chapter eight

2318 Words
Tulad nang ipinangako ni Russel ay natulong siya sa mga gawain dito sa bahay. Sino ang mag-aakala na ang isang Russel Athony Hochengco ay nagsisibak ng kahoy? Nag-iigib ng mga tubig? Naakyat ng puno para lang manguha ng mga prutas para sa aming magkakapatid? Minsan pa ay sinasamahan niya ako na ihatid at sunduin ang mga kapatid ko sa paaralan. Nakakatuwa lang isipin dahil marunong siyang makisama kahit sa pamilya ko kahit na malayong malayo ang buhay ang nakagisnan ko sa nakagisnan niya. Ni minsan ay wala akong narinig mula sa kaniya na reklamo o nahihirapan man siya. Nagpapasama pa nga siya sa akin sa palengke dahil siya ang magluluto dahil ang katwiran niya sa akin para hindi na daw magluto si mama pagdating nila ni papa dito sa bahay. Natulong din naman ako sa kaniya kahit sa paghihiwa lang ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Hindi maiwasan na sumpungin ako ng mga sintomas ng pagbubuntis ko. Malaking pasasalamat ko nalang dahil hindi umaalis sa tabi ko si Russel. Kapag may gugustuhin man ako, bibilhin o gagawin niya. Tuwang-tuwa ako sa kaniyang mga mata sa tuwing tinititigan ko ang mga iyon. He have a pair of expressive black-brown eyes. Kahit wala pa man siyang sinasabi o ginagawa, sa pamamagitan ng mga mata niyang iyon ay nalalaman ko na kung ano ang gustong ipahiwatig ng mga iyon sa akin. Siya din mismo ang nagboluntaryo na sa Salas nalang daw siya matutulog kahit na pinapatulog na siya ng mga magulang ko sa mismong kuwarto ko tutal naman daw ay magiging mag-asawa na daw kami di kalaunan. "Minsan po ako nagkakamali kay Jelly pero nirerespeto ko po pa rin ang anak ninyo tulad ng pagrespeto ko sa tahanan na kinalalakihan niya." iyan ang pagdadahilan niya sa amin nang tanggihan niya na matulog kami sa iisang kuwarto. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mga salita na binitawan niya. Napatingin ako sa bintana ng kuwarto ko. Gabi na at paniguradong tulog na ang mga kasama ko dito sa bahay. Si Russel kaya? Nakatulog na? Tumayo ako mula sa pagkaupo ko sa gilid ng katre. Dinaluhan ko ang pinto at binuksan iyon. Sinilip ko ang Salas kung tulog na ba siya. Pero nadatnan ko siyang gising pa at nakatutok siya sa hawak niyang iPad. Seryoso ang kaniyang mukha. Dahil din siguro sa kuryusidad ay humakbang ako palapit sa kaniya. Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Bakas sa mukha niya na tila nagulat pa siya nang makita niya akong gising pa. "Sweetheart?" tawag niya sa akin nang tumayo siya. Nilapitan niya ako. "Hindi ka ba makatulog? May gusto ka ba?" Agad akong umiling at ngumiti. "Tiningnan lang kita kung nakatulog ka na ba." turan ko. Inilipat ko ang tingin ko sa iPad. Sinundan niya iyon ng tingin. Napatingin din siya sa iPad na ngayon ay nakapatong sa mababang mesa. Bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko at marahan niya akong inilapit patungo sa kaniya hanggang sa matagpuan ko nalang ang sarili ko nakaupo na sa kandungan niya. Ipinakita niya sa akin kung anong meron sa iPad niya. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang mga larawan na ipinadala ni Sir Keiran at ang asawa niyang si Ma'm Naya. "They suggest all of these, sweetheart." malambing niyang sabi sa akin. "What do you think?" Mas lalo lumapad ang aking ngiti nang makita ko ang set up ng mga beach wedding na idadaos sa Puerto Galera. Ang gaganda lahat. Halos wala akong mapili dahil lahat ang mga ipinakitang picture ay maganda kahit iba't ibang klase pa iyon. "Ang gaganda, Russel..." kumento ko habang nanatili ang tingin ko sa mga larawan. "May nagustuhan ka ba?" muli niyang tanong. "Let me know para masabi ko na kina ahia. By the way, may nakuha na akong wedding singer. Si Flare Hoffman ang kinuha ko." Agad ko siya sinulyapan na namimilog ang aking mga mata. "S-seryoso ka? Hindi ba, sikat na singer iyon? Talagang siya ang kinuha mo para maging wedding singer?" hindi makapaniwalang tanong ko. Malapad siyang ngumiti. Dinampian niya ang halik ang balikat ko. "Yep. Bestfriend siya ni Keiran ahia. Ang asawa naman niya na si atsi Elene, bestfriend ni Naya." "Wow..." halos nawalan na ako ng tinig nang sambitin ko iyon. Iba talaga ang pamilyang ito. Kahit sikat na singer na si Flare Hoffman, may koneksyon talaga sa kanila. "Our wedding is very special moment in our life, sweetheart. Especially for you. Ibibigay ko ang lahat na meron ako." namamaos niyang sabi na muli niyang dinampian ng halik ang aking balikat. "Because you worth it." ** "Russel..." naiiyak kong tawag sa kaniya. Kausap ko siya ngayon sa telepono. "Ang pangit ko na. Nakakahiya magpakita sa iyo!" "Sweetheart, please don't say that. Kahit anong mangyari, ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko. Hihintayin kita sa altar kahit anuman ang mangyari. Hinding hindi ako aalis doon hanggang sa kasal ka na sa akin." bahid sa boses niya ang pag-aalala. "Maghihintay ako, Jelly." Ngumuso ako. Ako na ang nagputol ng tawag. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Napatingin ako sa bintana ng hotel room. Naghihintay ako ngayon na sunduin ng wedding planner at ang mga assistant niya. Dahil sa ngayong araw na gaganapin ang kasal namin ay mas lalo bumuhay ang pinaghalong kaba at excitement sa sistema ko. Hindi ako makapaniwala na ngayong araw ay magiging ganap na akong Hochengco—na magiging asawa na ako ni Russel. Sa buong buhay ko, hindi ko inaakala na isang araw ay makakaranas ako ng kasal na akala ko lang din ay hanggang pangarap lang. Napasapo ako sa aking tyan. Dumapo ang tingin ko doon na nakangiti. "Anak, ikakasal na ako sa daddy mo... Masaya ka rin para sa akin, hindi ba?" malambing kong tanong sa kaniya kahit alam kong bigo ako makakuha ng sagot mula sa kaniya. "Hihintayin ka namin na lumabas. Aalagaan ka namin..." Rinig ko na may kumatok sa kuwarto na ito. Agad akong sumulyap doon. Kusa iyon nagbukas. Tumambad sa akin ang dalawang babae. Sila ang nag-organize ng kasal namin ni Russel. "Good afternoon po, Miss Jelly. Nakaready na po ang lahat sa labas. Kayo nalang po ang kulang." wika ng wedding planner sa akin. Tumayo na ako sa white leather chair. Agad nila ako dinaluhan para alalayan nila ako. Alam din kasi nilang buntis ako kaya doble ang pag-iingat nila sa akin. Naalala ko pa na nagbilin si Russel sa kanila na ingatan daw ako dahil hindi niya daw mapapatawad ang kaniyang sarili kapag may nangyari daw na masama sa akin kaya heot nga't ginawa na ng mga kasama ko ngayon ang paalala ng mapapangasawa ko. Hanggang sa nakalabas na kami sa Hotel. Kaunting lakad pa at makakarating na kami sa beach kung saan kami ikakasal ni Russel. Mas lalo pa ako naging komportable sa suot ko dahil sa rubber shoes na suot ko. Hindi ako mahihirapan sa paglalakad. Nakakatuwa lang dahil sumakay pa ang groom ko sa trip ko. Gusto ko tuloy siya makita ngayon! Hindi na ako makapaghintay! Tumigil lang ako sa paglalakad nang nasa harap na ako ng isang malapad na kurtina na magsisilbing pinto. Natatandaan ko pa naman ang praktis namin kaya ayos lang ako. May tumunog na gitara sabay na humawi ang kurtina sa harap ko. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa akin ang mga bisita, ang mga pamilya namin, ang altar, may mga photographer at videographer na kinuha pa ni Russel para sa espesyal na araw na ito. Hindi ko akalain na maganda ang pagkaayos ni Russel para sa araw na ito na hinding hindi ko makakalimutan. "Ooh, ooh, ooh, ooh... Ooh, ooh, ooh, ooh..." Nahagip ng mga mata ko si Russel na nakaputing tuxedo. He clasped his hands infront of him. Agad niya ako binigyan ng matamis na ngiti, kaya napangiti na din ako. Nasa tabi niya si Sir Keiran bilang best man niya. Tulad niya ay malapad din ang ngiti nito. Nagsimula na akong maglakad sa aisle habang pinapakinggan ko ang magandang musika na paligid na tulad ng sabi sa akin ni Russel, ang mga kakanta ng wedding song namin ay si Sir Flare at ang asawa nito na si Ma'm Elene. "Full moon, bedroom, stars in your eyes Last nigt, the first time that I realized The glow between us felt so right We sat on the edge of the bed and you said I never knew that I could feel this way Love today can be so difficult But what we have I know is different 'Cause when I'm with you the world stops turning... Could I love you any more? Could I love you any more? Could I love you any more?" Hindi mabura ang mga matatamis na ngiti sa aking mga labi habang nakatutok na ang mga cellphone nila sa akin. Mas humigpit ang pagkahawak ko sa wedding bouquet para ibuhos doon ang kaba na aking nararamdaman. "Sunrise, time flies, feels like a dream Being close inhaling hard to believe Seven billion people in the world Finding you is like a miracle Only this wonder remains..." Sa mga linya na kinanta nila iyon ay ramdam ko ang pagpiga sa aking puso, hindi maalis ang tingin ko kay Russel na ngayon ay parang nag-aalala kung anong nangyayari sa akin. Sa punto na ito, parang gusto na niya akong daluhan at sunduin na ako. Kung alam niya lang, damang dama ko ang kanta na naririnig ko ngayon. Hindi pa man matagal ang pagsasama namin pero ramdam ko ang gustong iparating ng kanta na iyon. Hanggang sa ramdam ko nalang ang butil ng luha na umaagos na ngayon sa aking pisngi. Oh my, ang make up ko! Baka masira! "Softly, slowly Love unfolding Could this love be true?" Nang nasa harap ko na siya ay nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Agad ko iyon hinawakan. Marahan niya akong inilapit sa kaniya. Tinititigan niya ang aking mukha na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "What's wrong, sweetheart?" namamaos niyang tanong sa akin. "I feel... Touched again by you, Russel." hindi ko mapigilang tugunan ang kaniyang tanong. "This is very momerable and I keep remember this moment from this day on..." He smiled with relief. "You made me worried while you're walking." saka naglabas siya ng panyo at siya ang mismo nagpunas ang mga takas kong luha sa akin. "I'm sorry." "Don't be." saka hinalikan niya ang likod ng aking palad. Maingat niya akong iginiya patungo sa altar. "Ang ganda mo talaga. You're very prestine." Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko sa compliment niya. Nang nasa harap na namin ang pari ay nag-umpisa na din ang kasal. Hindi inaalis ni Russel ang kamay mula sa pagkahawak niya sa aking kamay. Imbis ay mas hinigpitan pa niya ang pagkahawak niya doon. Hindi maiwasan na nagkakatinginan kami sa isa't isa na may tamis sa aming mga labi. "Are you ready to be my wife, sweetheart?" bulong niya sa akin habang nagsasalita pa ang pari. "I am, Mr. Ho." malambing kong tugon. Now we're exchanging I do's. Itinapat sa kaniya ang mikropono. "Will you, Russel Ho, cherish Jelly Doroteo as your lawful wedded wife, protecting her, and tending to her needs through illness and health?" Mataimtim na nakatitig sa akin si Russel. "I do." mabilis niyang sagot. Rinig namin ang kantyaw sa kaniya ng mga pinsan niya. Sa akin naman inilipat ang mikropono. "Jelly Doroteo, do you love Russel Ho willingly and completely, withholding nothing? Will you protect him, and give him your deepest considerations of his feelings, desires and needs?" Ngumiti ako kahit na nakatitig kay Russel. "I do." Kinagat niya ang kaniyang labi para pigilan ang sarili niyang mapangiti. He mouthed me, "I love you." I mouthed back, "I love you too." And exchanging of vows and rings... Marahang kinuha ni Russel ang isang kamay ko. "Sweetheart, I know our first meeting is bad and I know I'm harsh on you. I don't know the word home. I know, I'm the worst person have you ever met. Pero nang unti-unti na kitang nakikilala, your so lovely and understanding. You understand and you saved me from my worst, and you always there for me. I want to make this promise based on the love that you have shown me and the things you have done to keep my hopes alive: Treasure, today, I declare my love for you alone. I promise you to worthy of your love. I promise to love, care and protect you, be there for you in good and bad times because you and our child are worth dying for. I love you." saka pinadausdos niya ang singsing sa aking daliri. Heto na naman ang mga luha ko, bumuhos na naman! Kinuha ko na rin ang singsing sa gilid ko at hinawakan ko ang kaniyang kamay. Sa akin naman itinutok ang mikropono. Kahit na may mga luha na ang mga mata ko ay sinikap ko pa rig tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata. "Russel, you are the wildest man I have ever known. But I saw your tenderness towards me. You're touched my life so deeply in your own way and I keep remembering those good deeds and made me fall for you, everyday. In this new chapter of our lives, there have a few speed bumps in our road, but we always stay hand in hand. I will offer my love, so you won't walk alone. I promise to be your best friend, a consoler, navigator and your wife. Keep believing and understand you. I pledge myself to you from on, my Mister Hochengco." at isinuot ko sa kaniya ang singsing sa kaniyang daliri. "Ladies and gentlemen, please all welcome, Mr. & Mrs. Russel Anthony Hochengco!" Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Ang iba pa sa kanila ay tumayo pa. Hinawi na din ni Russel ang bello at nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. Humirit na ng mga bisita ng halik. Oh, God... Nagkaharap si Russel sa akin. Kinagat niya ang kaniyang labi. Hinapit niya ang bewang ko. Kusang pumikit ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko. Mas lumakas ang hiyawan sa paligid. Kahit ganoon ay patuloy pa rin nagdiriwang ang puso ko sa saya. "You're finally mine, sweetheart." namamaos niyang sambit nang nagkahiwalay na ang mga labi namin. "So, are you ready, my Mrs. Ho?" Pinipigilan kong ngumiti. "My heart is yours, Mr. Ho. So I'm ready." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD