"Boss nakaluto na ko kain na tayo," Tumayo si Wes sa pagkakaupo nang madinig ang sinabi ni Roz. Kanina pa kumakalam ang tiyan nya dahil naaamoy nya ang tinolang niluluto nito. Bigla syang may naalala sa tinolang iyon pero agad din nyang iwinaksi sa isip ang imahe ng babaeng pumapasok sa utak nya. Pero kahit anong waksi nya ay pilit pa rin itong bumabalik sa isipan nya. Kamusta na kaya ito ngayon? Kamusta na ang pag-aaral nito sa Hamilton? Nagtagal kaya ito at si Drake? May kumirot sa puso nya nang maisip ang mga ito. Kinalabit sya ni Roz kaya sya natauhan sa pag-iisip. "Ang lalim na naman ng iniiisip mo boss, kain na!" anito sa kanya at pinagsandok na sya nito ng kanin. "Thanks," sambit nya kay Roz at kumain na silang dalawa. Wala silang imik pareho hanggang sa tumayo na ito at nag

