*PAUL's POV* Ilang araw na din ang lumipas buhat ng malaman namin ang katotohanan. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari. Tangina! Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ni Cadvinn ang bagay na 'yon. Halos magkapatid na sila ni Brenda at sobrang close nila sa isa't isa. Siguro nga ay dahil sa sobrang pagmamahal kaya nya nagawa ang bagay na iyon. Matinding hiya din ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nagawa namin kay Wes, muntik pa namin syang patayin at paulit-ulit namin syang pinahihirapan dahil pinagbibintangan namin sya. Kaya pala noong mga araw na nakakasama namin si Cadvinn, hindi namin sya makausap ng maayos. Dinadala na pala nya iyon, iniisip ko tuloy kung nakakaramdam kaya sya ng kunsensya pagkatapos ng mga pangyayaring iyon? Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon ni Brando

