Pagkatapos namin mag-usap ni kuya Keiran at kuya Vladimir ay nagpaalam na ako sa kanila na kinakailangan ko nang pumasok sa susunod kong subject. PInayagan naman nila ako makaalis. Kaya naman daw sila napadpad sa Unibersidad ay dahil sila ang pagpirpisinta na dapat ay mga magulang nila dahil kasali din pala sila bilang board member. Hindi na rin ako nagtataka dahil madali rin para kay Russel na makapasok dito bilang proctor kahit part time man iyan.
Abala pa rin ako sa pakikinig sa klase. Sa totoo lang, wala talaga sa klase ang atensyon ko. Nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong gawin pagkauwi? Tulad ng sabi ni kuya Keiran, itindihin ko naman si Russel. Unti-unti nanumbalik sa aking isipan ang mga alaala. Simula na nagkakilala kami hanggang sa ikinasal kami. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Marahil ay tama nga si kuya Keiran. Pinoprotekatahan lang kami ni Russel. Natatakot siya sa anumang mangyari sa amin ng magiging anak namin. Narealize ko na may pagkukulang din ako bilang asawa niya—hindi ako nakinig. Hindi ko man lang pinakinggan ang side niya. Mas iniisip ko ay ang sarili ko. Masyado lang ako eager sa pag-aaral at makapagtapos. Sa maikling panahon na iyon ay hindi ako naging asawa at ina.
Lihim ako ngumiti. Nagkapagpasya na ako. Kakausapin ko mamaya si Russel tungkol dito. Magsosorry din ako sa kaniya at papayag na ako sa magiging desisyon niya para sa akin. Mas maigi ngang maghohome study ako. Mag-iisip nalang ako ng paraan kung ano ba ng pupwedeng gawin sa bahay kapag tapos na ako sa home study kung sakali. Kakausapin ko din ang ibang proctor tungkol dito. Sana ay mapagbigyan nila ako.
Pasimple kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking blazer. Nagtipa ako ng mensahe para kay Russel.
TO RUSSEL : Kita nalang tayo sa Parking Lot pagkauwian, ha? I love you!
Pagkatapos ay pinindot ko ang send. Muli ko ibinalik sa bulsa ng blazer ang aking cellphone.
Pagkatapos ng klase ay hindi muna ako dumiretso sa Parking Lot kung nasaan naghihintay si Russel ay tiyak hinihintay na ako ng isang iyon. Hawak ko ang folder na naglalaman ng assignment na nakalimutan kong ipasa ngayong araw. Dumiretso ako sa Faculty Room para ibigay sa proctor ang aking takdang aralin. Nagpasalamat ako bago ko tuluyang nilisan ang Faculty Room. Bumalik ako sa classroom para kunin na ang mga gamit ko. Subalit, hindi ko inaasahan na madadatnan ko sa silid na ito ang tatlong babae, kabilang na doon si Lora! Wala na ni isa sa mga kaklase ko dito!
Ano naman ang ginagawa nila dito?!
Mula sa pagkasandal niya sa arm chair ko ay humalukipkip siya't tumingin nang diretso sa akin. Naglilisik ang mga mata niya dahil sa galit na wala naman akong ginagawang masama. Bakit ba ang init ng dugo ng isang ito sa akin? Dahil ba sa nagawa ko siyang sagutin dati? Ano?
Umayos siya ng tayo ngunit nanatili pa rin siyang nakahalukipkip, gayon din ang kaniyang mga kasama. Humakbang siya palapit sa akin. "Anong kailangan mo, Lora?" walang alinlangan kong tanong sa kaniya.
"Ikaw ang kailangan ko." matigas niyang usal ngunit ganoon, nanatili pa rin ganoon ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Galit na galit. "Sabihin mo, kaanu-ano mo ang mga Hochengco, ha?"
Hindi ko magawang magsalita. Ayoko namang sabihin na malaki ang koneksyon ko sa kanila dahil ayokong isipin nilang nababaliw na ako o ano. Oo, alam kong ang bawat myembro ng pamilya na iyon ay mahirap abutin. Hindi sila basta-batas malalapitan. Ayoko ding baliw ang tingin nila sa akin o kaya ay nangangarap akong gising.
Itinikom ko ang aking bibig at balak ko na sana siyang lagpasan pero tagumpay niyang nahuli ang isa kong braso. Marahas niya akong ibinalik sa kaniyang harap. "Bakit ayaw mong sagutin, ha?!" nanggagalaiti niyang tanong.
"Hindi ko responsibilidad na sagutin ang bawat tanong mo, Lora." matapang kong sagot.
Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Tila napikon pa siya sa sinabi ko. Walang sabi na sinugod niya ak't hinablot ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit. Pilit ko man manlaban pero hawak ako ng mga alipores niya. Halos tutulo na ang luha ko dahil sa sakit.
"Bitawan ninyo ako!" malakas kong sabi.
Ni isa sa kanila, walang balak na pakinggan ako. Ang masama ay may tumadyak sa sikmura ko. Napasinghap ako dahil sa sakit. Ang akala ko ay sapat na iyon para tigilan na nila ako, ngunit nagkamali pa ako. Hinampas nila ako sa armchair at tinamaan ang tyan ko. Namilit ako sa sakit. Nanghihina akong bumagsak sa sahig.
Nakangisi na animo'y isang demonyo si Lora habang papalapit siya sa akin. "Ano ka ngayon? Akala mo, kaya mo ako, ha?" maangas niyang sabi sa akin.
Pinagpapawisan na ako ng malamig. Nanginginig ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko magawang magsalita dahil mas iniisip ko ang anak ko sa sinapupunan ko.
May pahabol pa siya na sinipa niya ako sa tyan. Napahiyaw ako dahil sa sakit. Napasapo ako sa aking tiyan. Balak pa akong saktan niya ulit ngunit pinigilan siya ng isa sa mga kasamahan niya.
"Lora! Tama na!" nanginginig ang boses nito.
"Ano bang problema mo?!" galit na sigaw niya sa kaniyang kasama.
"M-m-may d-d-dugo..." natatakot nilang sagot sabay turo nila kung nasaan ang dugo na tinutukoy nila.
Kita ko kung papaanong namutla si Lora nang sinundan niya iyon ng tingin. Nanatili pa rin akong nanghihina. Dahil sa takot nila ay agad silang tumakbo palabas sa silid na ito. Gustuhin ko mang sumigaw ng tulong pero hindi ko magawa. Parang malalagutan na ako ng hininga dahil sa sakit.
"R-Russel..." tawag ko sa pangalan ng aking asawa pero alam kong hindi niya ako maririnig. Pilit kong bumaling sa armchair ko dahil nilagay ko doon ang bag kung nasaan ang cellphone ko. Pilit kong gumalaw at maabot iyon pero hindi iyon sapat.
"Dito ko po nakita si Jelly, sir Russel."
Rinig ko ang pamilyar na boses ng isa sa mga kaklase ko. Papunta sila dito!
"Thank you." nakangiting wika niya saka pumasok siya dito sa classroom. "Sweetheart! Uuwi na tay—o..." natigilan siya nang makita niya akong nakahandusay. Unti-unti nanlalaki ang mga mata niya nang makita niya ang nakakalat na dugon sahig. Mabilis niya akong dinaluhan. "Jelly! Anong nangyari?!"
Hindi ko magawang sumagot. Nanlalabo na ang paningin dahil sa panghihina.
"Oh f**k! Dadalhin kita sa Ospital!" malakas niyang sabi at binuhat niya ako na animo'y bagong kasal. Kahit na nakapikit ako ay naririnig ko pa rin kung anong nangyayari sa paligid. "Keiran ahia! Vladimir ahia!"
"Russel? Oh s**t! Bakit dinudugo si Jelly?!" bulalas ni Vladimir.
"H-hindi ko din alam... Please, dalhin natin ang asawa ko sa Ospital!" malakas sabi ni Russel sa mga kuya niya.
"Ako na ang sasama sa kanila sa Ospital, Vlad, check the CCTVs!"
"Got it!"
Ramdam ko ang mabilis na pagkilos ni Russel habang hawak niya ako. "Jelly, huwag kang magkakamali na iwan ako. Huwag ninyo akong iwan ni baby. Ahia, please faster!"
Hanggang sa wala na akong naririnig...
**
Nagising ako nang maramdaman ko na may nakahawak sa kamaya ko. Binalingan ko kung sino ang humahawak sa akin kahit na alam ko kung sino lang ang makagagawa sa akin n'on. Bumungad sa akin na nakatingin sa akin. Tila inaabangan niya ang paggising ko. Nang nagtama ang mga tingin namin ay agad niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.
"Jelly," punung-puno ng pag-aalala sa kaniyang mukha nang tawagin niya ang pangalan ko. "Ano nang pakiramdam mo? May masakit pa rin ba sa iyo?"
Napangiwi ako. "Masakit ang puson ko—" pinutol ko ang sasabihin ko nang may napagtanto ako. Pilit kong bumangon kahit masakit pa rin. Diretso akong tumingin sa kaniya. "Anong nangyari sa baby natin, Russel? K-kamusta na siya? A-a-ayos lang ba siya?" sunod-sunod kong tanong nang mariin akong nakahawak sa kaniyang magkabilang braso.
Kita ko kung papaano itinikom ni Russel ang kaniyang bibig. Bakas din sa mukha niya ang kalungkutan na tingin ko ay masamang balita ang hatid niya. Bigla ako ginapangan ng pinaghalong kaba at takot. Ipinapanalangin sa pamamagitan ng aking isipan ay huwag naman sana. Nasa sana hindi tama ang iniisip ko.
"R-Russel..." nakikiusap kong tawag sa kaniya. Desperadang hingin ang kaniyang kasagutan.
"We lost our baby, Jelly." he answered with his deep and devastated tone.
Nabato ako sa aking posisyon nang marinig ko mismo sa kaniya ang balita. Pakiramdam ko ay hinugot na naman ang natitira kong lakas. Dahan-dahan akong napabitaw sa kaniya. Marahas akong bumuga ng hininga para makaya ko pa ang sitwasyon na kinahaharap namin ngayon. Nawala ang anak namin... Nawala ang anak ko... "K-kasalanan ko..." mahina kong sambit.
"No, that's not true!" ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. Nagtama ang mga tingin namin. Ngayon ko lang napansin na namumula ang mga mata niya. Ibig sabihin, kakagaling lang niya sa pag-iyak? "Walang kang kasalanan... Believe me."
Piniga ang puso ko sa mga binitawan niyang salita. Ramdam ko na ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Umiwas ako ng tingin mula sa kaniya. "I-iwan mo muna ako..."
Bigo siyang umalis sa silid ng Ospital. Hinatid ko lang siya ng tingin. Pagkasara niya ng pinto ay mariin akong pumikit at doon na marahas tumulo ang aking luha. Napasapo ako sa aking dibdib at mahigpit kong hinawakan ang damit na suot ko ngayon at yumuko. Hindi ko mapigilang mapahagulhol sa mga oras na ito. Ang buhay na pinakaingat-ingatan ko, nawala nang parang bula. Mas lalo ako nanghihina.
Galit, kalungkutan, pagsisisi ang nangingibabaw sa akin ngayon. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa katangahan ko. Nalulungkot ako. Sobrang lungkot ako dahil iniwan ako ng magiging anak ko. Malungkot dahil hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon upang maging mabuting ina para sa magiging anak namin. Nagsisisi ako. Nagsisisi ako kung bakit hindi man lang ako nakikinig sa kaniya. Kung bakit ang kagustuhan ko pa ang sinusunod ko. Hindi ko nagawa nang tama ang mga dapat kong gawin bilang isang ina at asawa.
Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ako umiyak. Nang mahimasmasan na ako ay pilit kong umalisa sa hospital bed. Balak kong kausapin si Russel. Pinihit ko ang pinto ngunit may narinig ako.
"Everything's gonna be okay, trust me. Matatanggal ninyo rin ni Jelly ang nangyari." boses ni kuya Keiran iyon pero dama ko ang kalungkutan doon. "It just takes time to heal both of you."
"Papunta na din sina tito at tita dito, nasabi ko din sa kanila ang nangyari." rinig ko naman ang boses ni kuya Vladimir. "I'm so sorry, Russel."
"TANG INA, ANG TANGA KO!" biglang bulyaw ni Russel na medyo ikinagulat ko.
"Russel..."
Kita ko kung papaano napahilamos dahil sa frustrations si Russel. Mas kumirot ang puso ko nang makita ko ang pag-iyak niya. Nasapo ako sa aking dibdib. "I think I failed as a father and a husband.... I can't get over the pain and wrath inside me! I'm not sure that they had me that they deserved!" bigla niyang sinuntok ang pader. "These thoughts have been weighing on my chest and I can't escape them, ahia!" sabay baling niya kay kuya Keiran.
Malungkot na tinapik ni kuya Keiran ang isang balikat ni Russel. Kita ko na marahan siyang pumikit. He feel sorry for his brother, for us.
"Russel!"
Dumating ang mga Hochengco. May dalawang kapatid ni Russel na babae, sina ate Carys at ate Nemesis ay agad lumapit at bigyan ito ng mahigpit na yakap. Maski sila ay humugulhol. Gayundin si mama Miranda na sobrang lungkot nang nalaman ang sinakip ng anak namin.
"Russel..." isang boses ng isang lalaki ag tumawag sa kaniya. Kita ko kung papaano nagulat si Russel nang makita niya ang may-edad na lalaki na kasama ng mga kapatid na babae nina kuya Keiran.
"P-papa... W-what are you doing here...?" halos hindi siya makagalaw sa kaniyang kinakatayuan. Kahit ako ay nagulat dahil ngayon ko lang nakita ang kaniyang ama, si Damien Hochengco!
Walang sinabi ang kaniyang ama. Sa halip ay tahimik itong lumapit sa kaniya at binigyan din ng yakap. "I'm so sorry, Russel. Alam kong hindi ako naging mabuting ama sa inyo. Alam kong marami akong pagkukulang..." basag ang boses nito.
Natigilan ulit si Russel. Na parang gulat na gulat siya sa nangyayari. Maya-maya pa ay mariin siyang pumikit at gumanti siya ng yakap sa kaniyang ama. Mas lumakas ang iyak ni Russel habang nasa bisig siya ng kaniyang ama. Na animo'y isang paslit na inaway ng mga kaaway. Na akala mo ay nagsusumbong. "I am a failure, baba!"
Kinagat ko ang aking labi para hindi ako makalikha ng ingay kahit na naiiyak na naman ako. Mas nasasaktan ako habang nakikita ko ang asawa ko na umiiyak na punung-puno ng hinanakit. Maingat kong isinara ang pinto. Sumandal ako sa pader na katabi lang ng pinto. Napatingin ako sa bintana. Nang gabing ito, dalawang bagay ang nag-iyak kay Russel. Nawalan kami ng anak, at nang naramdaman niya ang presensya ng kaniyang ama na minsan niyang