Palapit na kami sa isa sa mga building sa Northgate nang matanaw ko si Russel na sumisilip sa kaniyang relo na nasa kaniyang pulsuhan, nakatayo siya sa labas ng naturang building na tila may hinihintay. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti pero mabilis din iyon nawala nang nakita kong may lumabas na isang babae mula sa loob ng naturang building. Hapit ang suot nito na kulay pula na dress, kita pa ang cleavage! Nakahigh heels pa siya na kulay itim at may alahas siyang suot. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng inis nang makita kong ipinulupot niya ang kaniyang mga braso sa braso ni Russel. Napatingin sa kaniya ang asawa ko na wari'y nagulat pa sa kaniyang ginawa.
Nang tumigil ang sinasakyan kong kotse sa mismong tapat nila ay hindi ako agad lumabas o buksan man lang ang bintana para tawagin ang asawa ko. Imbis ay lumunok ako ng matindi sa nasaksihan ko. Napasapo ako sa aking dibdib dahil tila kinurot ang parte ng aking puso habang nakatuon ang aking tingin sa dalawa.
Medyo nabawasan lang ang pagkainis ko dahil nakita ko kung papaano tinanggal ni Russel ang isang braso niya mula sa pagkayakap ng babaeng kausap niya. Doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na ibaba ang bintana. "Russel!" malakas kong tawag sa kaniya.
Sabay silang napatingin sa direksyon ko. Kita ko kung papaano ngumiti si Russel nang makita niya ako. Samantala ang babae naman ay tumalikwas ang isang kilay na parang naistorbo ko pa ang panlalandi niya sa asawa ko. Hindi ba siya aware o nakita man lang na suot ni Russel ang wedding ring namin?
Walang pahabol na o pagpapaalam si Russel sa kausap niya. Basta lang niya ito iniwan at nagmamadali siyang lumapit sa sasakyan na ito hanggang sa nakapasok na siya. Matamis na ngiti ang kaniyang iginawad niya sa akin pagkatapos ay ginawaran niya ako ng halik sa tungki ng aking ilong. "Hi, sweetheart." malambing niyang bati sa akin. "Kanina ka pa ba?"
Napangiwi ako. "Hindi naman..." sagot ko at nagpahabol pa ako ng tingin sa babaeng Joga—malalaki kasi ang hinaharap, lalo na't hindi ko naman alam ang pangalan niya kaya iyan nalang ang itatawag ko sa kaniya. Hanggang sa umandar na ang sasakyan.
"I miss my wife," malambing na bulong sa akin ni Russel na dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Simpleng salita ngunit madali para sa kaniya na makuha ang aking atensyon. Kasabay na bumilis na naman ang pintig ng aking dibdib.
"I miss you, too." animo'y wala ako sa aking sarili nang masambit ko ang mga kataga na iyon.
Mas lalo siya napatingin. Sunod naman niyang hinalikan ang sentido ko. "May gusto ka bang kainin bago tayo umuwi?" masuyo niyang tanong.
Ginawaran ko siya ng isang maliit na ngiti. Umiling ako. "Wala naman, hindi pa naman ako gutom."
**
Abala ako sa paggawa ng assignments ko dito sa kuwarto namin ni Russel. Siya naman ay abala sa pagtipa niya sa kaniyang laptop. Tumigil ako saglit sa aking ginagawa. Nagnakaw ako ng sulyap sa kaniya. Lihim ako napangiti habang pinagmamasdan ko siya. Seryoso siya sa kaniyang ginagawa. Mukhang pinag-iigihan niya ang kaniyang trabaho. Bigla sumagi sa isipan ko ang sinabi niya sa akin noon. Hindi pa niya alam kung ano ang gusto niya. Kumbaga, random pick lang pala niya ang kinuha niyang kurso noon na business course. Pero ano ba talaga ang gusto niya? Ano bang gusto niyang maging propesyon kung ganoon?
Binawi ko ang tingin ko at ibinalik ko iyon sa aking ginagawang homework. Magsusulat pa sana ako nang sumagi sa isipan ko ang babaeng nakausap kanina ni Russel. Hanggang ngayon, mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Kinagat ko ang aking labi, mas humigpit ang pagkahawak ko sa ballpen.
HINDI KO NA KAYA.
Binitawan ko ang ballpen at lumapit ako kay Russel. Mukhang natunugan niya ako kaya tumigil siya sa kaniyang ginagawa, tumingin siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. Nanatayo lang ako sa harap niya at diretso akong nakatingin sa kaniya. Kuyom ang aking mga kamao. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa kaniya kung anong nararamdaman ko tungkol kanina. Na bumibigat ang pakiramdam ko. Natatandaan ko pa ang sinasabi ni ate Naya sa akin na communication is the key for a successful marriage!
"Sweetheart?" nagtatakang tawag niya sa akin.
"Russel," matigas kong tawag sa kaniya.
"Y-yes, sweetheart?"
Hindi nagbago ang ekspresyon sa aking mukha. "Masakit ang puso ko." hindi ko alma kung tama ba ang salita na binitawan ko para maihayag ko sa kaniya ang kalagayan ko ngayon.
Umiba ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Agad niya siya tumayo mula sa kinauupuan niyang swivel chair (ang study room niya at ang master's bedroom ay iisa), hinawakan niya ang isang kamay ko. Gumuhit ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Why? What happend?" maski sa boses niya ay nahihimigan ko ang pag-aalala.
Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Seryoso pa rin akong nakatingin sa kaniya. "Kasi naman, mukhang may gusto si Joga sa iyo."
Doon ay bahagyang kumunot ang noo niya. "Who's Joga? What?" naguguluhan na siya.
Ngumuso ako. "Seksing babae na mukhang porn star na nakausap mo kanina. Panay yakap niya sa braso mo, parang ayaw kang pakawalan. Ako ang asawa mo, diba? Ako dapat ang gumagamoon sa iyo. In short, nagseselos ako."
Ako naman ang nagtataka kung bakit nagpipigil siya ng tawa pagkatapos kong sabihin ang hinain ko. Hinawi niya ang takas kong buhok pero nakikipagtitigan pa rin siya sa akin. Isinabit niya ang takas kong buhok sa aking tainga. "Ako din, sweetheart. Nagseselos ako. Sa kaklase mong lalaki."
Ako naman ang natigilan. Bigla ko tuloy naalala nang ipinakita sa akin ni manong driver ang mga mensahe na ipinadala sa kaniya ni Russel. Nabasa ko kung papaano siya nagalit nang makita niya ang litrato na ipinadala naman ng driver. Inulanan niya ito ng mura at halatang galit na galit siya sa nang pinigilan ako ni Auden kanina. Pero nagtataka ako, galit man siya pero bakit hindi man lang niya magawang magalit tulad ng galit na ipinakita niya kay manong driver? Bakit malumanay siya sa harap ko? Bakit hindi niya ipinakita sa akin ang pagiging halimaw niya kung magalit?
"Hindi ko siya kaklase, Russel." malumanay kong paliwanag. "Hindi ko lang din alam kung bakit panay lapit niya sa akin kahit ilang beses ko na siyang pinagsabihan na layuan na niya ako dahil alam kong magagalit ka."
Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin. Tila pinag-aaralan niya nang maigi ang ekspresyon ng aking mukha. Hindi ako nagpadaig dahil totoo naman ang sinasabi ko. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Dumilat din siya at tumitig siya sa akin. "Ikaw lang ang buong tanging nagpapakalma sa akin, Jelly." masuyo niyang sabi. Idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "Basta paliwanag mo lang, ayos na ako, paniniwalaan ko."
"Russel..." mahina kong tawag sa kaniya. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin niya sa akin ang mga bagay na iyon. Kung kanina, maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan, sa isang iglap lang ay nabigyan na ito ng kasagutan. Para bang nababasa niya kung anuman ang iniisip ko.
"Hindi ko man sinasabi pero natatakot ako na mawala sa akin, Jelly. Natatakot ako na baka iwan mo. I am a wild man, a beast, a monster, pero ikaw lang ang pumapatay sa mga negatibong akala sa akin ng iba. Ikaw lang. I can't imagine what I am without you."
Marahan ko din ipinikit ang mga mata ko para mas lalo ko siya maramdaman. Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin. Parang pinipiga ang puso ko sa mga binitawan niyang salita.
"I can't promise you the moon or the stars. Just promise me you'll star under them with me forever, Jelly."
"I promise, Russel."sagot ko na halos mabasag ang boses ko.
Totoo nga ang sinasabi ni ate Naya. Kailangan namin pag-usapan ni Russel tungkol sa mga bagay na ito. Kailangan kong sabihin sa kaniya kung anuman ang nangyayari sa akin habang wala siya sa tabi ko. Sa gayon, nasa akin pa rin ang tiwala niya. Na hindi siya magsisisi na ako ang minahal niya. Na hindi siya magsisiis na ako ang pinakasalan niya. I trying my best to be his wife, that I do deserved him.
"I love you, Russel."
"Mas mahal kita."
Napasinghap naman ako nang mabilis siyang kumalas mula sa pagkayakap niya sa akin ngunit, hawak niya ang magkabilang balikat ko. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "Russel?" nagtatakang tawag ko.
Seryoso ang kaniyang mukha. "Maghahired ako ng teacher para sa iyo, Jelly."
Umaawang ang aking bibig. "H-ha?"
"Hinding hindi ka na papasok ng school."
Unti-unti nanlalaki ang mga mata ko sa deklara niya. "A-anong..."
Napatampal siya sa kaniyang mukha. "Bakit hindi ko man lang naisip ang mga possibilities sa gayon buntis ka na sa anak natin, sweetheart? Tama, hindi ko na maiwasang hindi mag-alala para sa inyong dalawa. Isa pa, masyado kang maganda, hindi maiwasang hindi ka pagtitinginan ng ibang lalaki. Mas maiging dito ka na sa bahay mag-aaral—"
"Pero, Russel..."
"Kailangang doble ingat ang gagawin ko." ngumiti siya sa akin. "Huwag ka mag-alala, sweetheart, magiging safe kayong dalawa ni baby kapag narito lang kayo sa bahay." sabay yakap niya sa akin at ginawaran niya ako ng halik sa noo.
Sa mga desisyon na sinabi niya, Daig ko pang gumuho ang mundo ko!
**
Kinaumagahan ay pagkaalis ni Russel para pumasok ng trabaho ay tumakas ako. Maya maya din daw ay dadating ang magiging teacher ko, pero umalis na ako bago man ito dumating. Hindi bale malate ako. Basta, ayoko ng home school. Sinigurado ko na hinding hindi ako makikitang mga maid na umalis ako. Mas gusto kong mag-aral sa mismong school! Mabuti nalang ay magaan ang bag ko kaya madali para sa akin na makaalis.
Malapit na ako sa school ay dumaan muna sa isang convenience store para bumili ng sterilized milk. Walking distance na din nama kaya iinumin ko ang gatas na binili ko habang naglalakad ako papasok ng University. Hayys, kailangan ko ng marami pang enerygy. Pinagsabihan ko din si baby na huwag siya malikot para makakilos ako ng maayos.
Nakasuksok ang isang kamay ko sa bulsa ng aking blazer, sige pa rin ang pagsipsip ko sa straw ng gatas.
"Watch out!" biglang may narinig akong pamilyar na boses.
Napasinghap ako na biglang may humawak sa aking braso at hinila ako, saka may tumunog na bell ng bisikleta na muntik na pala akong sagasaan nito. Matik kumunot ang noo ko doon. Aba, loko, bakit sa side walk na ito dumaan ang damuhong na iyon?!
"Ayos ka lang ba?"
Bumaling ako sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumimangot na narito na naman ang lalaking ito. "Ayos lang." malamig kong tugon. "Salamat sa pagligtas. Last na itong kakausapin ako."
"Ano bang problema—"
"Kasal na ako, Auden. Sinabi ko na ito para alam mo. Para aware ka na may asawa na ako—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko na bigla siyang tumawa.
"Hindi ko alam na marunong kang magjoke, Jelly."
Bago man ako magsalita nang biglang may sumulpot na pamilyar na lalaki sa tabi niya. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko kung sino ang katabi niyang lalaki. Ilang beses na akong nagmura sa isipan ko. Napangiwi ako. Na akala mo ay papatay siya ng tao!
Bigla niyang hinawakan ang kuwelyo ni Auden at ipinaharap ito sa kaniya. Kahit si Auden ay nagulat sa ginawa sa kaniya ni Russel! Inangat pa siya nito para magtama ang tingin nila!
"Sinong may sabi sa iyong nagbibiro ang asawa ko, ha?" matigas na tanong ni Russel kay Auden . Talagang binigyan pa niya ito ng matalim na tingin. "Baka gusto mong makatikim ka munang mabasagan ng bungo para maniwala ka, ano? Payag ka bang gago ka?"
Kita ko na pinagpawisan ng matindi si Auden. "H-h-h-hindi... Po..." garagal ang boses nito.
Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Russel, bitawan mo na siya at hayaan mo na." kalmado kong sabi.
"Yes, sweetheart!" tugon niya at marahas niyang binitawan si Auden. Natumba sa side walk ito.May pahabol pa siyang sipa. Tumakbo palayo si Auden sa amin dahil sa takot. "Huwag na huwag kang lalapit sa asawa ko kung ayaw mong makarating sa Ospital!"
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Pero muli na naman nagsalita si Russel at sinundan pa niya ako sa paglalakad. Hindi na madrawing ang mukha ko dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya sa akin.
"Sweetheart! Why are you here?! Hindi ba mahal mo ako?! I told you not to come to school anymore and you are going to study at home! Stop! Stop! Stooooooooop!!"
Tinagilid ko ang aking tingin para matingnan ko siya sa gilid ng aking mata pero nanatili pa rin akong naglalakad. "Russel, boring sa bahay." kalmado kong sagot.
Nagpapadyak-padyak siya sa daan. Napangiw na naman ako. Damn, umiiral na naman pagiging childish niya! Napapatingin na din ang mga tao sa kaniya! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nakakahiyaaaa!!
"Tang ina naman, oh! Mag-aaral ulit ako at sasamahan kita!"
Tumigil ako. Namilog ang mga mata ko. "Anoooo?!"
Natigilan at mukhang may narealize siya. "Hindi pala pwede, hindi kita magiging kaklase..." hinimas niya ang kaniyang baba. "Maging teacher mo kaya?"
"Tumigil ka nga, Russel Anthony Ho!"