bc

Sleep with Me

book_age18+
186
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
HE
heir/heiress
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Ano’ng gagawin mo kung may nag-alok sa iyong isang mala-Adonis na nilalang na matulog lang sa tabi nito?

Aanhin mo kung ang taong iyon ay ang hottie and drop dead gorgeous mong boss na siyang dati mo pang pinagpantasyahan?

Handa ka bang kalimutan ang pride na hinding-hindi magpapalinlang sa mga kalahi ni Adan?

Pero paano kung sa likod pala ng alok nito ay may isang lihim?

Magpapatuloy ka pa ba sa planong paibigin ang isang hottie boss kung natuklasan mo ang isang bagay na hindi mo inaasahan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Bata pa lang si Olivia, mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi lang sa hirap ng buhay siya namulat. Maging sa paghihirap ng sarili niyang ina, na wala na yatang ginawa kung hindi ang maghabol sa mga lalaki. Magmakaawa na mahalin ito ng mga lalaking minahal nito, pero sa huli iiwanan na luhaan at wasak na wasak. At sa lahat ng lalaking nakitang niyang nagpaiyak sa kaniyang ina, wala ni isa sa mga iyon ang tatay niya. hindi niya namulatan ang kaniyang ama, mula pa nang ipanganak siya. hindi na siya nagtanong pa sa ina niya kung nasaan ang kaniyang ama. Dahil sa trabaho na mayroon ang kaniyang ina, inisip na lang niyang maging ang kaniyang ina ay hindi alam kung sino ang kaniyang ina. Dahil isang kalapating mababa ang lipad ang kaniyang ina. Nagbebenta ng katawan upang kumita at may maipakain sa kaniya. Kaya napakaraming lalaki ang dumaan sa buhay ng kaniyang ina na hindi na talaga niya mabilang pa. Hanggang sa pumanaw na lang ang kaniyang ina ay hindi na nito nagawang makatagpo ng lalaking mamahalin ito hanggang sa huli. Kaya bata pa lang si Olivia ipinangako na niya sa sarili niya na hinding-hindi siya magpapadaig sa mga lalaki. Na hinding-hindi siya tutulad sa kaniyang ina, na hindi siya kahit kailan na maghahabol sa isang lalaki para lang mahalin siya nito. Isunumpa rin niyang hinding-hindi siya tutulad sa kaniyang ina, na maging isang prostitute. Ngunit mapait ang tadhana sa kaniya, hindi man siya isang pokpok, o prosti, GRO, o kung ano pa mang tawag sa mga babaeng mababa ang lipad. Hindi naman siya nalalayo sa trabahong iyon. Isa lang naman siyang stripper sa isang kilalang club sa Kamaynilaan. Naghuhubad sa harapan ng napakaraming lalaking naghahangad ng kaligayahan sa kandungan ng isang bayarang babae. Pero maipagmamalaki naman ni Olivia na kahit na naghuhubad siya sa harapan ng mga lalaki, ni isa sa nga ito walang nakahawak sa kaniya. Intact pa ang kaniyang hymen, virgin pa siya at wala siyang balak na basta bitawan ito sa kung sino. Dahil hanggang sa mga oras na ito, matigas ang paninindigan niyang hinding-hindi siya magpapaalipin sa mga kalahi ni Adan. “Hoy! Olivia, hanap ka ni Boss Nick!” sigaw ng isang kasama ni Olivia sa trabaho. Nasa dressing room ngayon si Olivia naghahanda para sa gabing ito na trabaho. “Ano naman ang dahilan at tawag ako nang manyak na ‘to.” Bulong sa sarili ni Olivia. Hindi niya gusto ang kanilang manager, dahil isa ito sa mga lalaking gustong makalamang sa kaniya. Manyak na sa tuwing magkikita sila nito ay palagi ang palipad hangin na gusto siya nito. Mabuti sana kung gusto lang siyang makarelasyon nito, as in boyfriend niya. Pero hindi, hayagan ang gusto nito na maikama lang siya nito. Hanggang kama lang ang gusto ng mga lalaki sa kaniya wala nang iba pa. Napapangisi na lang si Olivia kapag nakikita niyang nahihirapan ang mga lalaki na makuha ang gusto mula kaniya. Iyon naman ang goal niya mula pa noong bata siya, ang pahirapan ang mga kalahi ni Adan. Kahit man lang sa ganito maiganti niya ang kaniyang ina. “Olivia!” Naitirik na lang ni Olivia ang kaniyang mga mata nang ang sumunod na pumasok sa dressing room ay ang kanilang manyak na manager. Mabuti na lang tapos na siyang magbihis kanina pa, kaya walang nakita ang walang hiyang lalaki sa kaniya. Ugali pa naman nitong basta na lang papasok sa dressing room kahit pa alam nitong may posibilidad na nagbibihis pa ang mga katulad niyang stripper o maging ang mga entertainer na lang ng club. “Kanina pa kita pinapatawag, bakit ba ang tigas ng ulo mo? porke ba ikaw ang pinakasikat at high paid stripper ng club magmamalaki ka na sa akin!” sigaw nito kay Olivia. Halos mapatid ang litid sa leeg ng lalaki habang nagsasalita ito. Halata ang galit sa lalaki dala na rin sa lakas ng pagkakasigaw nito sa kaniya. “Sorry Boss, nagbibihis ako kanina.” Sabi na lang ni Olivia. Ngumisi ang lalaki, “ano naman ngayon kung lumabas kang hubad. Halos lahat naman ng mga lalaki dito nakita ka nang hubad. Ano pa ba ang kailangan mong takpan.” Naiinis si Olivia sa paraan ng pagkakasabi ng lalaki, pero wala siyang nagawa kung hindi sarilinin na lang ang inis at galit sa lalaking ito. “Ano ba ang kailangan mo sa akin boss?” pag-iiba na lang ng usapan ni Olivia. Umayos ng tayo ang lalaki at pinameywangan siya nito, “darating ang bagong may-ari ng club. Humanda ka at ikaw ang kailangan na magpa-impress sa bagong boss.” Hindi na nito hinintay na sumagot man lang si Olivia at iniwanan na siya nito agad. Napailing na lang si Olivia, hindi naman niya kailangan na kabahan kahit pa nga sabihin na ito ang bagong may-ari ng club kung saan siya nagtatrabaho. Tulad ng sinabi ng manager nila, ano pa nga ba ang bago, nakita nga raw ng halos lahat ng lalaki sa club na ito ang hubad niyang katawan. At walang espesiyal sa bago nilang boss. Para kay Olivia, hindi iba ang bago nilang boss sa kahit na sinong lalaki na papasok sa lugar na ito. Walang matinong lalaki ang papasok sa club na ito, lalo pa kaya ang taong ito ang gagawin na negosyo. Napapailing na lang si Olivia habang naglalakad na siya papunta sa may VIP room ng kanilang club. Walang kahit na sinong lalaboy-laboy sa daan papunta ng VIP room nila ngayon. Kaya napapataas na lang ang kilay ni Olivia habang naglalakad papunta sa VIP room. Sa may pinakadulong VIP room siya nagtungo. Ang dulong VIP room kasi ay nakalaan lang sa boss ng club na ito. Isang madilim at malamyos na tugtugin ang bumungad kay Olivia nang buksan niya ang pinto. Hindi lang madilim at tugtug ang bumungad kay Olivia, maging ang nakakahalina na amoy ang bumati sa dalaga. Napalunok na lang si Olivia nang ilang beses nang magtama ang mga paningin nila ng lalaki nasa loob ng VIP room na ngayon lang nakita ng dalaga. Bumilis ang pintig ng puso ni Olivia nang ngumiti ito sa kaniya. “Come inside and close the door.” He said with a deep baritone voice that send shivers down to her spine.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook