chapter eleven

1838 Words
Nasa malayo ang tingin ko habang sumisipsip ako ng sterilized milk na pinabaon sa akin sa akin ni Russel. Nasa Parke ako ng University ngayon. Kasalukuyang break time na namin ngayon. Nakakatuwa lang dahil siya pa ang gumawa ng baon ko tapos binigyan pa niya ako ng pera kung may gusto daw akong bilhin. Talagang nagiging hands on hubby siya para sa akin. Nakatext ko din siya kanina kung ano nang ganap sa akin dito. Kahit hindi man siya magreply, atleast sinabi ko sa kaniya kung anong ganap na sa akin dito. Tumigil muna ako sa pagsipsip ng gatas. Napatingin ako sa aking kandungan. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang tumambad sa akin ang hand outs na binigay sa amin ng mga prof namin. May mga assignments na din silang binigay kaya habang wala naman akong ginagawa, sinagutan ko na. Binigyan pa ako ng tablet ni Russel para din daw iyon sa pag-aaral ko. Naka postpaid na iyon kaya wala na akong poproblemahin pa sa load. Hindi naman ako makatanggi dahil siya pa ang pumipilit. Pagkatapos kong kumain ay nagpasya na akong pumasok sa building kung saan ang susunod kong klase. Isinuot ko ang aking bag at naglakad na. Sa ngayon, wala pa akong naging kaibigan. May mga nakausap na din naman ako sa mga kaklase ko. Ang iba, mabait sila sa akin. Ang iba naman, ayaw nila ako iapproach pero dinadaan lang nila ako sa tingin na para bang nandidiri sila sa akin. Hindi ko na iyon pinansin pa dahil hindi ang kaibigan ang kailangan ko. Diploma, iyon ang kailangan ko ngayon. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang may naririnig akong tawanan sa gilid. May isang grupo ng mga kakabaihan ang nagkukumpulan doon. Sa pangunguna ng isang babae na nangangalang Lorah, ang sinasabi daw na Queen Bee ng deaprtment strand namin. Mabuti nalang, hindi ko kaklase ang isang ito. Sa ibang seksyon siya. "Ano ba naman iyan, bakit nahaluan tayo ng kape dito?" natatawang parinig ni Lora. Hindi ko malaman kung bakit parang ako ang tinamaan sa sinabi niya? Sa halip ay hindi pa rin ako nagpaapekto. Patuloy pa rin ako sa paglalakad pero biglang may humigit ng isang braso ko. Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa taong marahas na humawak sa akin. Si Lora! "Kungwari ka pang hindi affected." then she smirked. "Alam kong alam mo na ikaw ang pinaparinggan namin." Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. "Ako ba kausap mo?" painosente kong sabi. Umiba ang ekspresyon ng mukha niya. "Pilosopo ka din, ano?" mas sumeryoso ang boses niya nang sambitin niya iyon. Blangkong ekspresyon ang iginawad ko sa kaniya. "Bakit kailangan mo pang magparinig? Bakit hindi ikaw mismo ang lumapit sa akin para sabihin sa akin ang mga bagay na iyan?" "Aba't..." tila naputol ang pisi niya sa sinabi ko. "Ang kapal ng mukha mo. Akala mo kung sino ka!" "Hindi ako napatol sa hindi ko kalebel. Pasensya na." marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkahawak niya. Nilagpasan ko na siya. Kahit na ganoon ay kita ko kung papaano siya mas nangaggalaiti lalo na't iniwan ko siyang napahiya sa hallway. Ang iba ay nagbubulungan. Hayy, mga usisero't usisera, hindi kayo nakakatulong sa ekonomiya ng bansa! Bago man ako tuluyang nakalayo ay may napansin akong lalaki na nakatitig sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkamangha. Nagtama ang aming tingin ng limang segundo pero agad ko din binawi ang aking tingin hanggang sa tuluyang akong nakalayo. Mabuti nalang, hindi pa nagtangka si Lora na habulin ako. Lihim ako napahawak sa aking tyan. Hindi ako pupwede sa cat fights lalo na't buntis ako. Ayokong mawala sa akin ang anak ko. Ang anak namin ni Russel kaya kinakailangan kong magdoble-ingat. ** Kasalukuyan akong nakikinig sa proctor ay naisipan kong magdoodle ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Sa totoo lang ay inaantok ako. Hindi pa rin nawawala ang hormones ko. Pero pilit kong tiisin iyon dahil malapit na din matapos ang klase ko ngayong araw. At isa pa, nagtext na ako kay Russel na susunduin niya ako kung may oras siya. Sa pagkaaalam ko, may mga dadaluhan siyang mga meetings ngayong araw lalo na't investor siya. Tumigil ako sa ginagawa ko. Inangat ko na ang aking tingin sa proctor na nagdidiscuss pa rin. ** Pagkatapos ng last subject ay agad ko na iniligpit ang mga gamit ko. Nagpasya ako sa Library muna ako tatambay habang hihintayin ko si Russel dahil mga gabi pa naman magsasara iyon dahil inaabot ng gabi ang klase ng mga colege students dito. At isa pa, may balak akong hiramin na libro doon. Nang nakalog in na ako, ay agad akong naghanap sa Business Books Section. Hinahanap ko ang specific na libro na hihiramin ko. Tumigil lang ako nang makita ko na iyon. Ang kaso, medyo mataas nga lang. Tumingkayad ako para subukan kong abutin ang libro pero biglang may lumitaw na isang kamay at kinuha ang libro. Humarap ako at tumabad sa akin ang lalaking nakita ko kanina. Umukit sa mukha ko pagtataka habang siya naman ay nakangiti sa akin. Inabot niya sa akin ang libro na kinuha niya. "Here," Lumapat ang tingin ko sa libro. "Salamat." malamig kong sabi. "Hindi ko aakalain na magawa mong sagutin si Lora nang ganoon." bigla niyang sabi. Agad akong tumingin na may pagtataka sa aking mukha. "Kampon ka ba niya?" diretsahan kong tanong. Mabilis siyang umiling sabay kamot siya sa kaniyang batok. "Hindi... Hindi. Wala akong koneksyon sa kaniya, maliban na kaklase ko siya." pagkatapos ay nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. "I'm Auden. Ano palang pangalan mo?" pakilala niya sa kaniyang sarili. Tinanggap ko ang kaniyang palad. "Jelly. Jelly Doroteo." kaswal kong tugon. Muli siyang ngumiti. "Pasensya na kung bigla akong sumulpot. Sa totoo lang, napahanga mo ako dahil sa ginawa mo kay Lora. Wala pa kasing nakakagawa n'on sa kaniya." Tumalikwas ang isang kilay ko. "Bakit parang kilalang kilala mo siya?" may bahid na suspetsa sa tono ng aking pananalita. "Naging kaklase ko kasi siya simulang elementary palang kami... Pero hindi ko aakalain na kukuha din siya ng strand na katulad sa akin." sagot niya. Tumango lang ako. Kaya pala. Kaklase niya ang bruha na iyon simula mga bata palang sila. Hindi ko lang sila kaklase, mabuti naman kung ganoon. Mahirap pakisamahan ang babae na iyon. "Ayos lang ba kung ihatid na kita sa inyo?" bigla niyang tanong. Bago man ako makasagot ay nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko dinukot ang aking telepono mula sa bulsa ng aking blazer. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ko ang mensahe mula kay Russel. Pagkatapos kong basahin ang text message ay tumingin ako muli kay Auden. "Pasensya na, pero may susundo na sa akin. Salamat ulit sa tulong." tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako sa Librarian's desk para mahiram ko na ang libro. Pagkatapos ay kinuha ko na bag ko sa counter hanggang sa tagumpay na akong nakalabas sa Library. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan para makarating ako sa Parking Lot kung nasaan si Russel na kasalukuyan nang naghihintay sa akin. Tumigila ko sa paglalakad nang matanaw ko na ang kaniyang sasakyan. Nasa labas siya't nakahalukipkip at nakasandal sa kaniyang sasakyan. Humigpit ang pagkayakap ko sa libro. Hindi ko mapigilang mapangiti nang masilayan ko lang kahit likod palang niya. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at muli nagpakawala ang hakbang para makarating na ako sa kaniya. "Russel!" malakas na tawag ko sa kaniyang pangalan. Lumingon siya. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niya ako. Dinaluhan niya ako. Siya pa ang nagtanggal ng bag ko at siya na ang nagbuhat n'on. Hindi ko lang inaasahan na dadampian niya ako ng halik sa noo. "It seems my wife already misses me, hm?" malambing niyang saad. Humagikgik ako. "Papaano mo nalaman?" "Nalalaman ko nang tungkol sa iyo, sweetheart." he said softly. "Uuwi na tayo? O may gusto kang puntahan? Dumaan ako ng drive thru para bilhan ka ng pagkain." Mas bumilis ang pintig ng puso ko. Bakit ang tamis mo, Russel Anthony Hochengco?! Ngumuso ako. "Gusto ko nang umuwi, Russ. Napagod ako. Kanina pa ako gusto patulugin ni baby." matapat kong sambit. "Oh sige, uuwi na tayo." ** Habang nsa byahe kami pauwi ay pinaidlip muna ako ni Russel. Sinabi ko din sa kaniya na sa bahay ko nalang kakainin ang binili niyang pasalubong sa akin. Nakakatuwa lang dahil may dala pa siyang throw pillow dito sa kotse niya. Para daw sa akin, alam niyang madali ako mapagod o kaya antukin dahil nga sa buntis ako. "Sweetheart? Gising na, nasa bahay na tayo..." dinig ko ang malambing nang boses ni Russel. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Unti-unti ko naaninag ang guwapong mukha ng asawa ko. Nakangiti siya sa akin. Nakasabit na sa aking balikat ang bag ko. "Russel..." namamaos kong tawag sa kaniya. "Yes, sweetheart?" "Ang guwapo mo." wala sa sarili kong sinabi ang mga salita na iyon. Kita ko kung papaano siya nagulat, at ilang saglit pa ay nagpipigil siya ng ngiti. "You're so cute, sweetheart." saka hinalikan niya ako sa noo. "Bubuhatin ko nalang kayo ni baby." sabi niya at ginawa nga niya. Binuhat niya ako na animo'y bagong kasal kami! Nakakapit ako't nakahilig ako sa dibdib niya. Rinig ko naman na sinalubong kami ng isa sa mga kasambahay. "Nasa kotse po ang pagkain ni Jelly, pakidala nalang po sa kuwarto. Salamat." nakikisuyong sabi niya. "Opo, Ser Russel." Kahit na nanatili akong nakapikit ay ramdam ko na muli naglakad si Russel hanggang sa narating namin ang Master's bedroom. Maingat akong inihiga ni Russel sa kama. Siya pa ang nagtanggal ng sapatos ko. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Maski medyas ko, siya pa ang nagtanggal! "Are you alright, sweetheart? Hindi ka ba nagugutom?" nag-aalalang tanong niya sa akin. "Bawal kayo magutom ni baby." Marahan akong dumilat. Dahan-dahan akong bumangon. "Sige po." sagot ko. Ngumiti siya. Kinuha niya ang paper bag mula sa side table. Inilabas niya ang mga pagkain mula doon. May fried chicken at kanin. Meron ding spaghetti. "Nakapagluto na din ako ng pares na gusto mo. Baka magising ka mamayang madaling araw. Mabuti nang handa ako." malambing niyang sabi. Tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya. "Russel," "Hmm?" "May umaway sa akin kanina." hindi ko mapigilang sabihin iyon. "Kape daw ako. Kahit nagpaparinig siya, alam kong ako ang tinutukoy niya. Pero huwag ka mag-aalala, ipinagtanggol ko ang sarili ko. Siguro naman, hindi naman niya ako gagalawin pa sa susunod." Umiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Pinagmasdan niya akong mabuti, maski ang mga kamay, braso, mga paa ko ay chineck niya. Hinahanap niya siguro kung may sugat ako o wala. Muli siya tumingin nang diretso sa aking mga mata. Pagkatapos ay kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Kapag inaway ka ulit, sabihin mo sa akin agad. Hinding hindi ako papayag na sasaktan ka nila. Ayokong may mangyaring masama sa inyo ni baby." mahinahon niyang sabi. "Russel..." Marahan siyng pumikit at idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "You and our child are my everything, Jelly. No one could hurt you, and they will die." namamaos niyang sabi. Nanatili nakatikom ang aking bibig. Sa mga binatawang salita ni Russel, bumilis na naman ang t***k ng aking puso. Hinawakan niyia ang isang kamay ko at dinampian niya iyon ng halik. Muli niya ako tinititigan. "Both of you are my life now, sweetheart. And I will do anything to protect you. I love you." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD