Nagmamakaawa pa rin si Manang Tina sa mga pulis habang nasa loob ako ng kulungan. Wala na talagang tumutulong luha sa mata ko dahil natuyo na lahat iyon. Gusto ko na lang matapos ito para maipaliwanag ko ang sarili ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung gulat na gulat na mukha ni Sebastian. Sampung taon. Ganun katagal ang namagitan na taon sa aming dalawa. Hindi ko alam kung tama pa rin ba na umasa ako hanggang ngayon sa kanya. Nakakalungkot lang din isipin na kung kailan namatay ang Senyor Santiago ay doon lang sila umuwi. Ang hirap para sa Senyor iyon. Sobrang hirap na lagi nitong hinahanap ang mga anak. Dumating nga ang mga ito pero huli na. "Sir, makinig po kayo sa akin. Hindi niya pinatay si Senyor Santiago. Matagal ng may sakit ang Senyor!" pagmamakaawa pa rin ni Manang T

