Hindi ako nagpatinag. Hindi ako napigilan ni Russel sa pagpasok sa school. Tanda ko pa kung ano ang hitsura niya kanina bago man ako nakapasok sa Unibersidad. Bakas sa mukha niya ang panlulumo dahil hindi ko man lang siya pinakinggan. Totoo naman kasi ang sinasabi ko kanina. Ang boring kaya sa bahay kung doon pa ako magsestay at doon ako mag-aaral. Tanging makakausap ko lang ay ang teacher na nahired niya. Basta, ayoko sa bahay, masyadong tahimik. Gusto ko pa rin may ginagawa ako. At saka, nasasanay ako na nakapirmi lang ako sa bahay.
Pero mabuti nalang din dahil nilayuan na ako ng Auden na iyon. Kinumpirma ko na sa kaniya na may asawa na ako. Kami pa ni Russel ang nagkumpirma, sa ganoon ay may ebidensya na para hindi niya landiin. Ang tahimik ng buhay ko, eh.
Pagkaupo ko sa arm chair ay nagpangalumbaba ako habang hinihintay namin ang proctor namin. Tinatamad pa akong magbuklat ng mga notes dahil medyo naiinis pa ako sa mga pinanggagawa ni Russel. Hindi ko lang din inaasahan mag-aasal bata siya sa daan. Kung hindi ko lang talaga asawa ang isang iyon, tiyak iniwan ko na talaga siya at magkukungwari na hindi ko siya kilala pero hindi, kinokonsidera ko din naman ang damdamin niya bilang asawa ko kaya ang ginawa ko ay hinatak ko siya palayo sa lugar na iyon hanggang sa gate ng Unibersidad.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. 'Pambihira ka talaga, Russel Hochengco.'
"Jelly, tama ba?" biglang may lumapit na babae sa akin.
Tumingin ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Yes, bakit?"
Ngumiti siya at may ibinigay siya sa aking nakatupi na papel. Walang alinlangan kong tinanggap iyon. "Kanina pala galing?" tanong ko.
Napakamot siya sa kaniyang batok at ngumiwi. "Pasensya na, hindi ko alam ang pangalan niya pero lalaki ang nagpabigay niyan. Sige." saka tinalikuran na niya ako.
Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa nakaupo na siya sa kaniyang upuan. Ngumuso ako't tiningnan ang papel na hawak ko. Binuklat ko ito para mabasa ko ang nilalaman n'on.
Sweetheart, see you later! I love you!
- R. Hochengco
Umiling ako at inilagay ko ang papel sa bulsa ng aking blazer. Napukaw naman ang atensyon ko na may nagsalita na isa sa mga kaklase ko. Sinasabi niya na absen ang proctor namin para sa subject na ito. Pero may substitute daw kaya matik na may klase pa rin kami. I don't mind, anyway. Doon ko na rin inilabas ang aking notebook at ballpen. Inayos ko din ang mga gamit ko nang narinig ko ang tilian ng mga kaklase kong babae, ang iba pa sa kanila ay napasinghap.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay tumingin na ako sa harap. Pero nabato ako sa kinauupuan ko nang tumabad sa akin ang isang lalaki na nakangisi sa direksyon ko. Like, what the hell?! Anong ginagawa niya dito?! Don't tell me, siya ang tinutukoy ng mga kaklase ko magiging sub proctor namin?!
"Good morning, class. I'm Russel Ho, I'll be your proctor for a while..." nakangiting pakilala niya sa amin na hindi maalis ang tingin niya sa akin!
Muli na naman nagtilian ang mga kababaihan sa paligid. Laglag ang panga ko sa ginawa niya! Ang akala ko ba, napasok siya sa Opisina?! Bakit napadpad siya dito sa Unibersidad at siya ang magiging proctor ko sa subject na ito?! Whyyy?!
"Isa siyang Ho, ibig sabihin, ang isa mga kilalang angkan mula sa mga Hochengco, magiging proctor natin?!" rinig kong bulalas ng kaklase kong lalaki. "Ang swerte naman natin!"
Napangiwi ako. Hindi na ako magtataka kung bakit kilala ang mga Hochengco. Sikat naman talaga ang pamilya nila pagdating sa business world. Ang iba pa sa kanila,mga public figure dahil artista, model at may kinalaman din sa politika! Kung anu-anong negosyo din ang pagmamay-ari nila!
May inilabas siya mula sa kaniyang business suit. Isang whiteboard marker. May isinulat siya sa whiteboard. Muli na naman nalaglag ang panga ko dahil iyon ang sunod na ididiscuss ng proctor namin mismo. Napansin ko, wala rin siyang dalawang libro o hand outs man lang! Wala rin siyang dalawang laptop at projector! Tanging whiteboard marker lang ang dala niya!
Humarap siya sa amin na nakangiti. "So, ito ang magiging next lesson ninyo, right? So, shall we start?"
Nakatuon sa kaniya ang atensyon ng klase. Sa totoo lang, namind blown ako habang pinapanood ko si Russel kung papaano magturo. Malinaw siya magturo, madaling maitindihan ang bawat termino na ginagamit para sa subject na ito. Binibigyan pa niya ito ng mga halimbawa. Tatlong beses pa siya nagtatanong may may naiitindihan ba kami sa itinuturo niya. Mukhang wala naman nagtaas ng kamay, ibig sabihin, naitindihan nila. Sa punto na ito, para siyang nagrereport sa isang business presentation!
May dahilan na naman ako para mahulog sa wild man na ito!
**
Sumapit na ang lunch. Tulad ng aking kinagawian ay sa University Garden ako kakain. Nagtatago ako kay Russel. Hindi pa rin kasi ako sanay na magiging proctor ko siya! Bahala siya d'yan, ang daming alam na kalokohan ang isang iyon. Pati ba naman ang pagiging proctor niya, pinasukan na niya. Hindi ba magagalit si kuya Keiran sa pinangaggawa ng kapatid niya?! Imbis sa kumpanya papasok, sa Unibersidad pumasok!
Susubo sana ako ng pagkain nang biglang may tumawag sa akin.
"Sweetheart!"
Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang endearment na iyon! Mabilis akong lumingon. Laglag ang panga ko nang makita ko si Russel na papalapit dito with matching kaway-kaway pa. Matamis pa ang ngiti ng isang ito. "Russel naman, huwag mo naman ipalandakan na mag-asawa tayo!" suway ko sa kaniya.
Tumigil siya sa harap ko. Tumingin siya sa akin pero nanatili pa rin siyang nakangiti. "Huh? Bakit nama? Anong masama doon? Asawa naman talaga kita, hindi ko nga tinatanggal ang wedding ring natin para wala makalapit sa akin dahil ikaw ang asawa ko." inilapat niya ang isa niyang tuhod sa sahig. "Masarap ba ang luto ko?" malambing niyang tanong.
Hindi ko magawang sumagot. Sa halip ay napalunok pa ako.
Walang sabi na inilapat niya ang kaniyang palad sa aking tyan. "Magpakabusog kayo ni baby," dagdag pa niya. Tumayo na din siya. Ang akala ko pa naman ay aalis na siya pero hindi. Tumabi pa siya sa akin. Tumingala siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na magiging proctor pala kita?" diretsahan kong tanong sa kaniya. "Graduate ka ng Business course, Russ."
Tumingala siya na hindi nabubura ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Kaibigan ni baba ang may-ari ng school na ito kaya madali para sa akin na makapasok ako dito para makapagtrabaho dito. Part time din naman itong kinuha ko. Nagpaalam na din ako kina Keiran ahia at atsi Carys na hindi muna ako papasok. Ayos na din naman sa kanila."
Nagbuntong-hininga ako. "Bakit mo naman ginawa iyon? Alam mo naman na bawal magkaroon ang relasyon ng isang teacher sa kaniyang estudyante... Magiging iba ang tingin sa atin ng mga tao dito."
"Hindi ako panatag, Jelly." naging seryoso ang kaniyang boses. Bumaling siya sa akin. "Asawa kita. Hindi ako panatag dahil ayokong may mangyari sa iyo na masama. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala para sa inyo ni baby. Tutal ay kumukuha ka ng ABM, willing din ako na ishare sa iyo ang mga nalalaman ko pagdating sa business."
Hindi ko magawang magsalita. Nanatili lang kami nakatingin para sa isa't isa.
Baby, ano bang dapat kong gawin para maging panatag ang kalooban ng daddy mo? Pero kahit ganoon, madali pa rin sa daddy mo na haplusin ang puso ko na walang kahirap-hirap.
Pagkatapos kong kumain ay doon na kami naglihis ng daan ni Russel. Umiiwas lang kami sa mga isyu. Ayoko lang din maging sentro ng chismis o ng gulo. Yakap-yakap ko ang aking baonan habang naglalakad ako sa hallway. Diidretso ako sa locker para magpalit ng damit para sa mga susunod na subject. Tumigil alng ako sa paglalakad nang makakasalubong ko si Auden. Nang makita niya ako ay pansin ko ang kalungkutan sa kaniyang mukha sabay iwas siya ng tingin. Nagkabit-balikat ako at ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko hanggang sa narating ko ang locker. Binuksan ko iyon at ginagawa ko na ang dapat kong gawin. Nagpalit ng mga gamit. Isinara ko din iyon pagkatapos. Pabalik na ako sa classroom nang biglang tumambad sa akin si Lora na ngayon ay nakahalukipkip at nakangisi, nasa likuran lang niya ang mga alipores niya!
"Sabihin mo, may relasyon ba kayo ni Auden, ha?" diretsahan niyang tanong sa akin.
"Wala." mabilis kong tugon na malamig na tingin din ang iginawad ko sa kaniya.
Hindi pa siya kuntento, may ipinakita siya sa akin sa screen ng cellphone niya. Natigilan ako nang makita ko ang litrato na nagkausap kami ni Auden sa University Garden, noong natagpuan niya ako na kumakain doon ng lunch! Na saktong nakahawak ang kamay niya sa akin! "Papaano mo maipapaliwanag ito, aber?"
Inilipat ko ang tingin ko kay Lora. Mas seryoso na tingin. "Nagkausap lang kami—"
"Nag-uusap o naglalandian?"
"Nag-uusap." Damn, bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ito?!
"Sinungaling!" inangat niya ang isang kamay niya at akmang sasampalin niya ako pero biglang may pumigil.
Sabay kaming napatingin kung sino ang humawak sa kamay ni Lora. Umaawang nang bahagya ang bibig ko nang makita ko kung sino ang lalaki. Si kuya Keiran!
"What are you trying to do, Miss?" seryosong tanong ni kuya Keiran kay Lora.
Lora looked stunned.
"Lumapat lang ang palad mo sa sister-in-law ko, hinding hindi ako papalagpasin at papatalsikin ka sa school na ito." bahid sa boses nito ang kaseryosohan. "Huwag na huwag mong gagalawin ang bawat parte ng pamilya ko, Miss. Hindi mo kilala kung sino ang sasaktan mo."
Napatingin ako kay Lora na ngayon ay natatakot na. Maski ang mga alipores nito.
"Keiran? Anong nangyari?" bigla ko narinig ang boses ni Sir Vladimir sa hindi kalayuan.
Marahas na binitawan ni kuya Keiran ang kamay ni Lora. Dahil din sa takot ay aligagang umalis ang mga ito. Naiwan kami ni kuya Keiran sa tapat ng locker. Bumaling sa akin si kuya Keiran na may pag-aalala sa mukha. "Are you alright?"
Tumango ako. "Salamat po, kuya." saka yumuko ako.
"Hey, what happend?" muling tanong ni sir Vlad nang nakalapit na siya sa amin. Bumaling siya sa akin. "Jelly?" animo'y sa humihingi siya ng kasagutan.
"Someone's trying to hurt her." seryosong sagot ni kuya Keiran.
"What? Binubully ka, Jelly?" mas naging nag-aalala si Sir Vlad sa narinig. "Nasaan na ba si Russel? Kailangan natin siyang makausap tungkol dito."
"Jelly," seryosong tawag sa akin ni kuya Keiran.
Tumingin ako sa kaniya. "Po..."
"I think, you should agree what Russel's proposal. You need to study at home. Home study."
"P-pero..."
"Jelly, you're pregnant. Dala mo ang magiging bahagi ng angkan. Kaya naman ginagawa ni Russel na magtrabaho dito at tinalikuran ang trabaho niya sa Tung Xiao para lang mabantayan ka. Magiging ama na siya at asawa ka niya, ayaw niyang may mangyari sa iyo na masama. Dahil sa oras na may mangyari sa iyo, buong buhay na niyang dala-dala ang pait at hindi ako magkakamali na sisisihin niya angkaniyang sarili." sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "Ama at asawa din ako, Jelly. Kung ano ang nararamdaman ni Russel, dama din namin, kahit si Vlad, ganoon din ang mararamdaman. Hindi ibig sabihin kaya ginawa ni Russel ang mga bagay na ito ay para ikulong ka, na ipinagkait ang kalayaan mo. Ginagawa niya ito dahil importante kayo sa kaniya. Pinoportektahan niya kayo sa anuman ang magiging posibilidad. Asawa mo na siya, kung anuman ang magiging desisyon niya, sana ay pakinggan mo dahil papakinggan ka din niya. Hindi siya magdedesisyon na para lang sa sarili niya."
"K-kuya..."
"You made him a responsible man, a father and a husband, Jelly. Appreciate his efforts to please you." huminga siya nang malalim. "Sinasabi ko din ito sa iyo hindi dahil sister-in-law kita, parte ka na ng pamilya Hochengco, itinuring na din kitang nakakabatang kapatid."
Yumuko ako. Sa mga sinasabi ni kuya Keiran, unti-unti ko na naiitindihan ang ibig niyang sabihin...