"Tita!" malakas na tawag ko nang makapasok ako sa loob ng mansyon. Umalingawngaw ang aking boses sa kabahayaan dahil sa lakas ng aking boses. Aligagang naglabasan ang mga kasambahay dahil sa aking naging sigaw. Matapos ang pang yayari ay agad akong dumeretso dito. Gusto kong malinawan sa lahat. "Manang! Nasaan si Tita! Kailangan ko siyang makausap!" agad na bungad ko kay Manang ng ito ay humarang sa aking harapan. "A-anong nangyari? Bakit ka biglang napabisita anak?" naguguluhang tanong nito sa akin. Umiling ako kay Manang ng hindi nito sinagot ang aking tanong. "Si Tita?" muling ulit kong tanong dito. Hindi ko na kailangan na mag paligoy ligoy pa gusto kong malaman ang totoo mula sa kanya. I can't f*****g believe in Xander. Alam ko, sinisiraan nya si Tita hindi iyon magagawa ni ti

