Kabanata 14 "LEAVE my girl alone, Del Pierro!" Napapiksi si Airin mula sa pagkakahawak ni Charlie nang marinig ang dumadagundong na tinig na iyon ni Les. Sa sulok ng mga mata niya ay napansin niya ang patagong pagngisi ni Charlie. Nananadya ang mokong! "Les—" "Wala akong ginagawang masama kay Airin, Crawford," putol ni Charlie sa sasabihin dapat ni Airin. "Come here, Airin Nessa!" First time ni Airin na makitang nagalit ng ganito si Les. His blue eyes turned into a darker shade that it almost looked black. Gone was the Les she knew. The person standing in front of her seemed like a stranger. "Les—" "I said come here, Airin Nessa!" Napabuga na lang siya ng hangin at walang salitang lumapit kay Les. Pero bago 'yon, isang nakamamatay na tingin muna ang ibinigay niya kay Charlie. "A

