Kabanata 2
"NATULALA ka na naman, Airin. Naku, 'tong babaeng 'to talaga," ang tinig sabi na iyon ni Skye ang nagpabalik sa isip ni Airin sa kasalukuyan. Ewan niya, pero madalas siyang mag-space out lalo na kapag si Les ang iniisip niya. Lalo na kapag ang naaalala niya ay 'yong nangyari three months ago.
It seemed as if their first meeting was copied from a romance novel. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin siya kapag naalala ang pangyayaring 'yon.
"Lekat na babaeng 'to. Hoy, Airin! Mukha kang tangang nakatanga d'yan. Peste, nagaya pa 'ko sa 'yong redundant. Hay," sigaw ni Skye na may kasama pang pagbatok sa kanya.
"Ano ba, Skye! Kanina ka pa batok nang batok! Nakakarami ka na, ah," angil ni Airin sa kaibigan.
"Natulala ka na naman kasi. Kanina ka pa rin. Pasalamat ka't pagbatok lang ginawa ko sa 'yo."
"Naalala ko lang kasi 'yong first meeting namin ni Les. Alam mo namang hindi ko talaga makakalimutan ang araw na 'yon; ang araw na pinagtagpo ang puso naming dalawa," nangangarap na aniya.
"Baka pinag-untog kamo kayo," nakabusangot na ani Skye. "Hindi ko rin makakalimutan ang araw na 'yon, Airin Nessa. Pinaghintay mo lang naman ako nang pagkatagal-tagal sa Botanical Garden, lintek ka."
"Sorry na. Cute lang," pagpapa-cute ni Airin sa kaibigan.
Talaga 'tong si Skye, akala mo menopausal na kung umasta. Kulang lang siguro 'to sa crush kaya ganyan.
"'Wag mo ngang ibahin ang usapan! Mabalik tayo d'yan sa pagkahumaling mo kay Crawford."
Airin just rolled her eyes at her friend. Itinutok niya ulit ang tingin kay Les. Nagpa-practice pa rin ito kalaban si Cloud. She could not help but be mesmerized by the way he swung his arms whenever he would hit the tennis ball. And the way his leg muscles would flex whenever he was running? Oh, boy.
"Ano bang problema kay Les bukod sa pagiging sobrang gwapo niya?"
"Airin, tell me honestly, do you love him?"
"Of course," walang gatol na sagot ni Airin pero sa loob-loob niya, napapaisip din siya. Ano nga ba ang love?
"May girlfriend na kaya si Les."
"So? Mag-be-break din sila kapag nakilala na niya ako."
"Kilala ka na niya, 'di ba? Pero tingnan mo, sila pa rin."
Ngumuso si Airin. "Iba 'yon, okay?"
"Paanong naiba? You can't compete with his girlfriend, Airin. Si Heidi 'yon. Si Heidi ang babanggain mo? Si Heidi na campus figure, si Heidi na Brat Princess ng SVU? Ano'ng laban mo d'on?"
"Wow. Thanks for being a friend, ah. Sobrang tumaas ang self-esteem ko. Damang-dama ko 'yong love and support," sarkastikong ani Airin.
Pabiro siyang tinapik ni Skye sa balikat. "Hindi sa dina-down kita. Kumakatok lang sa 'yo ang reyalidad na gano'n kataas ang standard ni Les. Okay, you are pretty, Airin. Pero ibang-iba ka sa mga type ni Les. Iyong mga naging girlfriend niya, mga sikat sa campus. Mga Queen Bee type. Iyon bang super sophisticated tingnan at um-aura. Mga naka-heels pa! You are the exact opposite of that, my friend," sunud-sunod na pag-kill ni Skye sa kanya. Ikinumpas-kumpas pa nito ang kamay na para bang ine-emphasize nito ang point nito.
Hindi niya magawang i-defend ang sarili dahil totoo ang sinabi ng kaibigan. Kahit siya, nakita na exact opposite siya ng mga naging girlfriend ni Les. Les' ex-girlfriends were classy, sophisticated, and well-known in their university. Sad to say, hindi ganyan si Airin.
Les' ex-girlfriends preferred wearing high-heeled shoes while Airin preferred rubber shoes, sneakers, or doll shoes. Minsan nga, pumapasok siya na naka-flipflops lang. Piling courses lang ang may uniform dito sa SVU at isa ang course niya sa hindi required ang uniform kaya she was free to wear whatever she wanted.
Les' ex-girlfriends wore make-up like a professional while Airin did not even know the difference between eyelash brush and brow brush. Kahit gusto niyang matutong mag-make up, tamad siya, eh. She would only put powder and lip gloss because of her laziness.
Les' ex-girlfriends wore provocative and classy dresses while Airin would always choose comfy over style. In short, pants, blouses, or leggings ang choice of clothes niya.
She was so simple. Siguro nga, nene lang siya kung ikukumpara sa mga naging girlfriends ni Les (lalo na sa current girlfriend nitong si Heidi). Alam din naman niya kung gaano kalayo ang agwat niya sa mga naging girlfriend ni Les. Hindi naman siya totally in denial sa parteng 'yan.
Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Sabi nga, 'di ba, love is blind? Baka sakaling mabulag si Les ng kasimplehan niya. Feel na feel pa rin naman ni Airin na sila pa rin ni Les ang magkakatuluyan sa huli kahit kabaligtaran siya ng mga naging girlfriend nito. Palakasan lang ng fighting spirit.
Sabi nga sa paborito niyang Japanese series na Gokusen, fight-o!
"Hindi naman sila bagay ni Heidi, bestie. Masyadong flirt 'yong si Heidi. One of these days, bestie, makikita mo na lang na break na sila dahil na rin kay Heidi. At kapag nangyari 'yon, I will make a move para mapansin na ako ni Les," buong kumpyansang aniya.
Palakasan lang talaga kasi ng loob ang labanan minsan. At pakapalan ng face.
"MUKHANG stressed na stressed ka, ah," puna kay Les ng kaibigang si Cloud.
Napaungol si Les saka hinagod ang buhok. Pabagsak niyang binitawan sa sahig ang bitbit na overall bag saka umupo sa Monobloc chair.
"Nag-away na naman kami ni Heidi," aniya.
"Wala naman ng bago d'on."
Napabuga na lang siya ng hangin.
"Bakit ba kayo nag-away?" singit ni Chuck, isa sa mga kaibigan at ka-club member niya.
"Same issue. Nawawalan na daw ako ng oras sa kanya."
Nandito si Les sa locker room na para sa mga tennis players. Matatagpuan ang locker room nila sa likod ng university gym. Ito na rin ang nagsisilbing club office nila.
Si Les ang vice-captain ng tennis club nila. Isa rin siya sa mga regular player ng tennis club. He preferred playing Doubles with his partner, Cloud. Tinagurian nga silang Golden Duo dahil sa ganda ng match-up nilang dalawa. Naglalaro din naman sila ng Singles ni Cloud pero mas gusto nga lang talaga nila ang Doubles.
"Baka kasi nawawalan ka na nga ng oras sa kanya, Les. You have to balance your time between your girlfriend and your club," mahinahong ani Chuck.
"Ganyan naman ang ginagawa ko, ah," defensive na sagot ni Les.
"Mukhang mainit yata ang talakayan natin, kabayan," singit ng bagong dating na si Reus.
"Shut up, parrot!" anang lalaking kasunod nito na si Guji.
"Nognog, sunog," pagsagot ni Reus.
Myembro din ng tennis club 'tong sina Reus, Guji, at Chuck. Kagaya niya at ni Cloud, kasama sa Regulars ang mga ito. Siyam silang Regulars. Sila 'yong itinuturing na magagaling pagdating sa paglalaro ng tennis. Kumbaga, sila 'yong elite ng club nila.
"Parrot, supot," seryosong ganti ni Guji sa pang-aasar ni Reus.
Sabay-sabay na nagtawanan sina Les, Cloud, at Chuck lalo na't halos umusok ang bumbunan ni Reus sa inis.
"Hindi ako supot! Gusto mo pakita ko pa, eh!"
Guji disgustingly looked at Reus. "Nevermind."
Naiiling na lang si Les. "Tama na 'yan. Baka maabutan kayo ni Enzo, patakbuhin pa kayo n'on sa court ng ilang ulit."
Nakahalukipkip na tumahik ang dalawa, halata ang pagnguso ni Reus. Itong si Reus at Guji, palaging nagsasalpukan. Pero kapag ginawa naman nila itong magka-partner sa isang Doubles game, kahit nag-aaway, lumalabas ang galing ng mga ito. But these two preferred Singles game than Doubles.
"Nasaan na ba 'yang si Coach Enzo? Papatawag ng meeting 'tapos late. Baka lumalandi pa 'yan, ah," ani Reus saka ngumisi.
"San Diego, twenty laps around the court after the meeting," malamig na anang isang tinig malapit sa pinto ng club room.
Les almost smirked when he saw Reus' pale face. Ayan, napapala ng kadaldalan nito.
"Ito namang si Coach, hindi na mabiro. Joke lang. Joke."
Sinamaan lang ito ng tingin ni Enzo kaya no choice si Reus kundi matahimik. Good.
Si Enzo ang coach-s***h-captain ng tennis club nila. Seryoso ito, istrikto, pero sobrang galing sa paglalaro ng tennis. No wonder he was their captain. Many younger members idolized him and at the same time were afraid of him.
"Pasarap nang pasarap 'tong gawa mong juice, Kei. Salamat," narinig ni Les na sabi ng kapapasok lang na si Chase. Kasunod nito ang kausap na si Kei.
Inayos ni Kei ang salamin sa mata. "Salamat sa feedback. Iniisip ko ngang i-upgrade ang juice na 'yan."
Sabay-sabay na napangiwi ang mga nakikinig kay Kei at Chase (pwera kay Enzo kasi poker-faced ito palagi). Kei's juice were horrible. Si Chase lang ang bukod-tanging nakakatiis sa juice nito. They all think there was something wrong with Chase because of it.
Silang walo ang bumubuo sa Regulars team ng tennis club nila. Lahat sila ay magkakaklase at nasa isang block section. There were nine Regulars in their club. Si Rein ang huling myembro nila. Mas bata sa kanila ng dalawang taon si Rein pero hindi matatawaran ang husay nito sa pagte-tennis. Prodigy nga ito pagdating sa tennis.
"Narinig niyo na ba ang balita?" biglang ani Reus.
"Anong balita?"
"The students in our campus are calling our team Tennis Knights," proud na anito.
"Tennis what?" halos sabay-sabay na sabi nilang lahat (pwera ulit kay Enzo kasi poker-faced ang gago).
"Tennis Knights. Kasi tayo raw ang elite group ng tennis club. Well, nandito kasi ako," pagyayabang pa ni Reus.
"Hindi ka kawalan kahit mawala ka pa," parrot," singit na patutsada ulit ni Guji.
Bago pa man makasagot si Reus at tumikhim si Enzo. "I want all of you to be outside in ten," malamig na utos nito. Nilingon nito si Reus. "And San Diego..."
Napalunok si Reus. "Y-yes, Captain, Coach, Sir?"
"Another ten laps around the court."
Nang makalabas si Enzo ay saka nagpakawala ng ungol si Reus. Natawa na lang sila. Nawala na sa isip ni Les ang girlfriend niya. Because for him, there was nothing more important than tennis.
SUMAMA ang mukha ni Les nang makita ang lalaking makakasalubong niya. Sinalubong niya ang tingin nito. It was Charlinton Del Pierro, his nemesis. Hindi na nga niya alam kung kailan, paano, saan, o bakit sila naging magkaaway. Basta, ito ang nag-iisang tinik sa lalamunan niya.
Nang magkatapat sila ay bigla na lang ngumisi si Charlie na parang naunuya.
"Better take care of your things, Crawford. You'll never know when someone will take it away from you," sarkastikong anito.
"f**k off, Del Pierro," nakatiim ang bagang na sagot niya.
Lumapad lang ang pagkakangisi ni Charlie saka nagpatuloy sa paglalakad. Tuwid na ang tingin ni Les sa dinaraanan. Sa sulok ng mga mata ay may napansin siyang pamilyar na pigura. Akmang lilingunin niya iyon nang may tumawag sa kanya.
"Les, sweetie," ani Heidi. Pagkalapit na pagkalapit ay kumapit ito sa braso niya. "Date tayo mamaya, ha?"
"Sorry, Heidi. May practice kami."
Sumimangot ito at kaagad na bumitaw sa pagkakahawak sa kanya. Nameywang si Heidi saka siya pinagtaasan ng kilay. "Oh, really?"
"Yeah. Sorry, Heidi. Bawi ako next time."
"Whatever. See if I care."
Hinayon ng tingin ni Les ang nag-tantrums na girlfriend. Hinagod niya ang buhok saka tumingala. Women.