One

1029 Words
Chapter: One Kakaibang hiyaan ang maririnig sa loob ng club, maingay at hindi magkamayaw ang mga parokyano. Ganito kaingay ang Club kung si Olivia na ang nasa taas ng stage para sumayaw. Hindi pa nga matatawag na sayaw ang ginagawa ng dalaga. Naglalakad pa lamang siya para magsimula sa kaniyang trabaho, kaunting kembot pa lang ang nagagawa ni Olivia halos mabaliw na ang mga tao. Hindi na magkamayaw ang mga kalalakihan sa kaniyang harapan. “Olivia, come and live with me.” sigaw ng isang matandang lalaki. Ilan na nga bang ganitong offer ang natanggap ni Olivia, marami na at hindi na niya mabilang pa. Ngunit ni isa sa mga ito walang pinatos si Olivia, dahil hindi sa ganito lang matatapos ang buhay niya. Kung papatol siya sa mga lalaking ito, wala na siyang ipagkakaiba sa nanay niya. At ang ending mamamatay lang siyang walang pinuntahan ang buhay niya. “Ang init ng crowd,” bulong ni Yna kasamang stripper ni Olivia. Dalawa silang naka-schedule para sa gabing ito na magsayaw sa stage. Pero sa totoo lang silang dalawa naman talaga ang madalas na magkasama sa trabaho. Maikukunsidera ni Olivia na kaibigan niya si Yna, isang malapit na kaibigan. “Palagi naman,” bulong din ni Olivia. Sabay na silang humarap sa mga nagkakagulong mga tao, handa na sanang gumiling si Olivia ngunit natigilan siya sa gagawin nang makita ang kaniyang boss. Nanonood ngayon ang kanilang big boss na si Achilles. Hindi na tuloy alam ni Olivia papaano siya ngayon maghuhubad sa harapan ng mga tao. “Hey, Via, anong nangyayari sa’yo?” bulong sa kaniya ni Yna. Nakalapit na pala sa kaniya ang dalaga nang hindi niya nararamdaman man lang. Hindi niya rin napansin na nakatayo lang pala siya ngayon. Nakatayo lang na hindi kumikilos man lang para gawin ang trabaho niya. Hindi na lang niya sinagot pa si Yna at nagsimula na siyang sumayaw. Ngunit habang ginigiling niya ang kaniyang katawan, hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa kaniyang boss. Na hindi rin naman inaalis ang pagkakatitig sa kaniya habang sumasayaw siya. Mula nang gabing ipinatawag siya nito para sayawan ito hindi na maalis sa isipan niya ang binata. Hindi niya maiwasan na alalahanin ang mga nangyari ng gabi iyon sa pagitan nila. “Come inside and close the door.” He said with a deep baritone voice that send shivers down to her spine. Napalunok na lang si Olivia, nanginginig ang buo niyang katawan. Ito ang unang beses na maramdaman niya ang bagay na ito. Kaya hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito. Huminga siya nang malalim, makailang ulit pa nga niyang ginawa iyon para pakalmahin ang sarili niya. Saka lamang niya nagawang sundin ang sinabi sa kaniya ng boss niya. Ang pumasok na sa loob at isarado ang pintuan. Wala siyang ideya kung gaano siya katagal na nakatayo labas ng VIP room. Pero isa lang ang masasabi niya, ngayon lang siya nangilig ng ganito sa isang lalaki. Buong buhay niya handa siyang humarap sa kahit na sinong lalaki. Na mas pinatatag pa ng mga panahon na nagsimula siya sa kaniyang trabaho. “So your name is Olivia?” tanong ng lalaki. Naka-deem lang ang ilaw sa loob, halatang para sa isang erotikang tagpo. Ngunit kitang-kita ni Olivia ang mukha ng bago niyang boss. Kaya kita rin niya kung papaano kumurba ang labi nito para ngumiti sa kaniya. “Are you nervous?” tanong nito. Saka lang siya nagising nang marinig niyang tumawa ang lalaki. “Come here, Olivia. Sit beside me, hindi ako nangangagat.” Sabi pa nito habang tumatawa. Parang gustong batukan ni Olivia ang sarili niya nang dahil sa ginawa niya sa harapan ng boss niya. Kaya para makabawi naman sa katangahan na ginawa niya lumapit na siya dito at naupo sa tabi nito. “What do you want to do now boss?” lakas loob na tanong niya sa binata. Conscious naman si Olivia sa pagkakatitig ng binata sa kaniya. At talagang pinakatitigan pa siya nito habang magkatabi sila ng upo. Para siyang sinisilahan sa kaniyang tumbong habang nakikipagtitigan din siya sa binata. “Nothing, just sit there and relax. Mamaya you’re going to show your talent with our valued costumers so relax there and take a rest.” Anito saka binalingan na ang bottle water na nasa lamesa. Napataas ang kilay niya nang makitang kaysa sa alak, tubig ang nilaklak ng amo niya. Hindi lang iyon, ang sinabi nitong mag-relax siya at magpahinga? Hindi ito ang inasahan niya na mararanasan sa bagong boss. Hindi katulad ng dating amo nila na ipipilit din ang gusto sa kanila na mga tauhan nito. Malayong-malayo ang bago nilang boss sa mga naging boss na nila. “I know how hard to earn money, even the job you were doing. So relax okay, kahit ngayon lang magpahinga ka. Kung pwede ko nga lang tawagin lahat ng mga stripper or even all the staff in here to relax and take a rest ginawa ko na. But the club needs to run its business tonight.” Sabi pa nito nang matapos na uminom ng tubig. “Oh and by the way, my name is Achilles. Ach na lang ang itawag mo sa akin. I don’t like being called sir nor boss. Parang gangster ang dating,” anito saka tumawa pa sa sariling sinabi. And right there and then, Olivia felt her heart pump very fast like it was going to explode, just by the seeing her new found boss laugh. After that night, hindi na mawala sa isipan niya ang bagong boss. Iyon naman kasing lalaki na iyon kung makatitig sa kaniya parang ang badboy niya. Na parang pilyo siya kung tumingin, tapos ang boses sobrang nakaka-intimidate ang tono ng pagsasalita niya. Pero ang looks, my God, inosenteng-inosente kung tignan ang binata. Tapos gentleman pa siya at mabait, bagay na maikukunsereda ni Olivia na kahinaan niya sa mga lalaki. Na hindi niya pa nakita sa kahit na sinong lalaking humarang sa daraanan niya. Ngayon pa lang aaminin na ni Olivia, nakuha na ng boss niya ang paghanga niya. Crush ko na nga siya eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD