Napasinghap si Deveraux nang pumarada ang sasakyan ni Drake sa Hailey's Bar and Grill kung saan sila kinukulit ni Charie na pumunta kanina. Tiningnan nya si Shane na busy sa pagkalikot ng cellphone nito. "Baba na nandito na tayo," untag nya dito kaya napaangat naman ito ng tingin. Napangiti ito pagkakita sa lugar. "Alright let's party!" sigaw ni Shane. Agad nya itong siniko. "Huwag ka ngang maingay," saway nya sa kaibigan. Ngumuso lang ito dahil sa ginawa nya. "Ano ba Dev ang KJ mo," sermon nito sa kanya. Nauna ng bumaba si Drake at Charie at hinihintay sila ng mga ito na makababa sa sasakyan. Bumaba na sila ni Shane at lumapit sa mga ito. Pansin nya na parang nag-aalala si Drake sa kanya, kanina pa ito pasulyap-sulyap sa kanya at nababasa nya ang nasa isip nito. Iniisip pa din nit

