako," angil ni Les sa kaibigan. Ibinato niya dito ang hawak na lata na dagli din nitong nailagan.
"'Wag mo na kasing isipin 'yong si Heidi, Les. Mabuti nga at nag-break na kayo. Saka marami pang babae d'yan," anito. Kumalumbaba si Cloud kasabay nang pag-angat ng kilay nito. "Bakit ba kasi nakipag-break sa 'yo si Heidi?"
Napabuntong-hininga si Les nang maalala ang dahilan ng pakikipag-break ni Heidi. Hindi rin naman niya masisisi na nakipag-break sa kanya si Heidi. He was at fault here. Nawalan kasi siya ng oras kay Heidi. Kinakain kasi ng tennis ang oras niya at ang natitirang oras niya ay ginugugol niya sa pag-aaral lalo pa't graduating siya. Kaya ang nangyayari, hindi niya nasasamahan si Heidi sa mga lakad nito. They could not go out on a date. Hindi rin daw sila nagse-celebrate ng monthsary!
"She's tired of me. Wala na raw akong oras sa kanya. Puro ikaw na lang daw kasi ang kasama ko," pagbibiro ni Les.
"Ha? Talaga 'yang girlfriend mo, may saltik din sa ulo, eh."
"Ex," pagtatama niya.
"X, Y, Z, same letters." Ikinumpas ni Cloud ang kamay. "Pero may mali ka rin naman, Les. Kung 'di mo naman pala kayang pagsabayin, dapat mamili ka lang. Pero dapat inintindi ka rin niya. Aba, ang hirap kayang maging member ng tennis club lalo pa't si Enzo ang captain. Buti na lang ako walang sabit. Sabi ko na, eh. Sakit lang talaga ng ulo ang mga babae."
Itinaas ni Les ang hawak na coke in can saka nginisihan si Cloud. "Tama ka. Sakit lang talaga ng ulo at pride ang hatid ng mga babae."
Nag-highfive silang dalawa. "Dapat kasi ako na lang ang niligawan mo, eh," biglang pang-aasar nito.
"Gago. Hindi kita type. Mas type ko si Coach Enzo," nakangising wika ni Les. Napailing siya nang bahagya dahil sa kalokohan nila ni Cloud.
"May sinasabi ka, Alessandro?"
Agad na napatayo si Les at Cloud nang marinig ang seryosong tinig na iyon ni Enzo. Medyo takot sila ng five percent sa lalaki dahil mahirap spellingin ang mood nito. Mahirap na at baka bigla silang mabugahan ng apoy lalo pa't hindi maganda ang mood nito ngayon.
Malakas pa naman mang-trip 'tong si Enzo, hindi lang hatala kasi nga seryoso ito.
"Ha? Ako? May sinasabi? Wala, ah!" tanggi ni Les at sinabayan pa ng pag-iling.
"Pasalamat ka't bigo ka ngayon dahil kung hindi, kanina pa kita pinaikot ng twenty laps sa court," seryosong sabi ni Enzo.
"Thank God," mahinang saad niya at muling napasalampak ng upo sa sahig.
"Bakit mainit na naman ba ang ulo mo, Enzo?" singit ni Cloud na umupo sa tapat niya.
Napailing si Enzo bago umupo sa Monobloc chair. "Ang ingay ng mga babae sa labas, tilian nang tilian. Hindi tuloy makapag-practice nang matino si Guji."
Napatango na lang si Les. Sa kanilang siyam kasing magbabarkada, si Guji ang ayaw na ayaw na nilalapitan ng mga babae. Kung pupuwede nga lang siguro, pinaalis na nito ang lahat ng babae dito sa SVU. Hindi naman daw ito woman-hater, ayaw lang daw talaga nitong malalapitan o madidikitan ng mga babae. So in short, woman-hater nga si Guji.
"Dapat Coach, pinapunta mo doon si Reus."
"May ginagawa daw si Reus."
"'Ayon naman pala Coach, eh. Baka kaya hindi makapag-practice nang maayos si Guji kasi wala si Reus. Alam mo namang sanggang-dikit 'yong dalawang 'yon."
"Yeah, right."
Sabay na nagtawanan si Les at Cloud. Alam kasi niyang hindi naniniwala si Enzo sa sinabi niya. Dahil ang totoo, hindi naman talaga sanggang-dikit sina Guji at Reus. Kabaligtaran pa nga. Kapag nagsama ang dalawang 'yon, asahan na ang away, sagutan, at g**o. Palagi kasing nagka-clash ang dalawang 'yon. Minsan nga, isang simpleng topic lang pero nagiging dahilan na nang pagrarambulan ng dalawa.
"Tapos nang mag-practice si Guji at Rein," anang bagong dating na si Chase, ang tunay na tensai o genius hindi lang pagdating sa tennis kundi maging sa kahit na anong bagay. Ito ang lalaking maraming alam.
"Softdrinks, Chase," alok ni Les sa hawak na coke-in-can.
Ngumiti lang ito at umiling. "Pinainom na ako ni Kei ng bago niyang gawang juice. It was good."
Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na coke-in-can dahil sa sinabi ni Chase. Hindi niya talaga alam kung maaawa ba siya sa tastebuds nitong si Chase. Aba, kahit bigyan siyang limanlibo, hinding-hindi niya iinumin ang homemade juice ni Kei. Kahit tikim ay hinding-hindi niya gagawin.
Nakaimbak pa rin sa memory bank ni Les ang nangyari nang isang beses na tinikman niya ang juice na gawa ni Kei. Nawalan pa siya ng malay sa sobrang sama ng lasa ng juice nito. Buti na nga lang at walang ibang nakakita sa kanya bukod sa mga kabarkada niya, na sa pagkakaalam niya ay mga hinimatay rin ng matikman ang juice ni Kei. At sa pagkakatanda niya, si Coach Enzo at si Kei lang ang hindi uminom ng deadly juice ng huli. Mauutak.
"Good? Ang ganda talaga ng panlasa mo Chase," nahimigan niya ang hindi pagkapaniwala sa tinig ni Cloud nang sabihin nito iyon.
"Masarap naman talaga ang mga gawang juice ni Kei. 'Wag mo lang iisipin masyado ang itsura saka kulay. Right, Coach?"
Nagkibit-balikat si Enzo bago sumagot. "I don't know. I haven't tasted it."
"Really Enzo? Hindi mo pa natitikman ang juice ni Kei?"
"Yeah."
"I dare you Enzo, inumin mo nga 'yong isang bote ng juice ni Kei!"
"No, thanks."
Tumatawang nag-highfive si Les at Cloud habang si Chase naman ay pangiti-ngiti lang. Kahit pala ang coach nila na terror, takot din sa juice ni Kei.
Tumayo na si Enzo saka pinagpag ang suot nitong short. "Magpapalit na ako ng damit. Saan pala tayo mamaya, Les?"
"Anong saan tayo mamaya?"
"Bigo ka, 'di ba? Saan tayo magpa-party?"
"Pasalamat ka at coach ka namin, Enzo, dahil kung hindi..."
"O, bakit hindi mo ituloy?"
"Takot ko lang sa 'yo," usal niya saka binalingan si Cloud. "Naninindak na naman si Enzo."
"Sinabi mo pa. Pasalamat ka na lang at bigo ka."
"Hindi nga ako bigo!"
"Yeah, right."
"Magbihis na rin kayo, Les. Para diretso party na tayo," singit ni Chase bago lumabas ng locker room.
Napakamot na lang siya ng ulo at napailing. "Hindi naman talaga ako bigo!"
"Huwag ka nang magmaang-maangan, Les. Ang bigo, bigo pa rin kahit itago mo pa," wika naman ni Enzo.
Napatulala si Les, maging si Cloud, hindi dahil sa sinabi ni Enzo. Napatulala sila dahil for the first time, nakita nilang nakangisi ang stoic face nilang coach.
Magugunaw na yata ang mundo.