chapter sixteen

2049 Words
Hindi ko maitanggi ang kalungkutan nang nakalabas na ako mula sa sasakyan. Nasa tapat na kami ng bahay ni Russel. Bumaling ako sa kaniya na kinukuha niya ang mga gamit mula sa backseat. Hindi rin niya maitanggi ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Bakit sa tuwing nakikita ko na ganoon siya kalungkot, pinipiga ang puso ko? Right, I am the one who made him this way. Ako ang dahilan kung bakit nakaramdam siya ng kalungkutan ngayon. Kasalanan ko, bakit nawala ang magiging anak namin. Kung nakinig ako sa kaniya, nasa tyan ko pa rin ang baby namin. Kung dati, maaliwalas ang bahay pagkapasok, ngayon ay umiiba na. Kahit dito ay ramdam mo ang kalungkutan. Sumasabay sila sa negatibong nararamdaman namin ngayon. Pagtuntong namin sa Master's bedroom ay nanatili pa rin kaming tahimik ni Russel. Naiitindihan ko naman siya kung bakit hindi siya nagsasalita kahit isa. Wala akong balak na kulitin siya, bibigyan ko muna siya ng espasyo para sa aming dalawa. Umupo muna ako sa gilid ng kama at inilapat ko ang aking tingin sa saihig. Hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya na tulad ng ginagawa ko dahil nahihiya ako. Rinig ko ang pagsara ng pinto ng silid na ito at nag-uumpisa na naman namuo ang mga luha sa aking mga mata. Kinagat ko ang aking labi, sinisikap ko na hindi ako makalikha ng ingay ngunit bigo ako. Humagulhol ako ng iyak. Sumubsob ako sa kama. Palakas nang palakas ang aking iyak. Ilang beses ko isinisiksik sa isipan ko na kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin. Sinsisi ko ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko. Wala akong kwentang ina! Wala akong kwentang asawa! Hindi ako naging mabuti para kina Russel at sa anak namin! ** Nagising ako ay gabi na. Pagbangon ko ay napagtanto ko na wala si Russel sa silid na ito. Sumulyap ako sa wall clock. Alas nuebe na pala ng gabi. Lumagpas na ako sa oras na dapat ay dinner na, pero wala pa rin akong ganang kumain. Umalis ako sa ibabaw ng kama. Dumungaw ako sa bintana ng Master's bedroom. Natatanaw ko doon si Russel na nakaupo sa coffee chair. Nakadikit ang mga palad niya at mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Napasapo ako sa aking dibdib. Umukit na naman ang kalungkutan sa aking mukha ng mga oras na ito. Ilang saglit pa ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Umalis na ako sa may bintana at binabalak ko nang lumabas sana para puntahan si Russel pero pinangunahan ako ng takot kaya ang ginagawa ko nalang ay matuog nalang ulit. Nagising ako mga ala una nang madaling araw. Nakaramdam ako ng gutom. Bumungad sa akin si Russel na mahimbing na natutulog sa aking tabi. Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi nang masilayan ko siya. Nagpapasalamat pa rin ako dahil nagawa niyang matulog sa aking tabi kahit na may kasalanan ako. Nagpasya na akong umalis sa ibabaw ng kama. Maingat upang hindi ako magising si Russel. Maingat ko din isinaara ang pinto ng kuwarto. Dumiretso ako sa Kusina. Dinaluhan ko ang ref at binuksan ko iyon. Naghanap ako kung ano ang pupwedeng kainin hanggang sa nakita ko ang pares sa isang lalagyan. Umawang aking bibig nang makita ko iyon. Nakatitig ako ng ilang segundo. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ko na naman ang sarili ko na maluha o maiyak. Pero sa huli ay nagawa ko pa rin siyang kunin at inilabas sa ref. Ininit ko siya at kumain ako. Nagpasya akong kumain sa bar counter. Kahit na pinipiga ang puso ko ay sinisikap ko pa ring kumain. Ramdam ko na din ang mga kumawalang luha at marahas iyon umagos sa aking pisngi. "Jelly," Tumigil ako sa pagkain nang marinig ko ang boses ni Russel sa hindi kalayuan. Lumingon ako. Kita ko ang seryoso niyang mukha na mukhang pinapanood niya ako. "Russel..." Huminga siya ng malalim at humakbang siya palapit sa akin.Hindi ko lang inaasahan na magawa pa niya akong tabihan dito sa bar counter. "How's your feeling?" Yumuko ako. Tumitig lang ako sa pares na nasa harap ko. "Masakit pa rin." pag-amin ko. Inilapat ko ang mga labi ko. Damn, ayoko nang umiyak! "Sorry," bgila niyang sabi na ikinagulat ko. Bumaling ako sa kaniya. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko. Pinisil niya iyon na para bang ayaw niyang bitawan ito. "Sorry kung hindi kita makausap o malapitan. I considerate your feelings too, Jelly." "Russel..." Marahan siyang pumikit at idinikit niya ang palad ko sa kaniyang mukha, na para bang dinadama niya iyon. "Umiiwas lang ako sa away, Jelly. Binibigyan lang kita ng space para makapag-isip tayo pareho nang tama at kung ano ang mga dapat pa nating gawin. We need to move forward. Tingin ko ay 'yon ang gusto mangyari ng baby natin..." dinampian niya ng maliit na halik ang aking kamay. "Ilang beses ko pinag-isipan kung bibitaw na ba ako, Russel." hindi ko na mapigilang humikbi sa harap niya. Kita ko kung papaano siya nagulat sa sinabi ko. "Ilang beses ko sinsisi ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi rin dahil sa katigasan ng ulo ko, hindi mangyayari ito... Kung hindi dahil sa akin, hindi tayo malulungkot tulad ngayon..." "Jelly..." Pumikit ako ng mariin. "Habang nasa byahe tayo papauwi, ilang beses naglalaro sa isipan ko na dahil nga ba sa bata kung bakit ka nananatili sa akin, Russel? Kung bakit nagawa mo akong panagutan at pakasalan?" "Jelly, what are you talking about?" naiiling-iling siya na tila naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ko. "Kaya mo ba ako minahal dahil lang sa may anak ka sa akin?" Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "Bakit nagagawa mong sabihin ang mga bagay na ito, Jelly? Bakit ganyan ang mga pinag-iisip mo?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. "Kung hindi kita mahal, hindi kita papakasalan. Kahit hindi man kita nabuntis, papakasalan pa rin kita!" "Russel..." "Nasaktan man ako dahil nawala ang anak natin, hinding hindi ako nagsisisi na inalagaan ko kayo." basag na ang boses niya. Mas humgpit ang pagkayakap niya sa akin. "Dahil sa inyo ko naramdaman na may mauuwian ako. Na kayo ang dahilan kung bakit sumisikap ako. Sa inyo nalang ako kumakapit, Jelly!" sinubsob niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking panga at balikat. "At kahit kailan, hinding hindi ako nagsisisi na nakilala at minahal kita, Jelly. So please, don't ever tell these words again, it's killing me, sweetheart." "I'm sorry..." garagal kong sambit. Kumalas siya mula sa pagkayakap niya sa akin. Hinawi niya ang takas kong buhok. Isang mapait na ngiti ang iginawad niya sa akin. "No, I should be the one who say sorry. Dahil mali ang ginawa ko. Hinayaan ko na makapag-isip ka ng mga ganitong bagay." masuyo niyang idinikit ang noo niya sa noo ko. "I love you, Jelly. I love you..." Pumikit na din ako upang madama ko pa siya. Ramdam ko ang mainit niyang palad na nakasapo sa isa kong pisngi. "Mahal din kita, Russel." humihikbi kong sambit. "Huwag kang mag-alala, nahanap na namin ang mga walanghiya na nanakit sa iyo." dagdag pa niya saka inilayo niya ang kaniyang mukha mula sa akin. Nagtama ang mga tingin namin. "Nahuli na din siya nina Vladimir ar Keiran ahia. Nakakulong sila ngayon." Napasapo ako sa aking bibig nang marinig ko sa kaniya ang balita na iyon. "R-Russel..." "You are my wife, Jelly. And I'm here to protect you, to fight for you. And I swear, I will be merciless if someone's trying to mess with you." namamaos niyang sambit. "I will never forgive those bitches, Jelly. Never. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang anak natin. Ginagawa ko lang ito dahil kailangan ninyo ng anak natin ng hustisya." Nanatili akong tahimik. Sa mga binitawnang salita ni Russel, tila hinahaplos ang puso. Pumikit ako't isindandal ko ang sarili ko sa kaniya. "Dito nalang ako sa bahay, Russ. Dito ko nalang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko... Para hindi ka na mag-alala pa." Ramdam ko na muli niya akong niyakap. Hinahaplos niya ang aking buhok at dinampian niya iyon ng halik. "Huwag na huwag mo nang iisipin pa ang mga bagay na iyon, Jelly, please... Ni minsan, hindi ko pinangarap na iwan ka." ** Dalawang linggo nang nakalipas ay abala na ako sa pag-aaral. Kahit home school ito. Umiiwas na din ako sa gulo. Ayokong pinagpipiyestahan ako sa harap ko. Hindi dahil sa duwag ako, nasasaktan lang kasi ako dahil na rin sa nangyari sa anak ko. Pero pilit ko pa rin maging focus sa ginagawa ko, kahit aminado akong nabobored ako pagkatapos ng klase ay nag-iisip ako ng pupwede kong gawin habang naghihintay ako sa pag-uwi ni Russel. Kaya ang madalas kong ginagawa ay nagse-search ako sa youtube o sa internet ng mga bagay-bagay. Minsan pa nga ay nanonood ako ng mga k-drama, tv series, minsan mga vlog pa. Natutuwa ako sa mga travel vlog. Hanggang sa napadpad ako sa mga maggawa ng mga cupcakes o anong pagkain. Bigla ako natakam, para bang gusto ko ito agad. Dahil d'yan ay naghanap ako ng mga bake shop na pupwede kong bilhan. Nagpadeliver na din ako, mabuti nalang ay mabilis ang serbisyon ng naturang bake shop. Pero nakakaramdam na naman ako ng hilo at panghihina. Madalas na naman akong inaantok. Minsan pa nga ay inaaway ko si Russel sa mababaw na dahilan. Parang naglilihi ako. Ano ba itong nangyayari sa akin? Namimiss ko ba ang baby ko kaya umaakto akong buntis kahit hindi naman na? Madalas akong inatake ng morning sickness ko. Kahit si Russel ay nagtataka na sa nangyayari sa akin. Pansin ko na mas tumataba ako. Hindi na kami nagdalawang-isip na pumunta sa OB para magpacheck up. Baka may problema na sa akin kaya ganito ang nararamdaman ko. Bigla tuloy ako kinabahan. Habang nagpapaliwanag ako sa OB kung saan kami nagpapatingin ni Russel ay napapansin ko ang pagtango nito na para bang naiitindihan niya ang ibig kong sabihin, Kahit si Russel ay nag-aalala na sa akin kaya gusto niya akong samahan. Pagkatapos alamin ng OB ang mga sintomas ay sinabi niya sa akin na mas maganda kung dinaan daw sa ultrasound para makompirma ang kaniyang iniisip. Mahigpit ang pagkahawak ko sa kamay ni Russel habang nakatingin kami pareho sa screen ng ultrasound. Panay rinig ko sa OB ko na magpakita na daw ang tinutukoy niya, wala man ako naiitndihan pero mas lalo umahon ang kaba sa aking sistema. Hanggang sa pareho kami natifilan ni Russel nang may naririnig kaming t***k ng puso na madalas kong naririnig noong nagpacheck up ako. "I knew it, Mr. And Mrs. Hochengco." nakangiting sambit ni OB sa amin. "You have a hidden twin." "H-hidden twin?" ulit namin ni Russel. Mas lumapad pa ang kaniyang ngiti at tumango siya. "Yes, actually, there were several mothers that said one of their twins was hiding and didn't show up until much later in ultrasounds. They weren't discovered until eighteen to twenty two weeks." paliwanag niya. "Well, madalas talaga na magkakaroon ng ganitong kaso habang nas first trimester ng pagbubuntis. Depende pa rin kung anong klaseng pagbubuntis..." Focus na focus ako sa pagpapaliwanag niya. Kahit na gulat pa rin kami ni Russel ay hindi ko pa rin maiwasang hindi maexcite! "Hidden twins are common ni mono-amniotic pregancies, na iyon ang nangyayari sa iyo, Mrs. Hochengco. This pregnacies in which the babies are located in the same amniotic sac. Ang first baby mo ang madalas natin nakikita, but the second twin that is hidden on a early ultrasound... May mga kaso na hindi alam ng mag-asawa o ng nanay na magkakaroon sila ng kambal hanggang sa ipapanganak na nila ito." dagdag pa niya sa kaniyang paliwanag. Napasapo ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala. Ang buong akala namin ni Russel, isa lang ang dinadala ko. Dalawa pala sila! Hindi man nakasurvive ang isa, may naiwan pa pala para sa amin. At ito, ang kakambal niya na nagtatago lang at hinihintay na mapansin siya! Hindi ko mapigilang mapaluha sa magandang balita na ito. Nagyakapan kami ni Russel dahil sa galak! Ang buong akala namin, tuluyan na kaming maging miserable dahil nawalan kami ng anak. "Thank God, you survived..." naiiyak kong sapo sa aking tyan. Ipinapangako ko, na mas iingatan kita, anak. Iingatan ka namin. Isa kang biyaya pa ra akin, sa amin ng dadddy mo. Idinapo naman ni Russela ng kaniyang palad sa aking tyan. Hindi niya rin mapigilang mapaluha. "Thank you, hindi mo kami iniwan, anak..." basag ang boses niya habang nakatingin siya sa aking tyan. "Congratulations, Mr. And Mrs. Hochengco." nakangiting bati ng OB sa amin. Hindi mo alam, anak. Kung gaano mo kami pinasaya ng daddy mo. Sobrang saya kami nang nagpakita ka na sa amin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD