Halos mapunit na ang mga mga pisngi ko sa kakangiti habang isa-isa kami nagpapaalam sa mga kamag-anakan ni Russel. Hindi rin nila maipagkailan na maski sila ay malalaki din ang kanilang tuwa dahil sa ibinalita ni Russel para sa kanila. Hindi ako natutuwa hindi dahil sa pananagutan ako, dahil sa nakikita ko kung papaano unti-unti nagbabago ang pinakabunsong myembro ng angkan. Pero may kalungkutan pa rin sa parte ko dahil hindi man lang nakarating ang ama nina Sir Keiran at Russel na si Sir Damien Hochengco. May importante kaya itong gagawin kaya hindi siya nakadalo?
Gusto ko sanang itanong kung bakit pero pinili ko nalang na huwag na lang dahil ayokong masira ang mood ng isang ito. Napasapo ako sa aking tyan. Yumuko ako para dumapo ang tingin ko doon, muli gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.
Hinatid lang namin ng tingin ang mga Hochengco na isa-isa nang umaalis sa harap namin. Ang iba pa sa kanila ay kumakaway pa sa amin na may ngiti sa kanilang mga labi. Ang iba naman sa kanila ay nagpapahabol pa ng paalam. Kumaway din kami sa kanila pabalik. Hanggang sa nawala na tuluyan na silang nawala sa aming paningin.
"Pasok na tayo." marahan na wika ni Russel sa akin. Bumaling ako sa kanila. Napalunok ako, napapansin ko kasi na napapadalas na ang pagiging palangiti niya ngayong gabi.
"May mga liligpitin pa sa Kusina." pahayag ko.
He gently pat my head. "Bahala na ang mga maid sa mga kalat. For now, you have to take some rest. Bawal sa mga buntis na mapagod at mapuyat ng husto." sabi niya na hindi nawawala ang pagiging mahinahon niya.
Tumango nalang ako. Ang siste, parang kakapusin na naman ako ng hininga dahil ramdam ko na dumapo ang isang palad niya sa aking bewang. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na ako ng ganito.
'Isipin mo nalang, gawa din ng hormones mo ang ganitong pakiramdam, Jelly!' sa isip ko.
Nang marating na namin ang guest room ay mas lalo ako nagtataka kung bakit hindi pa naalis si Russel. Kumunot ang noo ko. Tinanong ko siya kung may problema ba.
"I'm wondering, mukhang hindi na tama na dito ka pa rin papatulugin." sagot niya habang pinapasadahan niya ng tingin ang silid.
Mas lalo gumuhit ang pagtataka sa aking mukha sa kaniyang isinagot. "What do you mean by that?" muli kong tanong.
Humakbang pa siya palapit sa akin at nakapameywang. Nakatitig siya sa aking mukha. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. Wait, heto na naman ang puso ko. Ano na naman nangyayari? Bakit parang hindi na naman ako makahinga? "Ikakasal na tayo, siguro, oras na para matulog na tayo sa iisang kuwarto." simple niyang sagot.
Napaamang ako na nanlalaki ang mga mata. "W-what?" mahina kong sambit.
Hindi ko mapigilang tumili nang bigla niya akong binuhat na animo'y bagong kasal! "Russel! Anong ginagawa mo?!" malakas kong sabi.
"Huwag kang malikot. Dadalhin kita sa kuwarto ko."
Doon ako natigilan. Ano daw?! Dadalhin niya ako sa kuwarto niya? Seryoso ba isang ito?! Talagang paninindigan niya na magiging asawa ko siya?!
**
Maingat niya akong pinaupo sa malapad at malambot na kama. Napatingin ako mukha ni Russel na ngayon ay seryoso na. Pero mas lalo ako nanigas sa posisyon ko na ito nang sulyapan niya ako. Nagtama ang aming tingin. Ang malala pa doon, medyo malapit na ang mukha niya sa akin. Pakurap-kurap akong nakatingin sa kaniya.
Unti-unti sumisilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Cute," rinig kong kumento niya.
"H-ha?"
He chuckled. "Nothing. Kukunin ko muna ang mga damit mo sa guest room para mailipat ko na dito. Can you manage yourself?"
Tila naging pipi ako sa kaniyang tanong kaya ang tanging nagawa ko lang ay tumango nang tahimik. Nagpaalam siya sa akin na babalik siya. Sasaglit lang daw siya. Hinatid ko lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis dito sa kaniyang kuwarto. Napasapo ako sa aking dibdib at kumawala ang isang malalim na buntong-hininga. Tila nabunutan ako ng tinik sa tagpo naming iyon.
Umalis ako sa ibabaw ng kama para maghinaw na sana ng katawan nang biglang may tumunog sa bandang likuran ko. Lumingon ako. Napukaw ng atensyon ko ang isang bagay na umiilaw. Ang cellphone ni Russel! Kumunot ang noo ko at hindi ko alam kung ano ba ang nagtulak sa akin para lapitan ang telepono. Nang nahawakan ko na ito ay mas lalo ako nagtaka dahil pangalan ng isang babae ang nakasulat bilang caller.
Jocelyn? Who is she?
Hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon saka idinikit ang telepono sa aking tainga.
"Russel! Oh my God! Finally, sinagot mo ang tawag ko!" bulalas ng babaeng nangangalang Jocelyn. "Listen, Russel. I need your help. I need to get away here! Nadatnan ako ni PJ! Alam mo naman kung bakit kailangan kong lumayo sa kaniya, hindi ba?"
Hindi agad ako sumagot. Mas lalo ako naguguluhan sa mga sinasabi niya. Base sa nga pinagsasabi niya, wala akong nararamdaman na may namamagitan sa kanilang dalawa. She's more like... A friend. Kung tama ba ang kalkulasyon ko.
"Russel? You there? Oh s**t, don't tell me may ginawa ka na namang kabulastugan!?"
"Umalis si... Russel." sa wakas ay nagsalita na ako, sa kalmadong paraan.
"Oh!" bulalas niya. "Wait, may I know who is this on the line?"
"J-Jelly. Jelly Doroteo... Russel's fiancee." wait, bakit iyon ang nasabi ko?! What the hell?!
"Oh. My. God." dahan-dahan niyang sambit. Parang pinoproseso pa niya isipan niya ang isinagot ko. "Seryoso? Ikakasal na ang siraulo na 'yon?! Wow! Congrats sa inyooo! By the way, I'm Jocelyn Migabon, college buddy ni Russel. And hep, don't worry. Kaibigan ako, hindi ahas. Awwww, I hope I can meet you personally!" masigla niyang pahayag na kulang nalang ay magtatoungue twister na siya.
Napangiwi ako, kahit bigo niya makita iyon. "S-sasabihin ko nalang sa kaniya ang sinasabi mo..."
"Oh please, please? Importante kasi ito." then I heard her sighs. "By the way, huwag ninyong kakalimutan na iinvite ako sa kasal ninyo, ha? Please? Kahit doon lang, makilala lang kita."
Hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit imbis na magalit ako ay natatawa ako sa kaniya. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at marahan na ipinikit ang mga mata. "Sure, sasabihin ko sa kaniya na iinvite ka niya."
"Alright, salamat! Pasuyo lang, ha? Importante lang talaga na makalayo ako sa PJ Chua na iyon. Banggitin mo lang pangalan ang hinayupak na 'yon, alam na niya. Salamat!" nawala na siya sa kabilang linya pagkatapos.
Tumaas ang isang kilay ko sabay tingin sa screen ng cellphone ni Russel. Ngumuso ako't nagkibit-balikat. Naiiling-iling nalang ako nang ibinalik ko ang telepono sa side table.
"Jelly?"
Dumako ang tingin ko sa pinto ng silid na ito. Tumambad sa akin si Russel na ngayon ay dala na niya ang maleta na naglalaman ng mga damit at gamit ko. Hinatak niya iyon saka itinabi niya iyon sa isang silid. "There's any problem?" malumanay niyang tanong sa akin.
"May tumawag sa cellphone mo kanina." kaswal kong tugon.
Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. "Who?"
"Jocelyn...? Jocelyn Migabon?"
Umaawang ang kaniyang bibig. "J-Jelly... Wait, let me explain... Hindi ko babae si Jocelyn. She's just a good friend of mine—"
Gumuhit ang mapaglarong ngiti sa aking mga labi. Ikinulong ko ang aking mga palad sa kaniyang mukha na dahilan para matigilan siya sa pagpapaliwanag. Muli nagtama ang aming mga tingin. "I know, nagpaliwanag siya sa akin, nilinaw niya sa akin sa umpisa palang na walang namamagitan sa inyo. Maliban nalang na naging college buddy mo siya." hinaluan ko ng lambing nang sambitin ko ang mga bagay na iyon.
Natigilan siya saglit. "Jelly..."
GInawaran ko siya ng isang sinserong ngiti. "At sinabi niya sa akin na kailangan niya ng tulong mo. Dahil nadatnan daw siya ni PJ Chua. Sino pala sila, Russel?" unti-unti na kasing bumubuhay ang kuryusidad sa aking sistema. Lalo na't hindi ko talaga maitindihan kung ano ang nangyayari.
Bago niya sagutin ang aking katanugan ay kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Muli siyang tumingin sa akin. "Pinsan ni Mikhail ahia si PJ Chua, mother side. Si Jocelyn ay trainee ng mga Chua noon na nabuntis ni PJ Chua." paliwanag niya.
Laglag ang panga ko sa hinayag niyang rebelasyon.
"Panay layo ni Jocelyn dahil nasira noon ang reputasyon ni PJ ahia dahil nabuntis siya nito. Lalo na't kasama sa memorandum of agreement na bawal na may namamagitan sa pagitan ng trainee at nang advisor." saka nagkibit-balikat siya. "Iyan lang ang alam kong kwento tungkol sa kanilang dalawa."
Dahan-dahan akog tumango na tila naitindihan ko ang kaniyang paliwanag. "Ang sabi din niya sa akin pala, imbitahan din natin siya sa kasal..."
"Gusto mo rin ba siya makilala? Kung ayaw mo, it's fine with me. Ayokong magalit ka..."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa saka piningot ang kaniyang ilong. Napadaing siya sa ginawa ko. "Baliw! Kahit sobrang bata ko sa iyo, may pagkamatured naman ako, noh! Naiitindihan ko naman at saka, mukhang masarap din siyang kakwentuhan. Masyado siyang masigla nang nakausap ko siya sa tawag."
Sa hitsura niya, parang nakahinga siya ng maluwag. Napangiti siya habang nakatiitg siya sa akin. "Mukhang hinding hindi nga ako magsisisi na mapananagutan ka, Jelly." mahina niyang sambit.
"Bakit?" inosente kong tanong.
"Kahit may mga bagay na hindi mo pa alam, kahit na inosente ka pa, matured ka mag-isip. Malawak ang pag-unawa mo."
Ako naman ang natigilan. Bumaba ang tingin ko nang naramdaman ko na masuyo niyang hinawakan ang aking kamay. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "Russel..." tanging pangalan lang ang nasabi ko.
"Napaisip ako kanina, kung anong gusto mong kasal sa oras na hingin ko ang kamay mo mula sa mga magulang mo." binigyan niya din ako ng matamis niyang ngiti. Hinawi niya ang takas kong buhok. "Kung anong mga lugar na gusto kong puntahan..."
"Kung saan mo nagustuhan, magugustuhan ko din, Russel." sagot ko. "Pero desidido ka na talaga sa desisyon mo na iyan?"
"Of course. Why? May doubts ka ba sa akin?"
"Wala naman..."
Bumaba ang tingin niya sa aking tyan. "Can I touch it?" nahihimigan ko ang takot at pag-aalala sa kaniyang boses.
"Oo naman." dahil anak mo din siya, Russel.
Dahan-dahan kong naramdaman ang mainit niyang palad sa aking tiyan. Nakatitig siya doon. Bakas na sa kaniyang mukha ang kanyang pagkamangha. Hindi pa naman malaki ang baby na nasa tyan ko pero iba ang epekto ng eksena na ito sa akin. "Hey, kid... Can I have your permission first?"
Huh? Anong permission naman iyan?
"I want to marry your mother and be my child forever. I want to say I love you to both of you for million times. I will give anything and stop at nothing." diretso siyang tumingin sa akin. "Can't wait to be your husband and a father of our child, Jelly Doroteo-Ho."