chapter seven

2086 Words
Panay kabog ng aking dibdib habang papalapit na ang sasakyan sa Barrio. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang lunok na din ako. Hindi ko talaga maiwasan na kabahan. Kasabay na may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Kasama ko si Russel. Land trip ang ginawa namin papuntang Mindoro. Tatawid lang naman ng dagat at ilang oras lang din naman ang byahe mula Cavite. Ngayong araw ay ipapakilala ko na siya sa pamilya ko. Alam kong madidismaya sila sa ihahatid kong balita sa kanila—lalo na ang mga magulang ko. Dahil ang alam lang nila ay nag-aaral ako ngayon kahit ang totoo ay hindi. Ilang beses na akong nangangalangin sa isipan ko na sana ay dapuan ng good vibes ang mga magulang ko. Lalo na si papa. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang simpleng bahay. Muli na naman akong napalunok nang nahagip ng mga nakakabata kong kapatid na sina Trina na masayang naglalaro ng jack stone kasama ang mga kalaro at bunso naming kapatid na lalaki na si Yan na naglalaro ng tumbang-preso sa hindi kalayuan mula dito sa sasakyan. Napatingin ako sa mismong harap ng bahay namin na kasalukuyang nagwawalis si mama. Inilapat ko ang aking mga labi. Mas bumibilis ang kabog ng aking dibdib. Dumodoble pa yata ang aking kaba ngayon. Ngunit ramdam ko na may masuyong humawak sa aking kamay. Agad akong tumingin sa aking kaliwa. Tumambad sa akin ang mukha ni Russel na nakangiti. "Don't be scared, I'm here." he said softly. "Hindi ka nila masasaktan. Trust me." Isang hilaw na ngiti ang iginawad ko para sa kaniya. Sa pamamagitan ng mga salita na kaniyang binitawan, kahit papaano ay nabawasan ang takot at pag-aalala na naglalaro sa aking kalooban.  Kinalas niya ang suot niyang seatbelt saka lumabas siya ng sasakyan na dahilan para mapatingin ang mga tao sa kaniya. Ang iba sa kanila ay nagtataka, ang iba naman ay namangha, lalo na ang mga kababaihan na nasa edad ko. Dumiretso si Russel sa pinto para pagbuksan niya ako. Nilahad niya ang kaniyang palad. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin iyon hanggang sa maingat niya akong nailabas mula sa kaniyang sasakyan. Agad akong tumingin sa direksyon kung nasaan si mama na ngayon ay tumigil sa kaniyang ginagawa. Nakaawang ang kaniyang bibig at bakas din sa kaniyang mukha na hindi makapaniwala. "Jelly?" tawag ni mama sa akin. Isang mapait na ngiti ang umukit sa aking mga labi. "Ma..." Nabitawan niya ang hawak niyang walis tingting at nagmamadali siyang daluhan kami. Niyakap niya ako ng ilang segundo saka kumalas din. Ikinulong ng mga palad niya ang mukha ko. "Bakit napauwi ka dito sa atin? Anong nangyayari?" may bahid na pag-aalala sa kaniyang boses nang tanungin niya iyon. Bago ko man sagutin ang kaniyang katanungan ay nagkatinginan kami ni Russel. Tahimik lang itong tumango. Inilipat ko kay mama ang tingin ko at patuloy ko pa rin siyang binibigyan ng mapait na ngiti. "Ma... Si Russel po pala..." pakilala ko sa kasama ko. Bumaling si mama kay Russel na may pagtataka. Ilang segundo pa man lumipas ay ibinalik sa akin ni mama ang kaniyang tingin. Alam kong maraming katanungan ang nabubuo sa isipan niya ngayon. "Good afternoon po, Mrs. Doroteo. Russel Hochengco po pala." magalang na pagbati niya sa nanay ko. Ang mas hindi ko inaasahan ay nagmano siya! "Ah.. Eh, ang mabuti pa, pumasok na muna tayo sa loob. Mainit dito sa labas. Ang mukhang pagod kayo sa biyahe." malumanay niyang sabi. Sumunod kami sa kaniya hanggang sa narating na namin ang loob ng bungalow style na bahay namin. Wala si papa ngayon, paniguradong nasa bukod siya ng mga ganitong oras at abala sa mga ani. "Ay, sandali lang ha? Uutusan ko lang itong mga kapatid mo na bumili ng meryenda." aligagang sabi ni mama saka lumabas muna ng bahay para puntahan ang dalawa kong kapatid sa labas. Nagtama ang mga tingin namin ni Russel. Hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga sa harap niya. "Papaano natin sasabihin sa kanila ito?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya. "Matatanggap din nila. Gagawa pa rin ako ng paraan para pumayag sila na hingin ko ng kamay mo. Kukumbisihin ko sila." masuyo niyang sabi. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinampian niya ng halik ng likod ng aking palad. Gumuhit ang isang maliit na ngiti sa aking mga labi. Hay, Russel Ho. Bakit ang dali para sa iyo na pakalmahin ako? Ao bang meron sa iyo at nagagawa mo sa akin ang mga bagay na ito? ** Pinapanood ko lang kung papaano nag-uusap sina Russel pati si mama. May mga tinatanong si mama tungkol kay Russel. Kung tagasaan ito, kung anong trabaho. Pero hindi pa binabanggit ni Russel kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan niya. Siguro ay dahil mawindang ng sobra ang nanay ko. Maigi na din iyon dahil may edad na din. At saka, hinihintay pa talaga namin ang dating ni papa galing bukid para maumpisahan na namin kung talaga ang sadya ni Russel dito sa lugar namin. At heto na nga, bumuhay na naman ang kaba at takot sa aking sistema nang dumating na si papa. Suot ni papa ang itim na tsaleko at maong na pantalon na nakatupi pa ang laylayan nito. Nakatsinelas din siya. Nakasabit naman sa kaniyang bewang ang mahiwaga niyang bolo dahil palagi niya ito ginagamit sa kaniyang pagsasaka. "Jelly, anong nangyari at napauwi ka dito? Hindi ba ay pasukan ninyo na?" nag-aalalang tanong ni papa nang nakapagmano na ako sa kaniya. "At sino itong kasama mo?" Lumunok ako saka sumulyap kay Russel na nasa likuran ko. Humakbang siya palapit sa amin sabay lahad ng kaniyang palad kay papa. "It's nice to meet you, sir. I'm Russel Ho." pormal na pakikilala niya sa tatay ko. Seryosong nakatingin si papa kay Russel at tinanggap niya ang kamay nito. Sa tingin niyang iyon ay tila pinag-aaralan niyang mabuti ang kasama ko. "Taga-saan ka, Russel?" mas sumeryoso ang tono ng boses ni papa sa tanong niyang iyon. "Taga-Cavite po, sir. Tubong Caviteño po ako." "Oh siya, maupo muna tayo." sumunod kami sa kaniyang utos. "Ang sabi sa akin ng nanay mo, Jelly gusto ninyo daw ako makausap. Ano bang pag-uusapan natin?" Kinagat ko ang aking labi habang nakatingin kay papa na ngayon ay nag-aabang sa kung anuman ang sasabihin namin. "Pa, sorry po." garagal kong sabi. Kusang kumunot ang noo ni papa sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. Ibinuka ko ang aking bibig ng ilang segundo. "B-buntis po ako." Kita kong napasinghap si mama sabay sapo ng kaniyang bibig. Hindi makapaniwala sa ibinalita ko. "Diyosmiyo." bulalas niya. "At ang lalaking ito ang ama ng dinadala mo, Jelly. Tama ba?" malamig na turan ni papa sabay seryoso siyang bumaling kay Russel. Bumaling din ako kay Russel na ngayon ay parang kampante lang siya sa nangyayari. Wala akong makitang takot o kaba sa ekspresyon sa kaniyang mukha. Para bang balewala lang sa kaniya kung sakaling magalit sa kaniya ang tatay ko. Ibinalik ko kay papa ang tingin ko. "O-opo..." saka yumuko ako dahil sa hiya at takot. Tila nanigas ako sa kinauupuan ko nang biglang hinawakan ni Russel ang isang kamay ko. Medyo nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Tumingin ako sa kaniya. Seryoso din siyang nakatingin ng diretso sa aking ama. Tila nagtatagisan sila ng tingin sa mga sandali na ito. "Pananagutan ko po si Jelly, sir." seryoso sabi ni Russel. "Narito lang ako para pormal kong hingin ang kamay ng anak ninyo. Papakasal ko rin siya sa oras na pumayag kayo." "Russel..." mahina kong tawag sa kaniya. "Pero nag-aaral pa ang anak ko. Disiotso palang siya—" "Huwag ninyo pong alalahanin ang pag-aaral niya. Ang gusto ko sanang mangyari ay papakasalan ko muna siya bago siya pumasok ng eksuwelahan. Kahit na ganoon ay hindi siya mahihiya sa sarili niya kahit na dala niya ang anak namin habang nag-aaral siya. Ako na po ang bahala sa lahat. Huwag din po kayo mag-aalala. Aalagaan ko nang mabuti ang anak ninyo. Hinding hindi ko siya pababayaan." paliwanag niya. Natigilan kami sa sinabi niya. Si papa naman ay nanatiling malamig ang tingin niya sa kasama ko. "Kailan ninyo balak magpakasal kung ganoon?" muli niyang tanong. Ngumiti siya. "As soon as possible po. Ang gusto ko sanang mangyari, dito po kami ikasal. Sa Mindoro para hindi na rin po kayo mahirapan para lumuwas ng Cavite." sagot niya. "Kaya kung ayos lang po ba sa inyo na dumito muna ako habang inihanda po namin ang mga kakailanganin para sa kasal." "S-sigurado ka ba, iho?" hindi makapaniwalang tanong ni mama. "Papaano naman ang pamilya mo?" Tumango siya. "Opo. Siguradong sigurado po ako. Napag-usapan na din namin ni Jelly na gusto niya ng beach wedding kaya naisip ko na tamang-tama sa Puerto Galero idadaos ang kasal." sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Huwag po kayo mag-aalala. Tutulong din po ako sa inyo. Susunod ang pamilya ko dito." Nagkatinginan sina mama at papa. Bakas sa mga mukha nila na wala na silang magagawa pa. ** Pagkatapos maghapunan ay sinundan ko si Russel na ngayon ay nakaupo sa labas ng bahay. May hinithit siya sa isang bagay saka makapal na usok ang ibinubuga niya. Sa tingin ko naman ay hindi sigarilyo iyon. Napatingin siya sa gawi ko. Napangiwi ako. "Okay lang ba na tumabi ako sa iyo?" tanong ko. Tumango siya saka pinatay niya ang device na hawak niya kung saan siya nahithit. Ipinatong niya iyon sa kaniyang tabi. Humakbang ako palapit sa kaniya saka umupo sa kaniyang tabi. "May dinadamdam ka ba?" nag-aalala niyang tanong. Agad akong umiling bilang sagot. "Wala naman pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na kaya mong humarap kay papa." mahina kong sabi. "Lalo na't binanggit mo sa kanila tungkol sa pag-aaral ko." Ngumiti siya at hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit niya iyon hinawakan. "Sinabi ko sa iyo ang dahilan ko, Jelly. Responsibilidad kita." pahayag niya. Nagtama ang tinginan naming dalawa. Sa totoo lang, noong nakaharap niya si papa, nang sabihin niya sa mga magulang ko kung ano ang magiging set up namin, tila hinahaplos ang puso ko. Nakita ko ulit ang kaseryosohan ng kaniyang mukha tulad nang sabihin niya sa mga Hochengco na pananagutan niya ako. Ang buong akala ko, hindi niya ako magawang panagutan. Pero habang tumatagal, nakikita ko ang soft side na meron siya. Oo, ayaw niyang matulad sa kaniyang ama na si Damien Ho kaya naappreciate ko ang efforts niya. Lalo na't naglilihi ako ngayon. Alam kong nahihirapan din siya sa mga pinag-iinarte ko. "Russel," tawag ko sa kaniya. "Yes?" Bigla kasi may sumagi sa isipan ko kanina. "Bakit pala agila ang tattoo mo sa likod? Anong ibig sabihin n'on?" inosente kong tanong. Kumurap siya saka huminga ng malalim. Tumingala siya sa kalangitan. "It symbolize power, freedom and the liberty to move ahead." he answered. "Pinasadya ko talaga sa tattoo artist that the eagle must be flying, because it considered bring good luck, well, suggesting that you'd be victorious in your endeavors." Tumangu-tango ako na tila naiitindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Once we married, idadagdag ko pa ang isa pang agila sa tattoo ko." dagdag pa niya. "Huh? Bakit naman?" "Because, it symbolized that you have ultimately achieved your goal." mataimtim siyang nakatitig sa aking mga mata. "You and our child are my goals right now." Kinagat ko ang aking labi. Pinipigilan ko ang sarili ko na mapangiti. I heard him chuckled. "Russel." muli kong tawag sa kaniya. "Hmm?" Ngumuso ako. "Hindi ako maghi-heels sa kasal natin." "What? I mean, why?" Bumaling ako sa kaniya saka ngumiwi. "Hindi kasi ako sanay sa mataas ang takong. Baka madapa ako habang naglalakad sa aisle at saka, buntis ako. Diba? Diba?" Siya naman ang tumango. "So, what my bride-to-be wants?" mas malambing niyang tanong. "Pwede bang magrubber shoes tayo? 'Yung pareho ang design tapos pareho puti para hindi halata." Ngumiti siya. "Of course. As my bride's wish is my command." Umaawang ang bibig ko dahil pumayag siya! Ang dali pala niyang pumayag ngayon! "T-talaga? Okay lang sa iyo?" hindi makapaniwala kong tanong. "Yep." dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Pero sa sandali na ito, parang nabato ako sa posisyon ko na ito. Kaya ang tanging magagawa ko lang ay pumikit ng mariin, hanggang sa naramdaman ko ang mga labi niya sa tungki ng aking ilong ng dalawang segundo. Sa pagdilat ko ay nagtama uli ang mga tingin namin. "You own me, sweetheart. Whatever I do, whenever I go, I belong to you. Remember that." "Russel..." "Yes, sweetheart?" I gasped. "I.. Fell inlove with you the way you touched me without using your hands..." I said breathlessly. "You're not the only one. I have never been like this. I could not felt this way before. But when I'm with you, there are only two times I want to be with you," pumikit siya at isinandal niya ang kaniyang noo sa akin. "Now and forever." Sa mga sinabi niya, kusang nag-amok na naman ang puso ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD