*DRAKE's POV* Bitbit ko ang masayang balita habang nagmamaneho ng sasakyan patungo sa bahay nila Deveraux. Wala ako sa school buong maghapon dahil may mga inayos ako. Hindi tuloy kami nagkita kaya pinasya ko na magpunta na lang ngayon sa bahay nila. Sigurado naman ako na nakauwi na sya ngayon at kung hindi man ay hihintayin ko na lang ang pagdating nya. Nang makarating ako kila Deveraux ay ipinarada ko kaagad ang sasakyan at bumaba doon. Patakbo kong tinungo ang bahay nila. Nakabukas ang pintuan at naabutan ko si Deveraux na nagtatanggal ng sapatos. Mukhang kadadating lang nya. Napangiti ako pagkakita sa kanya. "Deveraux," tawag ko sa pangalan nya at puno ng pagtatakhang lumingon sya sakin. "Sir Drake?!" gulat na sambit nya. Nakalimutan na naman nya na ayokong tinatawag nya kong Sir.

