Mahigpit ang pagkahawak ko sa aking bag habang naglalakad ako sa Hallway ng Unibersidad. Patungo ako sa mga nakahilerang mga locker para magbawas ng mga gamit, nagawa ko na kasi ang mga ssignment ko para sa susunod na araw. Kumuha din ako doon ng mga importante kong gamit para magamit ko mamaya. Pero pagdating ko doon ay tumambad sa akin ang isang pulang rosas na nakaipit sa locker ko. Kusang kumunot ang noo ko sa aking nakita. Tinanggal ko ang rosas at may nakapulupot na papel sa tangkay ng naturang bulaklak. Hindi ako nagdalawang-isip na basahin ang nilalaman ng note na iyon.
I'll pick you up later, see you at luch - A.N.
Nakatitig pa ako sa note ng ilan pang segundo. Bigla ako napaisip kung sino ang A.N na initials dahil wala naman akong kilala na ganoon ang pangalan. Nagkibit-balikat ako't itinapon ko ang naturang papel, pati na din ang rosas sa pinakamalapit na basurahan. Baka nagkamali lang ng pinadalhan. Wrong send at hindi ako narito para lumandi. Narito ako para kumuha ng diploma.
Nang matapos kong kunin ang mga kailangan ko ay dumiretso na ako sa room. Nadatnan ko na wala pa ang proctor. Agad ko dinaluhan ang aking arm chair. Inilabas ko ang aking kuwaderno at nagbasa-basa nang kaunti dahil baka biglang may surprise quiz, o hindi kaya may recitation. Mas maigi nang maging handa ako para hindi ako mapahiya sa klase.
Ilang saglit pa ay dumating na ang proctor. Nagsibalik na din ang mga kaklase ko sa kanilang mga mga upuan. Ang mga atensyon namin ay nasa harap na. Hindi rin nagtagal ay nag-umpisa na din ang discussion. Focus ako sa sinasabi ng proctor, habang nagsusulat. Kahit na binilhan pa ako ni Russel ng tablet para hindi ako mahirapan sa pagsusulat ay mas komportable pa rin ako sa sulat-kamay.
Hanggang sa sumapit na ang lunch break. Naglalakad ako patungo sa Cafeteria ay maraming estudyante na ang naroroon. Ngumuso ako habang iginagala ko ang aking paningin sa loob, naghahanap ako ng bakanteng upuan para makakain na kami ni baby pero mukhang wala. Lalo na't halos hindi na mahulugan ng karayom ang Cafeteria. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Nagpasya akong umalis nalang at maghahanap ako ng ibang lugar kung saan ako pupwede kumain.
Napadpad ako sa University Garden. Good thing, wala masyadong estudyante sa paligid. Kusa sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Sa tuwing dinadala ako ng mga paa ko sa lugar na ito, mas nakakaramdaman ako ng kapayapaan sa parte ng Unibersidad na ito. Dinaluhan ko ang bakanteng park bench at ipinatong ko sa aking tabi ang aking lunch bag. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ko na gawa ni Russel ito. Walang araw na hindi siya gumagawa ng pagkain para sa akin.
Binuksan ko ang lunch box ko. Napaletra 'O' ang aking bibig nang tumambad sa akin ang napakasarap na pagkain na luto ng asawa ko. Meron pa siyang gawa na lasagna! Sa pagkakataon na ito, wala sa isip ko na tumaba dahil sa mga pagkain na niluluto niya para sa akin. Sa tuwing matitikman ko ang mga luto niya, hindi ko mapigilang kiligin. Hindi lang masarap, para akong nasa heaven! Hinding hindi ako nagsisisi na pinakasalan siya dahil ramdam ko ang pag-aalaga niya sa akin at sa magiging anak namin. At saka, napapansin ko na parang hindi man lang siya napapagod na alagaan kaming mag-ina niya.
Nag-eenjoy ako sa pagkain ko nang may narinig akong boses mula sa likuran ko.
"Bakit mo naman itinapon ang rosas at ang note para sa iyo?" boses ng isang lalaki. Pamilyar na boses.
Tumigil ako sa pagkain at lumingon sa bandang likuran. Tumambad sa akin ang lalaking tumulong sa akin sa pagkuha ng libro sa Library. Wala akong maibigay na ekspresyon sa aking mukha pagkakita ko sa kaniya. Nakapamulsa siya at nakatingin sa akin nang diretso. Nakangiti pa siya sa akin. Humakbang siya palapit sa akin at tumabi pa talaga! "Ibig sabihin, ikaw ang naglagay ng mga 'yon sa locker ko?" diretsahan kong tanong at sumubo ulit ng pagkain.
"Yep. I didn't expect you're a cold one." at mahina siyang tumawa.
Hindi ako nagsalita. Ipinagpatuloy ko pa ang pagkain ko.
Muli na naman siyang natawa. Doon ay napukaw na niya ang atensyon ko. Gumuhit ang pagtataka sa aking mukha dahil sa pagtawa niya. Ano bang nakakatawa? Kumain ako ng payapa dito! "Hindi ko malaman, may sakit ba akong nakakahawa iwasan mo?"
Binigyan ko siya ng isang blangkong ekspresyon. "Hindi naman. May nirerespeto lang akong tao. Lalo na't ayokong maging sentro ako ng tsismis kahit wala naman akong ginagawang masama." malamig kong tugon saka sumubo ulit. Hayyys, ang sarap mo talaga magluto, Russel. Kahit tuwing gabi, ang sarap mong titigan bago man ako matutulog!
I heard him chuckled. "Ganoon ba?"
"Yeah," mabilis kong tugon.
"Grabe, hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon para makilala ka pa."
Binalewala ko ang sinabi niya. Kahit hindi pa ako tapos sa pagkain ko, nagpasya na akong iligpit pa iyon. Tinakpan ko ang mga tupperware pero bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Natigilan ako't medyo nagulat sa kaniyang ginawa. Napatingin ako sa kaniya pero mas lalo ako natigilan dahil diretso siyang nakatingin sa aking mga mata. Isang seryosong tingin ang iginawad niya sa akin. "Bitawan mo ako." mariin kong sabi.
"Wala bang magagalit kung ilalapit ko pa ang sarili ko sa iyo?" seryoso niyang tanong.
"Meron. Kaya bitawan mo na ako para hindi ka mahunting mamaya." malamig kong sabi, may halong pananakot.
Animo'y nanumbalik ang kaniyang ulirat nang sabihin ko 'yon. Wala na rin siyang magawa kungdi bitawan niya ako. Ipinagpatuloy ko pa ang pagliligpit ko sa aking lunch box. Tumayo na ako. Bago ko man siya tuluyang iwan ay tinapunan ko siya ng isang malamig na tingin. Nakatingala siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala sa aking inaakto. "Huwag na huwag mo na akong lalapitan." sambit ko. Binawi ko ang aking tingin at humakbang na ako hanggang sa tuluyan ko na siyang iwan sa University Garden.
**
Mabuti nalang ay hindi na ako kinulit pa ng lalaking nangangalang Auden. Mabuti nalang hindi ako nagsusuka habang naririto ako sa Universidad at tuwing umaga lang. Sa ngayon ay medyo tinatamaan ako ng antok. Kahit na sumasakit ang ulo ko ay pilit ko pa rin makasabay sa pag-aaral. Kinakausap ko pa si baby, pinagsasabihan ko siya na huwag niya muna ako pahirapan. Sa bahay na kami magtutuos.
Hanggang sa oras na ng uwian. Nagsabi sa akin si Russel na hindi niya muna ako masusundo ngayon dahil may meeting daw siya. Ako naman ay naiitindihan ko naman siya. Parte iyon ng trabaho niya. Imbis ay driver na nahired niya ang nagsundo sa akin. Pero bago man ako dumiretso sa kotse ay dumaan muna ako ng Library para isauli ko na ang libro na hiniram ko ng mga nakaraang araw lang.
Nagpasalamat ako sa Librarian at lumabas na. Dadaan na sana ako kung saan ako dumaan kanina papunta dito pero natigilan ako dahil natatanaw ko an paparating sa direksyon ko ang grupo ni Lora, syempre, kasama din siya. Napalunok ako. Agad ako naghanap kung saan ako pupwedeng dumaan, maliban kung nasaan sila. Mabuti nalang ay isa pang daan pero medyo malalayuan nga lang ako mula kung nasaan ang sasakyan. Hindi bale na nga, ang importante lang naman ay maiwasan ko ang grupo ng babaeng iyon, alam kong gigil sa akin iyon sa sinagot ko siya. At isa pa, kailangan ko din protektahan ang anak ko. Hindi siya puwedeng mapahamak.
Nagmamadali akong pumunta sa kabila. Maingat din akong bumaba ng hagdan. Nang medyo malayo na ako ay nakahinga na din ako ng maluwag. Malapit-lapit na ako sa kotse nang biglang sumulpot sa harap ko si Auden na malapad ang ngiti.
"Hi, Jelly!" masigla niyang bati sa akin.
Halos matalon ako sa gulat. Sapo-sapo pa ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla.
"Sorry, kung nagulat kita..." nakangiwing sabi niya.
Huminga ako ng malalim at ginawaran ko na naman siya ng isang malamig na tingin. "Ano na naman bang kailangan mo, Auden?"
"Pwede ba kitang ihatid?" nakangiting sabi niya.
Pumikit ako. "Nagmamadali ako, hindi ako sasama sa iyo."
"Kahit ngayon lang, tutal nagmamadali ka din naman, ihahatid na kita sa pupuntahan mo—"
"Lady Jelly, tumawag po si Sir Russel, pinapasabi daw po niya na didiretso po tayo ng Northgate, sa Alabang. Hindi daw po niya dala ang kaniyang sasakyan kaya susunduin daw po natin siya." biglang sabi ng driver sa bandang likuran ni Auden. "Pinapasabi din po niya na maghihintay po siya."
Nang sabihin iyon ng driver ay naalarma ako. Bigla akong umalis sa harap ni Auden pero nahuli niya ang isang kamay ko. Kunot-noo ko siyang binalingan. "Bitawan mo ako, utang na loob. Alam mo nang hindi ko kailangan na ihatid mo ako."
Wala akong marinig pang salita mula sa kaniya. Sa halip ay diretso siyang nakatingin sa akin. Parang pinag-aaralan niya ako sa lagay na iyon.
"Ahh, iho... Kung ako sa iyo, bitawan mo si Lady Jelly dahil isang Hochengco ang nagmamay-ari sa kaniya." nakangiwing pahabol pa ng driver.
Tila nanumbalik ang ulirat ni Auden nang banggitin ng driver ang apelyido ni Russel. Nabitawan niya ako nang wala sa oras. Matalim akong nakatingin sa kaniya. Binawi ko din ang tingin ko at nagmamadali akong sumakay ng sasakyan.
Nang nasa loob na ako ay sasakyan ay napasapo ako sa aking dibdib at nakahinga na ng maluwag. Mabuti nalang ay nariyan si manong driver dahil kung hindi, hinding hindi ako titigilan ng lalaking iyon! Bakit ba ang kulit niya? Ilang beses ko na sinasabi sa kaniya na layuan niya ako, sige pa rin ang lapit niya?
Anong akala niya sa akin? Pahard to get? Hindi ganoon, sadyang nirerespeto ko ang relasyon namin ni Russel. Bukod pa doon, mahal ko siya. Mas importante siya sa akin.
Inilabas ko ang cellphone mula sa aking bag. Agad ako nag-iwan ng mensahe para sa asawa ko.
TO RUSSEL :
Papunta na po kami ni manong d'yan, Russ. See you!
Pagkatapos kong magcompose ng message ay hindi ako nagdalawang-isip na pindutin ang send hanggang sa tuluyan nang ipinadala ang mensahe sa kaniya. Inilapat ko ang cellphone sa aking dibdib. Dumungaw ako sa bintana. Pinapanood ko ang bawat nakakasalubong at madadaanan namin.
Hindi rin nagtagal ay nagvibrate ang cellphone. Agad kong tiningnan kung nagreply si Russel, at hindi nga ako nagkamali. Binuksan ko ang mensahe. Agad umukit ang ngiti sa aking mga labi nang mabasa ang kaniyang mensahe.
FROM RUSSEL :
Okay, sweetheart. I'll wait. Matatapos na din ako sa meeting. Please take care. Lalo na kayong dalawa ni baby. I miss you and can't wait to see and kiss you. I love you, Jelly.
Kinagat ko ang aking labi at muli dumungaw sa bintana na sa aking tabi. Si Russel lang talaga ang makakagawa sa akin ng mga bagay na ito. Alam mo ang pakiramdam na kompleto na ang araw ko makit at makausap ko lang siya? Sa tuwing nilalambing niya ako, mas lalo ako nagiging masaya. Sino bang mag-aakala, he's a worst and wild before, pero hindi ko aakalain na ganito pala siya kalambing lalo na't kasal na kaming dalawa?
Bigla ko naalala ang sinabi niya sa akin noon. Marriage, fall in love later. Iyon na yata ang eksaktong nangyayari sa aming dalawa.
Rinig ko na marahas na napabuntong-hininga si manong driver sa front seat.
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "May problema po ba, manong?" tanong ko.
"Mukhang hindi na galit si Sir Russel, Lady Jelly." nakangiwing sabi niya habang nasa daan pa rin ang tingin niya. Pansin ko na mas humigpit ang pagkahawak niya sa manibela.
Mas lalo ako nagtataks sa sinasabi niya. "Hindi na galit? Anong ibig ninyong sabihin?"
"Eh, ang sabi sa akin ni Sir Russel, pikturan daw kita para alam niya kung anong nangyayari sa iyo tapos isend ko daw sa kaniya sa direct message sa i********:. Nang makita niya na hinawakan ka ng lalaking kausap mo kanina, inulanan ako ng mura, ilayo daw kita lalaking kausap mo. Kaya sumingit ako sa usapan ninyo kanina..." kinuha niya ang kaniyang telepono sa dashboard at inabot niya sa akin. "Tingnan ninyo po ang mga mensahe niya sa akin."
Tinanggap ko ang telepono at binuksan ko iyon. Bumungad sa akin ang conversation nilang dalawa. Laglag ang panga ko nang makita ko ang mga mensahe ni Russel para kay manong driver.
Russel.Hochengco : PUTANG INA! SINO ANG TARANTADO NA IYAN?!
Russel. Hochengco : ILAYO MO SI JELLY AT DUMIRETSO KAYO DITO SA ALABANG!
Russel. Hochengco : BILISAN NINYO O AKO ANG SUSUGOD DIYAN?!
Russel. Hochengco : MAGHAHIRED NA AKO NG BODYGUARD PARA SA KANIYA, PUTA!
Ibinaba ko ang cellphone nang matapos kong basahin ang mga mensahe ni Russel. Nanatiling nakabuka ang aking bibig dahil sa pagkawindang.
Parang halimaw talaga pala ang asawa ko kapag nagseselos!