Ilang beses na akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Heto na naman ako, nabobored na naman. Maaga kasi kami natapos ng tutor ko. Nakalipas na ng isang oras ay wala pa rin akong maisip kung ano ba ang pwedeng gawin. Hapon palang at paniguradong nasa Opisina pa si Russel, abala sa kaniyang trabaho. Ilang araw nang nakalipas ay maaliwalas na ulit ang bahay, buhat nang nalaman namin na may baby pa sa sinapupunan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi pa rin kami iniwan nito kahit wala na ang kaniyang kakambal. Ilang beses na rin ako nagpapasalamat sa kaniya.
Napahiyaw ako sabay ginalaw-galaw ko ang mga braso't binti ko habang nakahiga sa kama ng Master's bedroom. Hindi ko na kaya! Gusto ko nang may magawa! Sumagi sa isipan ko na ano kaya kung sunduin ko kaya si Russel? Tapos, ipagluluto ko siya? Sinuntok ng isang kamao ko ang aking palad, tama! Ganoon nga ang gagawin ko.
Mabilis akong bumangon at umalis sa kama. Lumabas ako sa Master's bedroom para daluhan ng Kusina. Maingat akong bumaba sa hagdan. Dobleng ingat ang ginagawa ko dahil ayokong mawaa ang baby. Ayokong maulit na naman ang trahedya na nangyari. Sapo-sapo ako sa aking tyan habang nababa. Pagkatapos ay pinuntahan ko ang Kusina na naabutan ko ang cook doon na mukhang abala sa kaniyang ginagawa. May mga hinihiwa siyang sangkap. Ngumuso ako. Humakbang pa ako palapit sa kaniya. Lumingon siya sa akin. Medyo nagulat pa siya nang makita niya ako.
"Ma'm Jelly..." mahinang tawag niya sa akin.
Ngumiti ako saka tumingin ako sa mga sangkap na kaniyang hinihiwa. "Ano pong niluluto ninyo?" magalang kong tanong.
Sinundan niya iyon ng tingin. "Ah, magluluto po ako ng sweet and sour pork at wonton dumplings, Ma'm Jelly."
Mas malapad ang ngiti ko. "Tutulong po ako sa pagluluto." bumaling ako sa kaniya. "Ayos lang po ba?"
Alangan siyang ngumiti sa akin. "Naku, k-kaya ko naman po, Ma'm..."
Mabilis akong umiling. "Gusto kong tumulong, please? Gusto kong matuto magluto ng mga chinese food." pero hindi mawala ang matatamis kong ngiti.
Sa huli ay wala na siyang magawa. Hinayaan nalang niya akong tumulong sa kaniya sa pagluluto. Kinuha ko ang wonton wrapper at giniling na baboy na may mga seasonings na. Nag-eexcite akong gumawa. Pagkatapos kong gawin na hugis-bilog ang giniling ay ibinalot ko iyon sa wonton wrapper, tulad ng instruction sa akin ng cook. Mas nag-eenjoy pa ako sa ginagawa kong ito habang nakaupo ako sa high stool.
Pagkatapos kong gumawa ng wonton dumplings ay sunod ko naman ginawa ay ma po tofu. Napag-alam ko na puros mga tradisyonal at sikat na pagkain sa China ang mga pagkain na ginagawa namin ngayon. Nalaman ko na din sa cook namin na head cook daw ang kaniyang ina ng mga Hochengco (hanggang ngayon din naman). Nakuha lang siya ni Russel dahil alam nito ang tradisyonal na pagkain ng pamilya. Natuwa naman ako sa mga nalaman ko. Marami din pala akong hindi alam sa pamilyang Hochengco. Nasabi din niya sa akin na hindi pupwedeng mawala ang mga tradisyonal na pagkain na ito. Talagang inaalagaan nila ang tradisyon at kultura na meron ang pamilya na ito.
"Ma'm Jelly, may mga bisita po..." rinig ko mula sa isa sa mga maid nang napadpad siya dito sa Kusina.
Tumigil ako sa paghiwa ng tofu. Tumingin ako sa pinto. May mga sumunod sa maid. Apat sila. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko dahil narito sila sa hindi ko malaman na dahilan.
"Jelly!" malakas na tawag sa akin ni ate Laraya.
"Ate Laraya... Ate Inez... Ate Naya... Ate Tarrah..." nagtatakang tawag ko sa kanila. Marahan kong binitawan ang kutsilyo, ipinatong ko iyon sa counter at umalis ako mula sa pagkaupo ko sa high stool. Dinaluhan ko sila. "Ano palang sadya ninyo? Wala po dito si Russel..."
Bigla ako kinabahan nang nagbago ang hitsura nina ate Laraya at ate Tarrah. Napangiwi naman sina ate Naya at ate Inez na parang may babala. I saw ate Laraya and ate Tarrah gritted their teeth. Para bang galit sila. Hala, may ginawa ba akong masama sa kanila?
"Kailangan mong sumama sa amin, Jelly!" malakas na sabi ni ate Laraya.
Pakurap-kurap akong tumingin sa kanila. "B-bakit po?"
"May lumalandi sa asawa mo!" si ate Tarrah naman ang sumagot. Humalukipkip siya saka hinilot-hilot ang kaniyang sentido. "Kung makita mo ang ginagawa ng babaeng 'yon, paniguradong manggagalaiti ka din sa galit."
"Tama! Tama!" segunda pa ni ate Laraya. Kinuyom niya ang kaniyang kamao. Diretso siyang tumingin sa akin. "Mas mabuting pigilan mo ang babaeng haliparot na 'yon hangga't maaga pa!"
Nanatili akong nakatitig sa kanila. "Ano po bang histura ang babae?" kalmado kong tanong.
Natigilan sina ate Laraya at ate Tarrah. Nagkatinginan silang apat na parang hinihingi nila ang kasagutan sa mga tingin na iyon. Pagkatapos ay bumaling sila sa akin. "Sexy," si ate Inez ang sumagot.
"Mukhang pornstar!" bulalas ni ate Laraya.
Natigilan ako. Napangiwia ko nang marinig ko ang bagay na 'yon. "Mukhang pornstar?" ulit ko pa.
Sabay-sabay silang tumango.
"Si Joga." matigas kong sambit.
"Joga?" sabay nilang ulit.
Tumingin si ate Laraya kay ate Tarrah. "Joga ba pangalan n'on?" sunod siyang bumaling kay ate Naya. "Joga ba?"
Nakangiwing nagkibit-balikat si ate Naya. "Pagkaalam ko, hindi Joga ang pangalan niya." aniya habang nakatingala siya sa kisame habang nasa pang-ibabang labi niya ang hintuturo niyang daliri. "Sa pagkakatanda ko, binanggit sa akin ni Keiran na Jennet Kepple ang pangalan nito. Fil-Am. Anak ng isa sa mga investors..." tumingin siya nang nakangiwi. "Crush na crush daw nito si Russel." at nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.
"Ha!" biglang bulalas ni ate Tarrah. "Sabi na, eh! Kaya pala nilalandi si Russel kasi crush niya ang asawa mo, Jelly! May dahilan naman pala talaga para sugurin ang haliparot na 'yon! Malandot siya!"
Ako naman ang nakangiwi. "Baka magalit sa akin si Russel kung susugurin ko ang babaeng joga na 'yon, kung sakali." mahina kong sambit.
"Asawa ka niya, Jelly! Legal pa nga! Kung gusto mo, dalhin mo ang marriage contract at isampal mo sa babaeng 'yon para matauhan na mali ang nilalandi niya!" segunda pa ni ate Laraya. "Sa panahon ngayon, ang babae na ang nambabakod sa asawa!"
"Teka, Laraya, Tarrah... Buntis si Jelly. Hindi ba?" paalala ni ate Inez sa kanila.
Pareho sila natigilan nang napagtanto nila kung ano ang kalagayan ko ngayon.
Kumawala na ako ng malalim na buntong-hininga. "Sige, sasama po ako sa inyo." bigla kong sabi.
"Ha? Jelly, buntis ka. Baka may mangyari na namang masama sa iyo. Kami na ang malalagot kay Russel niyan." wika ni ate Naya na may pag-aalala.
"Hindi naman ako susugod. Titingnan ko lang kung ano ang gagawin ni Russel sa oras na nilalandi siya ni Joga." nakangiting pahayag ko. Bumaling ako sa cook upang magpaalam sa kaniya na hindi ko matatapos ang maghiwa ko sa mga tofu. Wala naman daw problema sa kaniya, siya nalang daw ang tatapos. Nagpasalamat ako't hinubad ko na ang suot kong apron at ipinatong iyon sa bar counter ng Kusina. Dumiretso ako sa Master's Bedroom para magpalit ng damit.
Malaki ang tiwala ko kay Russel. Noong una ko sila nakita ng babaeng iyon, kitang kita ko kung papaano lumalayo si Russel sa kaniya. Kita ko kung papaano siya naasiwa nang niyakap ni Joga ang braso niya. Mahahalata naman na hindi tipo si Russel na papatol sa babaeng iyon.
Paglabas ko ng kuwarto ay nakaabang sila sa akin. Simpleng floral dress at doll shoes ang suot ko dahil sa buntis nga ako. Inaalalayan nila ako hanggang sa nakalabas kami ng bahay. Maingat nila ako isinakay ng sasakyan. Sa backseat ako sumakay, napapagitnaan ako nina ate Laraya at ate Tarrah. Si ate Naya ang nagdadriver, habang katabi naman niya si ate Inez. Hindi ko akalain na mas maingay sila kaysa sa inaasahan ko. Nakakatuwa lang dahil hindi ako out of place kapag may mga topic sila.
**
Nang nakarating na kami ng Tung Xiao na nasa bandang BGC, na nabanggit sa akin ay si kuya Keiran daw ang sunod na mag-mamanage nito sa oras na bumitaw na daw si Sir Damien Ho sa kaniyang pwesto bilang CEO. Si kuya Keiran daw ay kasalukuyang Chief Operating Officer, si ate Carys naman ay ang President. Nagtatrabaho naman dito si Russel bilang Chief Financial Officer pero independent share holder sa mga ibang kumpanya, si ate Nemesis naman ay Chief Technology Officer.
Lumabas kami ng sasakyan. Nakasunod lang kami ni ate Naya, binabantayan niya daw ako para hindi daw ako mapaano habang naririto kami sa Tung Xiao hanggang sa nakapasok na kami sa elevator dahil nasa basement ang Parking Lot ng kumpanya. Hindi na rin masama, para mabilis din kami makapasok sa loob.
Naghintay kami ng ilang saglit hanggang sa nagbukas na ang pinto ng elevator. Tumambad sa akin ang mga abalang empleyado ng gusali na ito. May mga kani-kaniya silang gawa. Sa totoo lang ay ngayon palang ako nakarating sa loob ng gusali na ito. Ni minsan ay hindi pa ako dinadala ni Russel dito. Naiitindihan ko naman. Trabaho ang ipinunta niya dito, hindi ito Luneta.
Umupo kami sa couch na naririto lang sa Lobby. Si ate Naya ang dumalo sa reception para daw magtanong.
"Tamang-tama, may annual meeting sila ngayon. Magkakasama ang mga Hochengco, mga Chua at iba pang kasosyo nila sa negosyo." nakahalukipkip na wika ni ate Tarrah. "Matatapos na din siguro 'yon."
"At siguradong narito din ang babaeng iyon." malamig na saad ni ate Laraya. "Miss ko na si ahma. Alam kong narito din siya sa building na ito." saka bumungisngis siya.
Hindi rin nagtagal ay bumalik na si ate Naya na nakangiti. Umupo siya sa tabi ni ate Inez. "Malapit na daw matapos ang Annual meeting. Ginugutom ba kayo? May Coffee Shop sa tabi ng building na ito. Pupuwede tayong tumambay doon kung gusto ninyo..." suhesyon niya.
"Mamaya na tayo kumain, Naya. Matatapos na din naman ang meeting nila." nakangising sabi ni ate Inez.
Habang tumatagal ay medyo hindi lang ako mapakali dahil napapansin kong pinagtitingnan kami ng ibang empleyado dito sa Lobby. Ang iba pa sa kanila ay hindi makapaniwala. Ano bang meron sa mga kasama ko at ganito sila makatingin? Para hindi ko na maramdaman pa ito ay pinili ko nalang na yumuko habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri. Abala pa rin sa pagkukwentuhan ng mga kasamahan ko. Tinatanong nila ako ay nagagawa ko pa rin sagutin iyon, pagkatapos ay tatahimik ulit ako.
"My moon!" isang pamilyar na boses ang pumukaw ng aming atensyon. Nang tingnan namin ang pinanggalingan ng boses na iyon ay tumambad sa amin si kuya Kalous na malapad ang ngiti.
Sabay kaming tumayo. Walang sabi na niyakap ni kuya Kal si ate Tarrah sabay dinampian niya ito ng halikan sa sentido. "PDA ka talaga kahit kailan, Kalous. Umayos ka nga't nasa public tayo." pagtataray ni ate Tarrah.
"Hi, my kitty!" nakangising bati ni kuya Suther sabay yapos sa bewang ni ate Laraya. "Bakit kayo napagawi dito? Miss mo na ako?"
"Hindi ikaw ang sadya ko, Suther. May hinahunting kami." nakasimangot na sabi ni ate Laraya. "Araw-araw tayong nagkikita sa iisang bubong buhat ikinasal na tayo, miss pa rin?"
Humalakhak si kuya Suther. "Baka lang naman."
"Hi, ganda..." malambing na bati ni kuya Vladimir kay ate Inez. "I miss you."
Nakangiti lang si ate Inez.
"Hoy, Owen! Halika rito!" malakas na tawag ni kuya Kalous. Bumaling ako sa direksyon na iyon. May isang lalakki na hindi ako pamilyar. Hindi ko siya gaano kilala. Kasama niya ang iba pang pinsan ni Russel. Lumapit sila sa amin. "Nga pala, Jelly. Siya pala ang third cousin namin na nagsabi kay Keiran na nabuntis ka ni Russel. Kilala niya ang kaibigan mo na si Jaz."
Umawang ang bibig ko sa sinabi ni kuya Kal. Siya pala ang tinutukoy ni Jaz na si Owen Ho?!
"Owen, siya pala si Jelly, ang kaibigan ng iniibig mong si Jaz." humahalakhak na sambit ni kuya Suther.
"f**k you, cous." natatawang sambit ni kuya Owen. Bumaling siya sa akin sabay lahad ng kaniyang palad sa akin. "It's nice to meet you, Jelly. Hope you're now okay."
Dahan-dahan akong tumango. "Same here po. Kamusta na pala si Jaz?" hindi ko mapigilang itanong iyon dahil wala na akong nakuhang balita mula sa kaibigan ko.
Kita ko na nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha nang banggitin ko ang pangalan ni Jaz. Nababasa ko ang kalungkutan sa kaniyang mga mata. Bakit? Anong nangyari at ganoon ang naging mukha niya? May problema ba sa kanilang dalawa? May nangyari bang hindi maganda?
"Magkalaban ang pamilya ni Jaz at ang pamilya na ito, Jelly." malungkot na bulong ni ate Inez. "Ipinakulong step-grandmother ni Jaz si Owen sa maling paratang."
Natigilan ako sa sinabi niya. Napasapo ako sa aking bibig. Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa kaibigan ko! Na ganito pala ang sinapit nilang dalawa! Pero...
"Tito Damien!" rinig kong pagkataranta sa boses ng magpipinsan nang marinig ko na binanggit nila ang pangalan ng tatay ni Russel!
Bumaling ako sa direksyon kung nasaan si Sir Damien Ho. Naglalakad ito patungo sa kinaroroonan namin. Nasa likod ang mga kamay nito. May dalawang lalaki na naka-itim na amerika na nakasunod sa kaniya. Tumango siya nang binati siya ng magpipinsan. Napalunok ako't biglang naghuramentado ang puso ko dahil sa kaba. Kahit sa kasal namin ni Russel ay wala siya kaya ganito ang kaba ko ngayon.
"Miss Jelly Doroteo," pormal niyang tawag sa akin.
Diretso siyang nakatingin sa akin. "Can I talk to you?"
Parang tumigil sa pagtibok ang aking puso. Oh s**t, Russel... Nasaaan ka na ba?