chapter ten

1952 Words
Enjoy na enjoy ako sa breakfast namin. Sa Main Clubhouse kami nagpasya ni Russel kumain. Nagrequest kasi ako na gusto ko din magpahangin kaya tadaaa! Narito kami. Pinagtatawanan nga ako ng asawa ko dahil hinihiram ko pa ang cellphone niya tapos pinipiktsuran ko pa ang mga pagkain na nakahanda sa amin. Hindi pa ako kuntento, nagselfie pa kami. Kinikilig pa ako sa sinasabi niya na iyon daw ang gagawin niyang profile picture. Hindi na ako pumalag dahil nagawa na niya bago man ako magrereklamo. "Russel," tawag ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin habang nanguya. "Naalala ko lang, hindi nakarating si Jocelyn noong kasal natin..." Bago man niya ako sagutin ay sumimsim siya ng tubig. "Nasabi niya sa akin na kailangan niyang maghanap ng matitirhan ng anak nila dahil hinahabol pa rin daw niya ni PJ Chua." huminga siya ng malalim. "Hindi ko lang lubos maisip kung bakit panay tago niya kahit na kaya naman pala siya panagutan ng isang iyon." Ngumuso ako. "Baka may malalim pa siyang dahilan." sagot ko saka sumubo pa ng bacon. "Hindi rin natin alam. Pero naniniwala ako na magiging maayos din silang dalawa." "Yeah, right." sang-ayon niya. Pagkatapos namin kumain ay naglibot kami sa pamamagitan ng pagsakay namin ng golf cart. Hindi pa rin ako napipigilan sa pagvi-video at pagkuha ko ng mga litrato. Habang gumagala kami. Ipinaalala sa akin ni Russel na maayos na daw ang mga kailangan ayusin para daw wala nang poproblemahin kapag nakapasok na ako sa Unibersidad na sinasabi niya. Tumulong din daw ang kuya Keiran niya sa pagproseso ng mga papel ko. Nakaready na din daw ang mga gamit ko sa pagpasok. Hindi ko na nga mabilang kung nakailang pagpapasalamat na ako sa kaniya dahil sobrang tulong na talaga ang ginawa niya para lang makabalik ako sa pag-aralan. Ipinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko siya madidismaya. Hind mapupunta sa wala ang iginastos niya sa akin. Ang sabi pa niya, siya na din daw ang bahala kapag gumastos kapag papasok na daw ako ng kolehiyo. "Sweetheart," tawag sa akin ng asawa ko nang tapos na siyang maligo at lumabas ng banyo dito sa villa. Tumingin ako sa kaniya habang nagbabasa ako sa cellphone. Umupo siya sa gilid ng kama habang suot niya ang makapal na bathrobe at pinapatuyo niya ang kaniyang buhok sa pamamagitan ng tuwalya. "Bakit?" "Kailangan pa pala natin pumunta ng OB, para mapacheck up ka." he said suggestively. Napaletra O ang aking bibig. "Ay, oo nga pala." pasang-ayon ko. "Kailan pala tayo pupunta?" sabay napasapo ako sa aking tyan. Lumingon siya sa akin. "Uhm, before ka pumasok ng school. Para maingatan natin si baby." Kusa akong napangiti. Nararamdaman ko na talaga na nagiging ama na siya sa magiging baby namin. "Walang problema sa akin. Kung ano ang makakabuti kay baby, go ako." wika ko pa. Kahit siya ay napangiti. Inilapit niya ang kaniyang sarili sa akin. Tumabi siya. Marahan niyang idinapo ang kaniyang palad sa aking tyan. "Sana lalaki." he said. "Bakit gusto mo lalaki?" nagtatakang tanong ko. Nagtama ang mga tingin namin. "Para ipaparamdam ko sa kaniya kung ano ang hindi mo naramdaman kay baba." may halong seryoso at lambing sa boses niya nang sagutin niya iyon. "Mamahalin ko siya, aalagaan ko siya, na hindi nagawa ni baba sa akin." hinawi niya ang aking takas na buhok na para bang mas lalo niya ako masilayan. "At ganoon din ang gagawin ko sa iyo." ginawaran niya ako ng maliit na halik sa aking sentido. "Russel..." "Hmm?" "Hinding hindi makakalimutan ang ipinangako na binitawan ko habang nasa harap tayo ng altar." malumanay kong sambit. "Kahit masyado pang maaga para maging asawa mo at maging nanay, gagawin ko ang best ko para maging karapat-dapat ako bilang asawa ng isang Hochengco." Nakatitig siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko. Marahan siyang pumikit. Inilapit niya ang kaniyang mukha saka idinikit niya ang kaniyang noo sa aking sentido. "You don't have to, sweetheart." masuyo niyang sabi. "Though you are not classy or elegant, I'm still loving you, Jelly." Pumikit din ako para mas lalo ko siya maramdaman. Mas lumapad ang ngiti ko, kasabay na tila hinahaplos ang aking puso sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko aakalain na magagawang magbago talaga ng isang Russel Anthony Ho. Sa pagkakataon na ito, wala akong pinagsisihan. ** Hanggang sa mga huling sandali namin sa Amanpulo, sinusulit namin ang pagstay namin dito. Kinakailangan na namin bumalik ng Cavite dahil super late na ako't hindi nakapasok dahil sa mga nangyari. Hindi na kami sa ancestral house titira. Tulad ng sinabi sa akin ni Russel ay nagpatayo na siya ng bahay at doon daw kami titira at bubuo ng pamilya. Naeexcite na ako kung ano ang hitsura ng disenyo ng bahay na tinutukoy niya. Hindi naman ako naghahangad na malaki o engrandeng bahay. Ang importante lang sa akin ay may bahay kami. Na kakayanin naming bumukod kung sakali. Na mapag-aaralan namin kung ano ang buhay bilang mag-asawa, ang bagong yugto ng mga buhay namin. Kahit bungalow style pa iyan, ayos na ayos sa akin. Bago ang kasal ay sinusiguro sa amin ng mga Hochengco na maalagaan daw ako, lalo na't buntis ako. Nasa sinapupunan ko ang anak ni Russel. Kaya aalagaan ko din ito ng husto. Sinabi din nila sa akin na kapag may oras daw sila ay bibisitahin daw nila ako para macheck nila ako. Tumigil ang sasakyan ni Russel sa tapat ng bahay na dalawa ang palapag. Hindi ko mapigilang mamangha dahil nasa loob kami ng subdivision. Nasa bandang Tagaytay kami. Pakiramdam ko tuloy ay pang-mayaman talaga ng subdivision na ito! Unang bumaba si Russel. Hinihintay ko siya na pagbuksan niya ako. Nang tuluyan na niyang buksan iyon ay nilahad niya ang kaniyag palad sa akin. Hindi ako nag-atubiling tanggapin iyon. Inaalalayan niya akong makababa hanggang sa nakarating na kami sa loob ng bahay. Mas lalo ako namangha dahil sa ganda ng pagka-interior nito. May iilang kasangkapan na may bakas na pagiging chinese dahil nasa tradisyon na ng mga Hochengco iyon. Nabanggit din sa akin ng asawa ko na naghired na daw siya ng kahit dalawang maid at isang cook para daw may makasama ako dito sa bahay habang wala siya dahil mapapadalas daw siyang wala dahil sa itinnatayong negosyo na dito lang din sa Tagaytay. Hindi na ako tumanggi dahil tingin ko naman ay makakatulong din iyon sa akin. "Nagustuhan mo ba?" malambing niyang tanong. Matamis akong ngumiti at bumaling sa kaniya. Agad akong tumango. "Ang ganda, Russel! Ito pala ang ipinagawa mo kina Sir Vaughn at Sir Kalous—" "In-laws mo na sila, sweetheart. Drop the formality." pigil niya sa akin. Ngumiwi ako. "Sorry, nasanay na kasi ako." sabi ko. Huminga siya ng malalim at hinalikan niya ang buhok ko. "Ang cute mo talaga." mahina niyang sambit. Dumapo ang palad niya sa aking bewang. "Dadalhin na kita sa magiging kuwarto natin." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Maingat niya akong iginiya habang paakyat ng hagdan hanggang sa narating namin ang pangalawang palapag. May mga pinto na tumambad sa amin. May isang pinto doon na nakaawang. Madadaan namin iyon bago namin marating ang Master's bedroom. Tumigil ako sa tapat n'on at mas nilakihan ko ang awang ng pinto. Napasinghap at napasapo ako sa aking bibig nang tumambad sa amin ang laman ng kuwarto. May kuna, nakapintura na ang mga pader na may mga drawing pambata... May mga laruan din! Ito pala ang magiging kuwarto ng baby ko! "Russel..." sabay lingon ko sa kaniya na ngayon ay nakasanda siya sa hamba ng pinto, nakahalukipkip at nakangiti. Tila inaabangan niya ang magiging reaksyon ko. "Naihanda mo na pala ang mga ito!" Mas lumapad ang ngiti niya. Umalis siya mula sa pagkasandal niya doon at humakbang palapit sa akin. "Yeah, niready ko na ito. Puro unisex nga lang ang iba dahil hindi pa natin alam kung ano ang gender ng baby natin." malambing niyang sabi. Oh s**t. Heto na naman ako. Ramdam ko na naman ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Umaandar na naman ang pagiging emosyonal ko! "Don't cry, please?" mas nilambingan pa niya ang kaniyang boses. "Hindi ko kayang umiyak ka sa harap ko, sweetheart." "Thank you talaga, Russel..." garagal kong sabi. "Anything for you and for our baby. Ibibigay ko kung ano ang makakaya ko." ** Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang papalapit na kami sa Parking Lot ng Unibersidad kung saan ako mag-aaral para sa loob ng dalawang taon. Nagpag-usapan din namin ni Russel na ihahatid-sundo niya ako. Sakto pa naman sa akin ang uniporme na pinili niya kaya tingin ko naman ay magiging komportable naman ako. Nakapagcheck up na kami ni baby. As always, sinamahan kami ni Russel. Nakakatuwa nga lang dahil mas excited pa siya kaysa sa akin. Siya pa ang panay tanong sa OB kung ano ang mga bawal at pupwede sa akin. Panay tipa pa niya sa kaniyang cellphone para reminder daw niya. May mga vitamins din na nireseta sa akin ng OB. Ang mas naakatawa pa, imbis na ako ang nagger, siya pa ang nagger sa aming dalawa. Yes, he's a nagger husband pagdating sa pagbubuntis ko. Kapag inaatake naman ako ng morning sickness, sinasamahan niya ako sa banyo, hinahagod niya ang aking likod kapag nasusuka o naduduwal ako. Siya pa ang nagluluto ng mga pagkain kung saan ako madalas naglilihi. Sa mga ginagawa niya, hindi ko maitanggi na mas lalo ako nahuhulog sa kaniya. Naappreciate ko ang sakripisyo niya para sa amin ng magiging anak niya. "Dito nalang ako, Russel." nakangiting sabi ko nang naipark na niya ang sasakyan. "Alright. Please, be careful. Kapag may masakit sa iyo, tawagan mo ako agad. Nasa bag mo na ang mga kailangan mo." paalala niya sa akin. "Yes, sir!" sabay sumaludo pa ako na ikinatawa niya. I almost crawl myself towards him. I give him a peck on his cheek. "Mag-iingat ka din sa pagmamaneho, ha? Opo, tatawagan po kita kapag may masakit sa akin." "Iwasan mo ang mga gamot, sweetheart. Kahit biogesic pa yan." he said. Tumango ako. "Opo, Mr. Ho." "And please remember, I love you, always, Jelly." Kinagat ko ang aking labi habang nakatitig ako sa kaniya. "I... I love you too." mahina kong sabi. Siya naman ang humalik sa akin. Pero sa labi na. "Good luck sa first day of school." "Opo." binuksan ko na ang pinto sa gilid ko. Bago ko man isara iyon ay nagflying kiss pa ako sa kaniya. Natatawa niyang sinalo ang halik ko. Isinara ko na ang pinto ng sasakyan niya. Tumawid ako sa para makarating na ako sa building kung saan ang una kong klase. Nagpahabol pa ako ng lingon. Ngumiti ako sa kaniya saka kumaway. Kumaway siya pabalik sa akin. Binawi ko din ang tingin kong iyon at pumasok na ako sa building. Tumigil ako sa paglalakad nang makarating na ako ng lobby ng building. Humigpit ang pagkahawak ko sa strap ng aking bag. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Maraming estudyante ang abala na pumasok sa kani-kanilang classroom. Ang iba pa ay masaya nakikipagkwentuhan. Pero ang iba naman ay napatingin sa akin na may bakas na pagtataka sa kanilang mukha. Hindi na ako magtataka, dahil late enrollee na ako. Dalawang linggo nang nakalipas buhat an pagbukas ng klase pero ngayon lang ako nagpakita sa kanila. "Kaya mo ito, Jelly. You can do this." mahinang sabi ko sa sarili ko. Inilabas ko ang aking registration form. Nabasa ko ang nakasulat na pangalan sa papel. Mas lumapad ang aking ngiti na ang nakasulat doon ay nakakabit sa pangalan ko ang apelyido ni Russel. Jelly Doroteo-Hochengco. Muli ako nagpakawala ng hakbang. Taas-noo akong naglakad. Kahit na maaga akong nabuntis, swerte pa rin ako dahil kaya akong panagutan ni Russel. Lalo na't kasal ako. Dahil doon ay hindi iyon ang dahilan para mahiya ako... Na mababa ang tingin sa akin ng mga taong makakasalamuha ko. Iisipin ko nalang, ang diplomanang tanging maireregalo ko kay Russel bilang sukli ko sa mga sakripisyo niya sa akin. At para sa magiging anak namin na maipagmamalaki ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD